Chapter 1

1.2M 40.6K 44.9K
                                    

Hindi mahagip ng isipan ko kung bakit may mga taong kayang magsalita ng kung ano-ano sa kapwa nila... without thinking of its impact. Words are very powerful. Isang insulto lang ay pwede nang madurog ang binuo mong kumpyansa sa sarili.

And sadly, most of those cruel people are the religious ones. Their words cut like knives because they want to impose their beliefs to someone. For them, religion is the cure to all illnesses.

It was one of the unfateful evenings. Nasa sala kami ng bahay, nagkakape si Mama at Ate Heather. Si Papa ay nasa simbahan dahil may gawain silang mga pastor doon.

"Depress-depressan na naman ang anak ni Gloria. Kung ano-ano na namang paglalaslas ang ginagawa... hindi naman itinutuloy!"

Napatigil ako sa pagsusulat nang marinig ang sinabi ni Mama.

"Papansin lang," sinabayan iyon ng pagtawa ni Ate Heather.

Tumingin ako sa kanilang dalawa... bahagyang kumunot ang noo sa pinag-uusapan.

"Ang ayos ayos ng pamilya nila pero may ganoong pag-iinarte pa! Alalang-alala naman si Gloria, at ipapa-doctor pa raw!"  ani ulit ni Mama.

Ibinaba ko ang hawak na ballpen at umayos ng upo. They're talking about other people's lives again... na para bang may ambag sila roon. Aren't they grateful that Aliah, Ate Gloria's daughter, is alive?

"Hindi naman pag-iinarte 'yon, Ma," anas ko. "Sakit sa utak ang depresyon, hindi guni-guni lang."

My sister let out an exasperated sigh. "Ang dami kasing nagva-validate sa feelings ng batang 'yon kaya humihina ang loob!"

I swallowed hard as her words stabbed my heart.

"Ate, hindi porke't may psychological disorder ay mahina na. Brain is an organ at ang mental illnesses ang sakit ng organ na 'yon."

"Sus! Noong panahon namin ay hindi naman uso 'yan," sabat ni Mama bago kuhanin ang tasa nya.

Ate Heather chuckled while looking at me with disgust in her face.

"Kung ano-ano na kasi ang nakikita sa social media... lumalaki tuloy na akala mo ay laging sila ang tama."

Mama agreed. "Dasal lang 'yon."

Ibinagsak ko ang dalawang mata sa notebook at ipinagpatuloy ang pagsusulat. Walang punto ang pakikipag-usap sa dalawa at rinding-rindi na akong mapakinggan ang mga ganoon nilang pasaring. I'm so sick of hearing their senseless thoughts on a daily basis... nakalimutan ata nilang psychology major ako at isa sa mga goals namin ay ang alisin ang mental health stigma.

Kailan ba maiintindihan ng mga tao na hindi kakulangan sa "faith" ang gamot sa psychological disorders?

Tumayo ako at aakyat na sana sa kwarto ko para roon na lang tumambay nang kunin ni Mama ang atensyon ko.

"May prayer meeting mamaya! Sumama ka, ha?"

See? After shitting on someone's back, they have the audacity to face Him?

I sighed. "Ayoko, Ma. Marami akong gagawin."

She snorted. "Kaya ka lumalaking bastos, Chin, eh! Ang tagal na noong huli kang sumimba!"

"Magre-review pa ako." That's an obvious lie. Ayokong sumama sa kanila.

"Hayaan mo na 'yan, Ma. Magdadahilan lang 'yan para hindi makasama."

I ignored their remarks like I always do. Iniwasan ko nang pakinggan ang sunod-sunod na pang-uulot ni Ate Heather kay Mama. They can talk shit behind my back and I will not show them how it hurt me.

Taming the Waves (College Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon