The days passed by like a wind. Natapos ang midterms at talagang nagsunog ako ng kilay sa pagre-review. Chapter 3 na ang gagawin namin ngayon sa research kaya kailangan namin ng participants mula sa engineering department.
Tuloy-tuloy na rin ang pag-uusap namin ni Troy. Parang nawala ang awkwardness namin sa isa't isa lalo at madalas na kaming magkasama. Kahit kasama ko sina Vina at Mira, pumupunta sya sa akin kaya naka-close nya na rin ang dalawa.
Today is one of my most hated days dahil tatlong oras ko na namang makakasama si Irina. Thirty participants lang ang kailangan namin dahil experimental naman ang study namin. Our goal is to find out if colors have something to do with people's memorization.
Nang papunta na kami sa engineering department ay nakatanggap ako ng text mula kay Troy.
Troy:
nasaan ka?
I immediately typed a reply to him. I was actually thinking if he could help us. Wala kasi ako masyadong kilala sa engineering at sigurado akong wala ring kilala ang kasama ko.
Me:
Papuntang department nyo. May ginagawa ka ba?
I waited for his reply but it didn't come. Nakarating kami sa building nila at halos ma-estatwa ako nang makitang ang mga estudyante ay nasa labas ng rooms. Ang dami nila!
"Irina, ikaw ang magvi-video, ha?"
"Bakit ako?" reklamo nya sa mahinang boses.
"Ako na ang maghahanap ng participants at magco-conduct ng experiment. Pero kung gusto mong ikaw, ayos lang din naman."
She pouted before nodding. Inilibot ko ang tingin sa mga estudyante pero nakakatakot silang lapitan dahil grupo-grupo sila!
Paakyat na sana kami sa second floor nang tumunog ang cellphone ko. Sinagot ko agad ito nang makitang si Troy ang tumatawag.
"Hi, nandito ka na?" bungad nya sa akin.
"Oo, paakyat sa floor nyo. Busy ka ba?"
Nakita ko ang pagtigil ni Irina sa paglalakad kaya napatigil din ako. Sinabihan ko syang tumuloy sa pag-akyat pero hindi sya sumunod kaya nauna na ako.
"Hindi. Salubungin na kita."
I chuckled before ending the call. Wala pang ilang minuto ay natanaw ko na syang nananalamin sa glass door ng office ng dean at nag-aayos ng buhok. Inayos nya rin ang uniporme nya bago humarap sa akin.
Mukha syang nagulat nung una pero agad ding ngumiti.
"Chin!" natutuwang saad nya bago ako lapitan.
Kinuha nya agad sa akin ang dala kong folders na naglalaman ng materials namin para sa data gathering.
"Wala kayong klase?" tanong ko.
Umiling sya. "Wala. Half day lang kami ngayon."
"Bakit hindi ka pa umuuwi?"
He scoffed. "Sabi ko ihahatid kita, ah? Nakalimutan mo?"
Tinawanan ko lang sya kaya lalo syang napasimangot. Binati nya ang babae sa likod ko bago kami naglakad papunta sa mga possible participants namin.
"Kailangan nyo ng room, diba? Nakiusap na ako kay dean. Pwede nyong gamitin ang room namin."
His thoughtfulness brings comfort in my heart. Iginiya nya kami patungo sa bakante nilang kwarto at ipinatong sa mesa ang gamit ko.
"Tatawagin ko na ang participants nyo."
My eyes widened. "May nakuha ka na?"
"Oo, kanina. Kinausap ko na sila," he uttered while slightly nodding.
BINABASA MO ANG
Taming the Waves (College Series #2)
RomancePUBLISHED UNDER LIB Note: If you're not into flawed characters who make wrong decisions, don't read this. Save yourself from stress. Started: 10/07/2020 Ended: 11/18/2020 Elora Chin Valencia grew up in a toxic Christian family where she was viewed a...