Nagising ako sa matinding sinag ng araw sa pisngi ko. Pupungay-pungay ang mga mata ko nang magmulat. I'm not in my room. Inilibot ko ang tingin at napagtanto kong nasa isa akong suite. Tanaw ang buong probinsya mula sa malaking glass window.Mabilis ko rin agad napagtanto ang nangyari.
I collapsed last night.
Ibinaba ko ang tingin sa kama at napansing ganoon pa rin naman ang suot ko. Mayroon ding thermometer, bimpo at tubig sa gilid ng kama.
I got up and fixed myself. Kinuha ko rin ang cellphone at wallet ko bago tuluyang lumabas ng kwarto. I didn't have the chance to appreciate the beauty of the entire suite because I wanted to get out of here. Nakita na naman ako ni Troy na ganoon ang lagay. Siguro ngayon ay may ideya na siya na hindi ako normal.
Palabas na ako nang pumasok si Troy. He's wearing a plain white shirt and a gray sweat pants. May bitbit siyang paper bag.
Nagkatinginan kami kaya mabilis akong humakbang patalikod. Too late, Chin.
"Kumain ka muna rito," sabi niya.
Tahimik akong sumunod sa kanya sa kusina. Umupo ako sa isang upuan doon habang nakatingin lang sa ginagawa niya. Kumuha siya ng utensils at inilagay 'yon sa harap ko. Nilagyan niya rin ako ng rice, bacon and nuggets. Naglagay din siya ng soup sa gilid ko.
Walang imik akong kumain. I can't wait to get this over and done with. Naalala ko ang mga sinabi niya sa akin kagabi at hindi ko maiwasang magalit sa sarili ko. I made him suffer. Ang kapal din talaga ng mukha kong gustuhing magkabalikan kami.
Nang makitang halos patapos na ako ay mabilis siyang tumayo at kumuha ng tubig. Nagsalin siya sa baso bago iniabot iyon sa akin.
Tinanggap ko 'yon at mabilis na ininom.
"A-are you good?" he asked nervously.
Tumango lang ako bago dahan-dahang tumayo. Tiningnan ko ang cellphone ko at napagtantong hindi alam ni Ate Myrna kung nasaan ako. Paniguradong nag-aalala na 'yon sa akin.
"Uh... ihahatid na kita, Chin."
Umiling lang ako. "May byahe na."
His chest heaved. Lumabas ako ng kusina at naramdaman ko lang ang pagsunod niya sa akin. I closed my eyes tightly. I have to at least express my gratitude to him. Inalagaan niya ako kagabi.
Humarap ako sa kanya at napansin kong umayos siya ng tayo habang nakatingin sa akin.
"Salamat kagabi. At pasensya na rin sa abala," I said sincerely.
Tinitigan ko nang matagal ang mukha niya. Aside from some improvements on his body, his eyes remained the same. Malalim pa rin at nakakalunod. Parang maraming gustong sabihin. Even when the first time I noticed him through the windows of our classroom, pansin ko na agad na maraming ekspresyon ang gustong ipakita ng mata niya.
I even saw love in his eyes before. Sa loob ng apat na taong relasyon namin, hindi niya ako tinaasan ng boses. Hindi niya ako sinaktan. He's always the bigger person. Kapag kayang umintindi, iintindihin niya ako.
Kahit kapag nagseselos siya, hindi niya hinahayaang maramdaman ko 'yon dahil gusto niya akong pagkatiwalaan. He'll just laugh and kiss my head. Sasabihin niyang maganda ako kaya ganoon. Back then, he wanted nothing but to assure me. He always validates my feelings.
I felt that. I felt his love. Kahit ilang taon lang 'yon, naramdaman ko ang labis niyang pagmamahal sa akin.
Kinagat ko ang pang-ibabang labi dahil sa nagbabadyang pagtulo ng luha.
BINABASA MO ANG
Taming the Waves (College Series #2)
RomancePUBLISHED UNDER LIB Note: If you're not into flawed characters who make wrong decisions, don't read this. Save yourself from stress. Started: 10/07/2020 Ended: 11/18/2020 Elora Chin Valencia grew up in a toxic Christian family where she was viewed a...