Chapter 23

880K 27.6K 46.4K
                                    


‍‍‍Troy started his on-the-job training on a construction company in La Union and I started mine in a mental hospital in Mandaluyong. Tuloy ay isang buwan na kaming hindi nagkikita. Dito kasi kaming mga psychology major lahat in-assign ng university namin dahil magandang training ground daw ito para sa mga aspiring mental health practitioners.

"Nakakapagod ang assessment," iinat-inat na saad ni Vina bago naupo sa tabi ko. We're wearing our usual all-white uniform and our faces were bare.

Sumunod ding umupo si Mich. "Huhu, tangina, hinabol ako nung isang pasyente."

"What?" natatawang tanong ko.

Inilapag niya ang clipboard at mga papel sa mesa bago kami muling harapin.

"Ibibigay ko lang naman 'yung gamot pero hinabol ako," malungkot na kwento niya. "Napatakbo rin tuloy ako. Ayun, para kaming nag-marathon."

Hindi namin napigilan ni Vina ang pagtawa sa kwento niya. Hindi ko ma-imagine!

"Buti na nga pinakalma rin agad ni Nurse Luke," she said dreamily. "Shuta, may gwapong nurse dito tapos bawal tayong mag-make up."

Kumunot ang noo ni Vina. "Meron?! Saan?"

Napailing na lang ako. Basta talaga gwapo, napakabilis ni Vina. Mabilis na tumayo ang dalawa at naglakad patungo sa sinasabi nilang nurse. Ako naman ay pumunta na lang sa dorm dahil tapos na rin naman ang duty namin. Bukas ay counseling naman kaya kailangan kong galingan. This is so psychology! Exciting!

Our on-the-job training has three settings. Clinical, educational, and industrial. Pagkatapos ng OJT namin dito sa clinical, kanya-kanya na kami ng hanap ng schools at companies para ma-fulfill ang terms namin. It will be tiring but I know it's worth it!

Troy:

Hi, baby. Busy ka ba? I miss your voice :(

Napangiti ako nang mabasa ang text niya. Nagaya na niya ang format ko! I dialed his number and he immediately answered it.

"Hi!" I said enthusiastically. "Kumusta internship?"

Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya. "I miss you."

I chuckled. Dahan-dahan akong humiga sa kama dahil wala pa naman sina Vina at Mich.

"I miss you, too. Anniversary na natin next week," malungkot na pahayag ko.

"I'll go there... magpapaalam na ako rito nang maaga. Kahit three days and two nights lang," parang nabuhayan ng loob na saad niya.

I bit my lower lip. Paano kaya ako magpapaalam? Tuwing Linggo lang akong walang duty at kung ganoon ang gusto niya, 16 hours ang mawawala sa akin. Pero, anniversary naman namin! Pwede ko namang mag-overtime na lang ako!

"Sure! I'll see you!"

He chuckled. "I love you."

"I love you, too, Troy Jefferson."

The next days were kinda hectic pero dahil may nilu-look forward na anniversary ay nakaya naman. Nakakalungkot na ang daming naa-admit na bagong patient. I even saw some of them breaking down right in front of my eyes and it somehow triggered me. Hindi lang iilang beses akong umiyak dahil sa mga nakita kong pagwawala ng pasyente.

This is the path I'm gonna take. I should have a strong self-will, kung hindi ay magkakasakit din ako.

"Pigil na pigil 'yung iyak ko nung pinahidan ako ng kulangot nung kina-council ko!" sumbong ni Anne noong magkita-kita kami sa hallway ng hospital.

"Tangina, 'yung patient ko, nagsalsal sa harap ko, gusto ko na lang sumabog," ani Vina.

We were laughing when someone from our back cleared his throat. Sabay-sabay kaming napalingon doon at ganoon na lang ang gulat ko nang makita ang kasama naming nurse sa red cross.

Taming the Waves (College Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon