Chapter 15

854K 33.8K 33.9K
                                    


I didn't know how I managed to go home. The revelation is too much for me to digest. It's true that his popularity boosted not only because of his physical features but also because he's the campus director's son.

Imbes na ang pagkaisipin ko ay ang nangyaring defense, mas tumambay ang utak ko sa itsura ni Troy kanina. He's almost pleading me to believe him!

"Nasaan ang Mama mo, Chin?"

Naagaw ni Papa ang atensyon ko. Mula sa binabasang libro ay nag-angat ako ng tingin sa kanya.

"Hindi ko alam, Pa. Kauuwi ko lang."

Kumunot ang noo nya bago sumandal sa sofa. I watched him as he squinted his eyes on the bible. Matapos iyon ay wala sa sariling tumayo sya at umakyat sa kwarto. Muli kong binalik ang mata sa binabasa pero kahit anong gawin ko ay lumilipad ang utak ko papunta kay Troy.

What if he's just lying?

But... it's not something to be taken lightly! Hindi naman siguro?

I groaned and rested my head on the sofa. If Iris is his cousin, bakit parang may gusto sa kanya ang babae? Nahihibang na ba sya?! Incest?! Really?

I let myself drown in my thoughts all night kaya kinabukasan ay pupungay-pungay ang mata ko habang bumababa ng hagdan.

Umaga pa lang ay masama na ang timpla ni Papa dahil hindi raw umuwi si Mama kaya kahit hindi ko gustuhin ay para akong nagising. This is her first time!

"Na-contact mo ba, Pa?"

Tumango sya. "Oo, pauwi na raw. Hindi manlang inisip na may mag-aalala sa kanya rito sa bahay!"

Nakahinga ako nang maluwag. At least, she's safe.

Dahil tapos na ang research defense, final exam na lang ang aasikasuhin namin at Christmas break na. Hindi ko alam kung anong plano ng pamilya ko sa pasko gayong wala si Ate Heather na laging nagyaya sa South Luzon.

I went to school earlier than expected. Mag-isa pa lang ako sa room at nang madaanan ko ang silya ni Irina ay bahagya akong naawa sa babae. She has a bad attitude hut no one deserves to be sick. Hindi ko alam kung anong nangyari sa kanya pero siguradong bagsak na sya sa experimental psychology.

"Achi!"

Napakunot ako ng noo sa tumawag sa akin. Tanging mga kaibigan ko lang nung highschool ang tumatawag sa akin noon! Lumingon ako sa pinanggalingan ng boses at nakitang nakasilip sa pintuan ng room si Joaquin.

"Bakit?" I asked when I go near him.

Umayos sya ng tayo at ngumiti sa akin. "'Yung year end party next week, ha? Pwedeng mag-invite. Mas marami, mas okay."

"Akala ko batch lang natin?" I pouted.

"Hayaan mo na para malaking party!" he giggled.

Tumitig ako sa kanya at napaisip. Ghad, ex-boyfriend ko ba talaga 'to? Ni hindi na nahiyang humagikgik sa harap ko samantalang noong kami pa, akala mo sobrang hinhin!

Nagulat ako nang pitikin nya ang noo ko. "I know what you're thinking, Achi. Sama ng ugali mo!" nakabusangot na saad nya.

Napatawa na lang ako sa kanya. Sumandal ako hamba ng pintuan at pinagkrus ang braso. Sa pagkakatanda ko ay anim na buwan lang din naman kami. We've decided to became just friends after that. None of our batchmates believe it, though.

"'Yun lang ba ang ipinunta mo? Pwede mo namang i-chat na lang, Wax."

He grinned. "Ayoko, baka pahabain mo pa ang convo natin kapag iminessage kita."

Taming the Waves (College Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon