Chapter 5

415 6 0
                                    

"Good morning." Pangbungad na bati ko pagbaba ng hagdan kinaumagahan.

"Good morning, iha. Kumain kana dito. Nagluto ako ng pancakes at eggs." Pag-anyaya sakin ni...

"Yaya Glenda?" Naguguluhang tanong ko. Kinusot-kusot ko pa ang mata ko para masigiradong tama ang nakikita ko. "Yaya Glenda!" tuwang tuwa akong yumakap sa aking yaya.

Si Yaya Glenda ang naging katulong ng pamilya namin magmula pa nung bata pa kami ni kuya. Pamilya na din ang turing namin dito. But our yaya left last year to go home to her family. I wasn't expecting that she'd be back anytime soon considering that she had very serious personal matters to deal with kaya siya umalis.

"Namiss din kita, iha." Sabi ni yaya habang tinatapik yung likod ko.

"Yaya! Buti naman bumalik ka. Namiss ka namin nila kuya." Sa sobrang tuwa ko napahigpit ang yakap ko kay yaya.

"Namiss ko din kayo. Pero mamaya na tayo mag-kwentuhan. Kumain ka na muna at baka mahuli kapa sa klase mo." Medyo tinulak niya ako palayo sa'kaniya dahil sa higpit ng yakap ko.

"Eh, yaya, si kuya? Kumain na ba siya?" I asked as I sat down on one of the chairs around our dining table.

"Umalis na siya kanina." Ngumiti sakin si yaya.

"Eh, si mommy?" Napatigil ako sa ginagawa ko.

"Nagmamadali din siyang umalis kanina pa."

Anong nangyayari sakanila? Parang bigla nalang nawala lahat ng saya sa bahay.

Hinawakan ni yaya yung balikat ko at bahagyang pinisil ito.

"'Wag ka nang magisip nang magisip sa kanilang dalawa. Malalaki na 'yung mga 'yon. Ngayon, kuwentuhan mo 'ko sa mga nangyari dito nung wala ako. Kuwentuhan mo 'ko tungkol sa'yo. May manliligaw kana ba, ha?" nagulat ako sa huling tanong ni yaya.

Mukha na ba akong may manliligaw?

"Yaya! Wala 'no. Alam niyo naman po na wala akong interest sa mga relationship relationship na 'yan." I answered in a slightly unintentional defensive tone.

It was true. Wala akong interest sa gan'yan. But there was something in me telling me otherwise.

"Nagbablush ang dalaga ko! Na'ko! May manliligaw ka nga siguro." natutuwang sabi ni yaya.

Ilang minuto pa akong inasar ni yaya bago ko maalalang may pasok nga pala ako. Nagmadali akong magpaalam sakaniya at sumakay na ako sa bike ko at pumunta sa school.

Ngunit habang nagbabike ako, napansin kong may kotse na busina ng busina sa likod ko. Pagkalingon ko dito, nakita ko ang isang kulay maroon na ford truck.

Hindi ko nakilala ang kotse kaya hindi ko ito pinansin. Ngunit tuloy parin ang pagbusina nito. At sa huling busina nito, nilakasan na ng driver ang busina niya.

Nagulat ako at muntikan nang matumba. Tumayo ako at hinintay na lumapit ang kotse.

Nang makatapat sakin ang truck ay ibinaba ng driver ang bintana niya.

"I think you still need training wheels." bungad ni Noah pagkabukas niya ng bintana.

"I- What? Training wheels?!" Pasigaw ko'ng sabi. Kaaga aga kasi nanggugulo na kaagad.

"Oo, yung dalawang maliit na gulong para di ka natutumba." Pag-explain niya na may kasamang hand gestures.

"Alam ko kung ano yung training wheels." Sabi ko at sumakay ulit sa bike ko at nagtuloy sa pagbike papuntang school.

"Why are you even using a bike? Nageexercise ka?" tanong ni Noah na sinasabayan ako ng pag drive niya.

"No." maikling sagot ko.

Unexpectedly Attached To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon