"Chin! I missed you!" sigaw ni Vina habang tumatakbo papalapit sa akin. Niyakap niya ako nang mahigpit bago kumapit sa braso ko. "Day off ko! Date tayo ngayon."I pouted. "Di ako pwede. Mag-aasikaso ako ng lesson plan."
"Two hours lang! Wala ka naman nang klase ngayon. Deserve mo magpahinga," pambobola pa nito sa akin. "Wag ka nang mag-isip! Ililibre kita sa KFC dahil nagsasawa na ako sa mga resto rito. Alam mo naman, mayaman na ako."
I laughed before smashing her shoulders. "Bili mo nga akong bahay kung mayaman ka."
Inirapan niya ako. Nasa labas kami ngayon ng CAU at tama siya, wala na akong klase dahil katatapos lang ng tatlong oras kong shift. Part-time worker pa lang naman kasi ako. Syempre, kakaunting linggo pa lang ako rito. Malabong ma-regular agad ako.
"Dala ko ang sasakyan ko," pagmamayabang niya pa bago ako yayain patungo sa car park.
Napangisi ako nang makita ang pula niyang Innova. Masayang gamitin 'to sa roadtrip. Marami kaming mailalagay. Pumasok kami sa sasakyan niya at mabilis niyang ipinaharurot iyon.
Dalawang linggo rin kami halos hindi nagkita dahil busy siya sa hospital at busy din ako sa school. School na puro demonyo ang nag-aaral at nagtuturo. Ginawa na nilang hobby ang panlalait sa akin.
Hindi pa nakatulong na madalas kong makita si Troy kapag uwian na namin. Inihahatid at sinusundo niya ang babae. Nagtataka na nga ako minsan. Wala ba siyang trabaho? Isn't he busy? Or does he love her that much? Alam kong hindi ko na dapat iniisip 'yon pero hindi naman kasi overnight ang pagmo-move on ko.
"Ang ganda ganda ng kasama mo pero nakasimangot ka," natatawang saad niya.
I cleared my throat before speaking.
"Nakita ko si Troy," wika ko.
She gave me a side glance. "Dito? Sa Manila?"
"Yup. Sila ata ni Irina," I chuckled.
Kumunot ang noo niya at noong tumigil kami sa tapat ng stop light ay binalingan niya ako. "Tawa tawa. Kunware di masakit."
"Nagmo-move on na ako," I said.
"Mama mo."
Hinampas ko siya. Bwiset na doctor 'to! Paano niya kinakausap ang pasyente niya nang ganito? Nang mamatay ang tawa niya ay pinaandar niya ulit ang sasakyan suot ang seryosong ekspresyon.
"Alam kong saksakan ng gwapo ang ex mo. Alam ko rin na mahal na mahal mo pa. Pero, wag ka na ro'n," she uttered. "Nakaya mo naman na wala siya, e. Tuloy mo na."
I gulped. "Sila rin naman ni Irina. Hindi naman ako manggugulo."
"What?! Teka nga, ngayon lang nagsink-in sa akin! Irina ba? 'Yung pangit nating kaklase? Pinatulan ni Troy 'yon?! Ampangit ng ugali no'n, ah!"
Sumandal ako sa upuan at pinanood ang mga sasakyan na mabibilis ang takbo.
"Binubully nila ako sa school," parang batang sumbong ko. "S-sabi nila, may topak daw ako sa utak at apat na taon daw akong tambay."
Mabilis niyang itinigil ang sasakyan sa gilid bago tumingin sa akin. "Kailan ka pa nila ginaganyan?"
"Simula nung first day ko."
Her eyes darkened with anger. "Putangina," she uttered with so much hatred. "Mag-resign ka d'yan. Ihahanap kita ng trabaho. Kung hindi, ako na ang magpapaaral sayo. Tangina. Kakausapin ko mga admins ng lintek na eskwelahan na 'yan! Wala manlang silang ginagawa?! Gago amputa," galit na galit na pahayag niya.
Bumuntong-hininga ako. "Ayoko, Vina. Ayokong umasa muna sa inyo ni Ate Myrna. Ang tanda ko na pero wala pa rin akong napapatunayan. Titiisin ko na lang. Isang taon lang naman ako ro'n hanggang makatapos ako ng masteral."
BINABASA MO ANG
Taming the Waves (College Series #2)
RomancePUBLISHED UNDER LIB Note: If you're not into flawed characters who make wrong decisions, don't read this. Save yourself from stress. Started: 10/07/2020 Ended: 11/18/2020 Elora Chin Valencia grew up in a toxic Christian family where she was viewed a...