Chapter 9

816K 37.1K 25.3K
                                    

Papunta pa lang ako sa school ay gusto ko na agad umuwi dahil sa kaba. I'm wearing a shirt under my black jacket but I can still feel the cold air seeping through the thick cloth. Naka-leggings na itim lang din ako para komportable ako sa pagtakbo mamaya. My hair is in a ponytail and black cap. Talagang mukha akong magjo-jogging.

Bumaba ako ng tricycle at medyo gininaw. Wala pang alas sinco pero maaga akong pumunta dahil hindi rin ako nakatulog nang maayos.

May mangilan-ngilan nang estudyante sa venue. Sampung kilometro ang tatakbuhin namin kaya nagbaon ako ng pamalit, bimpo at maraming tubig.

"Chin, ang aga mo ah!" sigaw ni Daniel nang makita ako.

Kasama nya ang iba naming kaklase na mukhang handa na ring tumakbo. To my surprise, narito na rin ang mahinhing si Irina. Nasa isang gilid lang habang nakatingin din sa akin.

"Nag-attendance na ba kayo?" tanong ko sa kanila.

"Hindi pa. Ikaw ang inaantay namin."

Naiiling na ngumiti ako bago maglabas ng malinis na bond paper. Inilagay ko ang date ngayon at pinapirmahan iyon sa kanila.

Wala pa sina Mira at Vina dahil paniguradong tamad na tamad kumilos ang dalawa. Hindi ko nga sigurado kung pupunta ang mga yon.

"Sabi pala ni Sir Will, sya raw ang kasama nating instructor pagtakbo kaya antayin natin sya rito."

Tumango ako at nakiupo na sa kanila. I am feeling so nervous today because I feel like Troy is up to something. Iniisip ko na baka asumera lang ako, na baka hindi ako ang tinutukoy nya sa tweet nya noong isang araw.

Inilibot ko ang tingin sa buong lugar. Nasa isang covered court kami habang inaantay ang ibang estudyante na dumating. Nagpakawala ako ng malalim na buntong-hininga nang mapagtantong wala talaga sa engineering ang pumunta. Midterm na rin kasi bukas kaya marahil ay abala sila sa pagre-review.

I grunted. Magre-review din naman kami, ah!

Bumaba ang tingin ko sa cellphone ko nang maramdamang nag-vibrate ito. I saw Vina and Mira's texts kaya lalo akong napasimangot.

Mira:

Hi, mahal na mahal kita, tandaan mo 'yan, ha? Alam kong hawak mo ang attendance sheet ngayon. Saulo mo rin naman ang signature ko. Wala lang, na-realize ko lang kung gaano ka kahalaga sa akin, Chin.

Rovina:

i-attendance mo ako, di ako aattend

I inwardly groaned. Tangina ng dalawang 'to?! Iniwan ako? Talagang nag-usap pa yata sila na hindi na aattend dahil alam nilang ako ang magmo-monitor!

Me:

Pumasok kayo mamaya pagkatapos nito. Maraming activities.

Inilagay ko ang cellphone sa bag at kinuha mula kay Daniel ang attendance. Sinabi ko sa kanyang ako na ang mag-aabot non kay Sir at mabuti naman ay hindi na sya nagtanong. Pasimple kong ipinirma sa attendance ang dalawa bago ko itinago iyon sa bag ko.

Nakatalikod ako sa mga kaklase ko nang marinig si Sir Will na nagsasalita na. Binilisan ko ang pag-aayos ng gamit para makasama na sa pila.

"Guys, may ampon ako ngayon dahil gusto nya raw sumama pero wala sa mga kaklase nya ang pupunta."

I faced them and to my freaking shock, everyone's looking at me! Why?! Alam nyo bang in-attendance ko ang dalawa kong kaibigan?!

Nakapalibot ang mga kaklase ko sa akin na parang may meeting kami. Nanunukso ang mga mata nila kaya kumunot ang noo ko. Mukhang hindi naman ito tungkol sa pagfo-forge ko ng pirma.

Taming the Waves (College Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon