Chapter 39

1M 36.7K 24.1K
                                    


Trigger Warning: Suicide

I feel light the next days. With a concrete plan going inside my head, I stopped hoping for a better life. Ngayon ay pupunta ako sa hospital kung saan nagtatrabaho si Vina.

I wore a pastel green crop top partnered with black high-waisted pants and white sandals. I let my long black hair down and I put some light make-up on my face.

"Red liptint ang gusto ni Vina, okay..." I uttered while applying some.

Nang matapos ay lumabas na ako ng unit. The blazing sun hit my skin but instead of squinting my eyes on it, I basked on its warmth. I breathe and smiled widely. I'll leave this place, soon. It will stop hurting, at last.

"Dr. Rovina Desamero!" bati ko agad pagpasok sa office.

She squealed like a pig and jumped on her seat to run towards me. Mabilis niya akong niyakap habang tumitili. Tumawa lang ako at tiningnan ang magandang office ng mga resident psychiatrist. It's all white and spotless.

"Bakit ka nandito?! Myghad!" ekseheradang tanong niya. "Buti at wala akong naka-schedule na out-patient ngayon!"

Tinanong ko sa isang nurse kung nasaan siya at mabuti na lang talaga ay walang ginagawa ang babae. Hindi naman kasi ako nagsabing pupunta ako.

"Busy ka?" I asked. "Let's eat! Punta muna tayo sa The Slice tapos kain tayo sa favorite mong resto! My treat!"

She narrowed her eyes on me while I give her an innocent smile. Matapos 'yon ay tinanggal niya ang lab coat at kinuha ang bag.

"May duty pa ako, demonyo ka talaga. Magni-night shift na lang ako. Text ko si doc, malakas naman ako ro'n," natatawang saad niya. "Anong sumapi sa'yo, ha?"

Kumapit ako sa braso niya at isinandal ang ulo sa balikat niya habang naglalakad kami. My gesture reminded me of our college days. Ako na laging nahuhuli sa paglalakad nila ni Mira kasi mas mahahaba ang biyas nila sa akin pero laging haharap sa akin si Vina para sabihing bilisan ko. Titigil pa sila sa paglalakad para hintayin ako.

I sighed. I will miss this woman.

"Ganito, ako na ang magbabayad sa The Slice tapos ikaw ang magbabayad sa Blue Plate. Matagal na rin akong di kumakain do'n kasi nga, ang mahal!" she giggled.

I grinned. "Call!"

Sumakay kami sa sasakyan niya at agad kong binuhay ang stereo. Mabilis na sinakop ng isang pamilyar na kanta ang buong sasakyan. It's Run Through Walls by The Script... perfect for Vina, my one call away friend.

"I've got friends that will run through walls, I've got friends that will fly once called. When I've nowhere left to go and I need my heroes, I've got friends that will run through walls!" sabay na kanta namin habang nagtatawanan.

"Relate much, bait ko talagang friend," saad niya.

"Yuck!" I replied with disgust, but deep in my heart, I agree with her. She's the best friend everyone wishes to have.

"Dapat sa Blue Plate muna tayo para ang dessert ay sa The Slice! Baligtad ba utak mo?" nang-aasar niyang pahayag.

I glared at her.

"Wala ka bang work ngayon? Monday, ah? Akala ko hanggang 5:00 ka?" tanong niya.

Sumandal muna ako sa upuan bago sumagot. "Nag-leave ako," I lied. "Alam mo naman, kailangan ng rest at napaka-toxic do'n."

"Tama! Very good ka d'yan!" saad niya habang tumatango-tango na parang hindi niya ako sinabihang mag-resign na.

I crossed my arms. "May kasalanan ka sa'kin, traydor ka! Bakit mo ako iniwan sa KFC, ha?! Iniwan mo ako kay Troy samantalang sabi mo, wag na ako sa kan'ya!"

Taming the Waves (College Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon