I was in the lunch line when that Noah tried to talk to me again. He was saying things that I didn't care about so I just ignored him like I couldn't hear any word he was saying.
Nagulat nalang ako nang sinundan niya ako sa lunch table namin. He doesn't even know the people here, so why would I even imagine him coming here?
"Paupo ako ah?" Paalam niya sa isa kong kaibigang si Kian. Tumango lang naman 'to sakaniya.
"Uhh, anong ginagawa mo dito?" Tanong ni Zira sakaniya. "Do you even know me?"
"Ikaw kilala ko, maingay ka eh." Sagot niya dito. Nagulat si Zira sa pag-describe nito sakaniya. "Azira. Diba? Azira Alcazar? Yung kapatid ni Drea?"
"Kilala mo din yon?" Tanong naman ni Aiden.
"Oo. May thing sila ng kuya ko." Paliwanag niya.
"May kapatid ka pala? Gwapo ba 'yon? How old is he?" Sunod-sunod na tanong naman nitong si Trixy. Palihim ko siyang kinurot pero parang di niya lang naramdaman yon.
"Sabi nila." Maikling sagot ni Noah at kumagat sa kinakain niyang sandwich. "Pero I still look better."
"Wow naman sa confidence. Feeler mo." Banat ni Zira. Natawa naman kaming lahat don. "You never answered my question."
"Ahh... ano... Sasabayan ko lang kayong kumain. Hindi ba pwede?" paliwanag naman ni Noah.
"'Di nga? Hindi ba dapat nandon ka sa may friend group mo? Ang layo ah. Baka naligaw ka?" Usisa pa ng isang kasama naming si Autumn.
"Wag kayong maingay." Medyo pabulong na sabi nito pero rinig pa naming lahat. Nilapit niya yung mukha niya sa gitna ng lamesa. "Pinagbibigyan ko kasi yung kaibigan niyo. May gusto kasi siya sakin."
Wtf? Nananahimik ako dito ah.
Natahimik lahat ng kasama namin habang si Noah ay ngingisi-ngisi don sa upuan niya na parang ang ganda ganda ng ginawa niya.
"Feeler talaga." Pang-babasag ni Kian sa katahimikan sa lamesa namin.
"Bro, I can literally hear you. Katabi mo lang ako." Tinignan siya ni Noah.
"I know." Sabi nito at halatang pinipigilan ang tawa.
"Hindi ka gusto niyan." Trixy declared. Natawa naman ako. "Pangit taste niyan sa lalaki. Wag kanang umasa dyan. Ikaw naman magsalita ka nga tatahi-tahimik ka dyan na para kang may kasalanan." Bumaling pa sakin ito.
Napalingon ako kay Noah. Nakangisi lang ito sakin na parang sinasabing magsalita na ako.
"Bili lang akong tubig." Paalam ko kasi 'di ko alam kung anong sasabihin ko. Tatayo na sana ako nang biglang inunahan ako ni Naoh.
"Ako na." Volunteer pa niya at umalis na.
Sa totoo lang, hindi naman talaga ako nauuhaw. Gusto ko lang makaalis dito. I wanted to escape their questions along with the conversation.
Epal naman 'yon.
Napaayos nalang ako ng upo. "At may bagong pasok sa eksana ng buhay ni Lia. Sino nga kaya si Noah sa buhay nito? Abangan sa susunod na kabanata." Parang nagiistory telling na pahayag ni Autumn.
"Anong arte naman 'yon?" Naka-kunot ang noo'ng tanong sakin ni Zira.
"Malay ko don! Ang kulit kulit. Kagabi pa siya message ng message sakin. Tapos may paharang harang pa siya sa daan ko kanina. Then ito naman." Paliwanag ko sakanila.
May kinuha naman si Aiden sa bag niya. "Check niyo, baka may sakit." Hirit niya pagka-baba ng isang thermometer sa lamesa. Sabay sabay kaming tumawa ng malakas.
BINABASA MO ANG
Unexpectedly Attached To You
Romance#1 Keylia Zen Fernandez For Lia, everything in her life was nearly perfect. She has everything she could ever dream about. A loving family, supportive friends, a peaceful neighborhood... But what if behind everything she ever was thankful for was...
