Chapter 2

999K 33.9K 34.9K
                                    

"Mira, tag mo nga 'yung friend mong solid magmaganda," natatawang asar ni Vina.

"Uhm... sa letrang C?! Chin?!" sagot naman ni Mira.

"Tangina nyo, tigilan nyo nga ako!"

Naramdaman ko ang pag-akyat ng dugo sa mukha ko. Kahapon pa nila ako inaasar! Akala mo naman talaga ay hindi nila naisip na ibinibigay sa akin ni Troy ang frappe na yon. Sila pa nga ang naunang kiligin kaysa sa akin!

"Chin, legit 'yung pagkapahiya mo ron." Vina added.

I squinted my eyes on her. "Wag mong ipaalala sa akin at ayoko nang isipin."

"May pa-I don't like coffee ka pang nalalaman!" si Mira na hindi rin matahimik.

Pinagtawanan nila akong dalawa kaya nakabusangot lang ako sa upuan ko. Ang laking tulong pa na P.E. ang last subject namin at may malaking chance na makita ko ulit si Troy!

Sa dami rami ba naman kasi ng tao sa department namin, bakit sa akin nya pa iniabot?! Isa pa, bakit hindi na lang sya ang kusang nagbigay kay Sir?

I groaned inwardly. Kahapon ay si Mira na ang kumuha ng paper cup sa lalaki dahil hindi agad ako nakakilos. Alam kong namula ang pisngi ko sa harap ng lalaki at gusto ko syang sakmalin dahil doon!

Feeling close ampota.

Narinig kong tumunog ang cellphone ko kaya napatingin ako roon... at napasimangot nang makita ang message ni Mama.

Mother Lion:

May cell group mmya. Pnta ka sa church. Patay ka sakn kapag ndi ka pmunta!

Everyday sa simbahan pero walang nagbabago sa ugali, ah? Very nice.

Hindi na ako nagreply dahil wala naman akong choice. Puputakan na naman ako noon ng kung ano-ano kapag hindi ako pumunta at ayokong marindi. Wag na lang sana syang magagalit kung magsusuot ako ng earphones sa loob.

Wala pang teacher sa room kaya maingay pa ang mga kaklase ko. Majority sa amin ay mga babae at may kanya-kanyang grupo. Kaclose ko naman sila halos lahat pero sina Vina at Mira talaga ang pinakakadikit ko.

Natahimik kaming lahat nang sumilip si Dean sa room namin.

"Sinong class president?" tanong nya, nasa labas pa rin.

Itinaas ko ang kamay ko at tumayo.

"Ako po, Ma'am. Bakit po?"

She smiled. "May meeting. Sumama ka sa akin."

I nodded. Kinuha ko lang ang cellphone at wallet ko bago lumabas. Ipinagpasalamat ko 'yon dahil hindi ko na kayang pakinggan ang tuloy-tuloy na pang-aasar ng dalawa.

I have no idea about the agenda dahil biglaan lang ito. Ni hindi nga ako nakapag-excuse sa prof ko!

We entered her huge office. Pinaupo nya ako kasama ang ibang president ng bawat class. Marami nang naroon pero nag-antay pa kami ng ilang sandali bago magsimula sa meeting.

"Our campus director, Mrs. Victoria Dela Paz, was nominated as the university president."

Dahan-dahan akong tumango. Our state university has five branches in Isabela. Itong pinapasukan ko ngayon ang main campus at hindi naman din nakakagulat na magiging presidente ng limang campus na iyon si Mrs. Dela Paz.

"Two weeks from now, magkakaroon ng malawakang paglilinis sa buong campus," our dean added.

"Ma'am, paano po ang klase?" tanong ng isa roon.

"Walang klase sa araw na 'yon pero maasahan ko ba kayo na maglilinis at hindi nyo hahayaan ang mga kaklase nyo na hindi pumasok? May attendance pa rin yon."

Taming the Waves (College Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon