Chapter 13

744K 31.9K 23.9K
                                    

I woke up to Troy's calls and messages. Iisa lang naman ang laman non. Pinatay ko na lang ang cellphone ko dahil hindi nya ako titigilan hangga't hindi ako sumasagot.

I can't believe I shed a tear for him. I can't believe I came to like him in just a short period of time and he just fooled me. Marahil ay hindi ko kayang tanggapin na kaya nyang gawin 'yon. Ni wala syang text na aalis sya dahil ang huling text nya ay magre-review sya... hindi nya nga lang sinabi kung saan.

I mentally laughed as I felt a slight pinch in my heart. That's what you get for ignoring the red flags, Chin. Alam mo na ngang babaero, in-entertain mo pa. And now, you have to deal with it.

Lumabas ako ng kwarto kahit medyo mabigat pa ang mata. Naabutan ko si Papa sa mesa na nagbabasa ng bible kaya lumapit ako sa pwesto nya para mag-umagahan.

"Magandang umaga, Pa." I greeted him before getting a plate for myself.

I sit in front of him and get four pancakes. Kumuha rin ako ng dalawang hotdog at scrambled eggs. I'm feeling empty this morning so might as well fill myself with food.

Maya maya lang ay nakita kong pumasok si Mama sa kusina at agad na napatingin sa pinggan ko.

"Magtira ka sa huli, Chin," aniya sa akin.

"Hayaan mo sya. Marami naman akong niluto at tatatlo lang naman tayo rito."

Napatigil ako sa pagbabalik ng pagkain sa sinabi ni Papa. Padabog na umupo si Mama sa tabi nya at madiin ang tingin na iginawad sa akin.

"Bakit mugto ang mata mo?" she suddenly asked.

Nag-angat ng tingin sa akin si Papa kaya ilang beses akong kumurap. Ni hindi manlang kasi ako nakaharap sa salamin bago bumaba. I didn't know my eyes were puffy! Hindi naman ako sobrang umiyak kagabi.

"Puyat lang, Ma."

Inirapan nya ako kaya pinagpatuloy ko na lang ang pagkain. This must be good, right? Hindi ko pa masyadong kilala si Troy... mabuti na ring natapos agad para mabilis akong makabawi.

I gulped as I remember Iris' words last night. Bakit nga ba kasi gandang-ganda ako sa sarili ko? What made me think na seseryosohin nga ako ni Troy? Mahilig maglaro ang lalaki at marahil ay na-challenge lang ito sa akin dahil hindi ko sya gusto.

"Chin, okay ka lang ba?"

Nag-angat ako ng tingin kay Papa at mahinang tumango.

He narrowed his eyes on me, parang tinitingnan kung nagsasabi ako ng totoo o hindi. Nang walang makita sa mukha ko ay muli nyang ipinagpatuloy ang pagbabasa.

"Sembreak nyo na, diba?"

"Oo, Ma."

She crossed her arms and nodded. "Mag-general cleaning ka ngayon. Tapos sa Linggo ay sumama ka sa amin sa pagsimba para naman may nangyayari sa buhay mo."

Tinatamad na tumango na lang ako. I don't have the energy to answer all her remarks.

"Nakakausap mo pa ba ang Ate Heather mo, Chin?" tanong ni Papa matapos akong kumain.

I shook my head. We're not really close and I don't think I can approach her.

Mama snorted like a pig. "Of course, she doesn't. Wala naman pake 'yan sa kapatid nya."

"Bakit hindi mo kino-contact? Dalawa na nga lang kayo, hindi pa kayo magkasundo."

Uminom muna ako ng tubig bago sumagot ngunit naunahan na agad ako ni Mama.

"Paano naman magiging close 'yan? Kita mo naman kung sino ang may attitude problems sa kanila. Mabait pa nga si Heather at hindi nya sinasagot yan," she uttered in disgust.

Taming the Waves (College Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon