Chapter 27

784K 32.8K 37.8K
                                    


Minsan talaga nasa dulo lang tayo ng isang bangin. Hindi sigurado kung nag-aantay ba ng isang tulak para tuluyang mahulog o mainit na yakap mula sa likod para pigilan tayo sa pagtalon.

"Sorry for your loss."

Para akong matatanga sa narinig ko. Tatlong linggo ang nakalipas bago ako nagising. Some of my bruises and wounds healed... but the stabbing pain in my heart remained.

I lost my four-week-old child. Ni hindi ko manlang alam na nasa loob ko siya. I remember working overtime just to finish my papers. I remember not eating on time because I want to maintain my diet. I don't feel like living anymore. Ako na lang dapat ang namatay, hindi ang anak ko.

"W-wala pa rin po ba si Troy?" I asked the nurse but she only smiled sadly before shaking her head.

Three weeks... and he did not look for me. Araw-araw akong umaasa na bibisita siya sa ospital kasi, tangina, anak namin 'to... girlfriend niya ako. Hindi ba siya nag-aalala sa akin? Sinubukan kong tawagan siya sa telepono ng ospital ngunit laging unattended ang cellphone niya.

Hindi ko na alam.

"Ahhhh! Bitawan niyo 'ko!" I shouted when I saw a male nurse who resembles Luke. "Layuan mo ako! Demonyo ka!" I cried.

Naramdaman ko ang paghawak sa akin ng mga nurse pero nagwawala lang ako. Luke is here! He must be punished! He kidnapped me! He harassed me! Pinatay niya ang anak ko!

Mabilis at mabigat ang paghinga ko bago naramdaman ang pagtusok sa akin ng isang karayom, rason kung bakit unti-unting nagdilim ang paligid ko.

‍I was hospitalized for almost two months. Walang bumisita sa akin kahit isa. Walang naghanap sa akin. No one knew what I've been through. I had multiple breakdowns and I ought to kill myself. Troy didn't come. Tita Ria and Tito Rodney didn't look for me.

Si Ate Myrna ang nagbayad ng hospital bills ko. Siya ang tumulong sa akin para makabawi. Matapos niya akong iligtas noong gabing 'yon, hindi niya ako iniwan. Araw-araw siyang bumibisita sa hospital para dalhan ako ng pagkain at prutas.

"Kaya mo na ba?" malumanay na tanong niya sa akin habang nakatingin kami sa labas ng apartment ko.

Two months and I feel miserable.

Maliit akong tumango sa kanya. Nasa malayong parte ako ng Isabela nai-confine kaya pinag-drive niya ako pabalik sa apartment ko. I don't know what happened to Luke but I wish he was dead. I wished I killed him like the way he murdered my child.

"S-salamat po nang marami. I wouldn't survive without your h-help..." I sobbed.

Niyakap niya ako nang mahigpit at hinaplos nang paulit-ulit ang likod ko para pakalmahin ako.

"You have my number, Chin. Tawagan mo lang ako kapag kailangan mo ng tulong, ha?" she whispered. "You're a strong woman... you can overcome this."

Pagkapasok ko pa lang sa unit ko ay mabilis na tumulo ang luha ko. I'm home... but I don't feel safe anymore. Ini-lock ko ang mga pinto at bintana dahil sa takot na baka bumalik si Luke.

I saw my bed and cried once more. Hinawakan ko ang bed sheet at inalala si Troy. I miss him so much. Wala ang mga gamit ko sa akin at hindi ko alam kung kailan ko kayang lumabas ng apartment para puntahan siya. I feel so lonely. This is where we created our memories. Dito nabuo ang mga pangarap namin... ang anak namin.

The nurses and doctors who assisted me had a hard time dealing with my trauma. They constantly remind me of my predator. I feel so unsafe. I feel like they will kill me.

Buong araw ay umiyak lang ako nang umiyak sa apartment ko. Lahat. My mother is sick. Mira doesn't care about my feelings. I was sexually harassed. My unborn child died. Troy was slipping away from me.

Taming the Waves (College Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon