Chapter 12

827K 33.6K 26.1K
                                    

"Sembreak na!" Vina screamed at the top of her lungs. Dalawang linggong pahinga lang naman iyon pero malaking bagay na talaga para sa amin.

"Puntahan muna natin si Mira. Apat na araw nang hindi pumapasok 'yon." I suggested.

Nagte-text naman ito na aabsent sya pero hindi ko maiwasang mag-alala lalo at hindi naman talaga sya pala-absent. Mas madalas pa nga si Vina na mawala kumpara rito. Sabi nya kasi ay attendance na lang ang maghihigit ng grade nya.

"Oh, akala ko ba may lakad kayo ni Troy?"

I shrugged. "I can cancel it. Para makapag-review na rin sya. Halos limang buwan na lang ay exam na nila."

"Girlfriend na girlfriend, ah?"

I jokingly rolled my eyes. Ang isang beses na paglabas dapat namin ni Troy ay naging sunod-sunod. Lunch date man ito, merienda o simpleng paghahatid nya sa akin pauwi. It's pleasing and kind of fulfilling. I don't know. Whenever I'm with him, I can be my usual self... hindi nga lang maiwasan minsan na mailang ako dahil pakiramdam ko ay minamata ako ng iba lalo at hindi naman ako ganoon kaganda.

Sya ang nanliligaw pero pakiramdam ko ay sya ang lugi.

Nag-aantay kami ngayon ni Vina ng masasakyang jeep kasama ang ibang estudyante na malalaki rin ang ngiti. Syempre, who wouldn't want a two-week-break, right? Ako lang yata ang hindi masaya dahil mabubulok na naman ako sa bahay.

"Huy, 'yung gwapong nurse!"

Lumingon ako sa itinuro ni Vina at nakita ang maitsurang nurse sa red cross. Halos tatlong buwan na kaming member doon pero hanggang ngayon ay hindi pa rin namin alam ang pangalan nya.

Napakunot ang noo ko nang makita itong pinayungan si Irina at pinasakay sa isang pulang kotse. Magkakilala pala sila?

Mabilis din namang nawala sa isipan ko ang dalawa dahil sa dumating na jeep.

"Okay lang bang ma-late ka ng uwi, Chin?"

Natitilan ako sa tanong nya. "Bakit naman tayo mala-late?"

She smirked. "Inom."

"Umiinom ba ako?" Kunot-noong tanong ko.

"Basta, yayain natin si Mira. Sa Booze lang naman tayo... saka hanggang 9pm lang."

Tumango na lang ako sa kanya kahit na may agam-agam sa akin. Kadalasan pag mag-iinom sila ay yakult o pineapple juice lang ang sa akin at minsan ay sa bahay lang kami nina Vina. Kung sa Booze naman kami mag-iinom, lagi kaming malakihang grupo.

Mabilis naming narating ang bahay nina Mira. Nasa labas ang dalawa nyang bunsong kapatid kaya roon kami lumapit.

"Hi, Kevin, nasaan ang ate mo?" tanong ko sa bunso nila.

"Nasa loob po, Ate Chin. May bisita po kasi si Tatay."

Nagkatinginan kami ni Vina, iniisip kung paano kukumustahin ang kaibigan. Kung abala ito, pwede naman sigurong sa ibang araw na lang kami bumisita.

"Tawagin mo, Kevin. Sabihin mo narito ang mga kaibigan nya," utos sa kanya ng Ate Juanee nya.

"Ayoko, hindi ko gusto ang kasama nya, Ate. Ikaw na lang."

"Bibig mo, Kevin!"

Kumunot ang noo ko sa pagtatalo ng magkapatid pero nang humingi ng paumanhin si Juanee at bahagyang ngumiti sa amin ay hinayaan ko na sila. Pinanood ko ang pagpasok nya sa bahay nila at wala pang ilang minuto ay lumabas mula roon si Mira na gulat na gulat.

"Anong ginagawa nyo rito?!" she asked, ridiculed by the fact that we're here.

Mahinang tumawa si Vina. "Panget mo magulat."

Taming the Waves (College Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon