Epilogue

1.7M 55.9K 95.6K
                                    


"Bro, kunin daw 'yong bola sa CAS sabi ni Coach," anas ni Calvin habang busy ako sa pagbabasa ng reviewer ni Duke na sapilitan ko pang kinuha kay Sol.

My forehead knotted. "Kayo na lang, nakakatamad."

"Gago," he laughed. "Sumama ka na. Diretso tayo sa practice game."

Ibinaba ko ang hawak na papel at napilitang tumango. Hindi naman ako player pero kung pilitin nila akong maglaro, parang ako ang varsity.

"Tawagin mo si Owa," utos ko na sinunod naman niya.

Nang nasa arts and sciences department na kami, mabilis ang naging kilos namin para kunin ang bola. Inihatid namin 'yon sa court gaya ng napag-usapan pero ang depungal na Owa, nalimutang isara ang pintuan ng stock room! Badtrip pa na nasa office ni Mama ang susi kaya sumama ako. Bumuntot din agad sa akin sina Calvin at Calix.

Tumigil kami sa tapat ng isang room habang inaantay si Owa na matapos. Bukas ang mga bintana no'n at napansin ko agad na room ng freshmen 'yon dahil sa uniform nila.

The students were laughing when a petite woman stood up. Her long black hair swiftly followed her movement. Nang mag-angat ng mukha ay nakita ko ang side profile nito kaya marahan akong napamura.

"Bakit?"

Hindi ko na sinagot ang tanong ni Calix. I stared at the woman and my heart literally stopped beating when she threw me a cold glance. Her beauty was ephemeral. It was so innocent and pure. Mahinhin ang mga mata at maliit ang matangos na ilong. I gulped when I saw how pinkish her lips were. And her cheeks! I would like to pinch it!

Pinanood ko kung paano siya sumagot at palakpakan ng mga kaklase niya. Even Sir Will looked at her amusingly.

"Troy, tara!"

Hindi pa rin ako gumalaw. Mahinhin siyang umupo at nang ngumiti siya sa pang-aasar ng mga kaklase niya ay para akong na-engkanto.

Naiwan ako sa isang tanong.

Sino siya?

Nang mga sumunod na linggo, naging madalas ang pagtambay ko sa CAS. Minsan nga ay nagvo-volunteer pa ako na kumuha at mag-ayos ng bola sa stock room para may maidahilan lang.

"Sir, sige na. Ano ngang pangalan?" pangungulit ko kay Sir Will.

Tumawa muna ito bago pasadahan ng kamay ang kalbo nitong ulo.

"Wag ka ro'n! Hindi ka papasa at maraming nagkakagusto!" aliw na aliw na saad niya.

"Itatanong ko lang naman ang pangalan. Wala naman akong balak."

He sighed before giving me a half-hearted smile. "Si Chin. Top student ko 'yon, kaya wag kang loloko-loko."

I observed her for months. Nagtataka na nga ang iba kong kaibigan kung bakit hindi ako nagkakaroon ulit ng girlfriend o fling. And of course, I told them that I like someone. Panay ang parinig ko ba naman sa twitter, malamang magdududa na ang mga 'yon.

"Sino ba d'yan?" tanong ni Calvin habang nakatambay na naman kami sa CAS.

"Nakaipit," I answered briefly.

She's reading her notes while her friends were busy talking about something. Minsan ay nakikitawa siya pero mas madalas talagang may sarili siyang mundo, at parang walang pwedeng makapasok doon.

It scared me. Day by day, my feelings for her were becoming strange. Sa dami ng nakalandian ko, ngayon lang ako natorpe! I can't even go near her! Ilang beses kong sinubukan pero mapapatingin pa lang siya sa akin ay mag-iiba na agad ako ng daan.

Nakakainis pa itong si Iris na pinalalabas na siya ang dahilan kung bakit ako nagpupunta sa CAS. Parang tanga. Hindi naman siya si Chin.

"T-Troy," tawag sa akin ng isang babae na nakasuot ng makapal na salamin.

Taming the Waves (College Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon