Kahit pala gaano mo patatagin ang sarili mo, may mga araw talaga na wala kang mararamdaman.Or maybe, today is just that time of the year.
The sudden wave of emptiness hit my heart. I don't feel like living. Even if I'm walking towards my dreams, I feel like I am nothing. After confusing me like that, hindi ko na ulit siya nakita sa school. Hindi ko alam kung bakit mas lalo akong nalungkot dahil doon. Talagang ginulo niya lang ako.
I want to visit my psychiatrist but I don't have budget for that yet. Paubos na rin ang gamot ko. Nahihiya na ako kay Ate Myrna. Siguro ay lalapit na lang ako kapag hindi ko na talaga kaya.
"Ma'am Chin, pa-send naman ng files kung nasaan na kayo sa course guide sa ABPsy. I just need the details para isu-submit ko kay dean," ani ng isa kong kasamahang instructor.
Tumango ako sa kanya. Bakante ako ng dalawang oras ngayon kaya iniisip kong mag-ikot ikot sa school. I need to unwind. Masyado akong sinasakal ng mga iniisip ko. Isa pa, may kailangan akong kausapin ngayon.
After sending her the files, naghanda na ako sa pag-alis. But of course, of course, Irina has to ruin my plans.
"Saan ka pupunta?" she asked rudely.
I rolled my eyes. "Free time ko. Don't bother me."
"Nope," she uttered and shook her head. "You have to arrange my files in alphabetical order. May date kami ni Troy."
Kumulo ang dugo ko sa sinabi niya. "And I should care because?" Nagawa ko pang tumawa kahit nag-iinit ang ulo ko. What did I even expect from him? He loves Irina too much.
Nangingiting umiling siya habang kinukuha ang gamit sa mesa niya. She smirked at me. "Ayan, ha? Sinabi ko sa'yo! Ikaw din."
Lumabas siya ng faculty office at natulala lang ako sa loob. Unbelievable. Tiningnan ko ang isang tambak ng mga papel at inirapan 'yon na parang ito ang may kasalanan sa akin. Walang lingon akong lumabas ng office. Anong tingin ni Irina? Matatakot ako sa pasaring niya? Tanga pala siya, e! Trabaho niya 'yon!
Pumunta ako sa malaking cafeteria ng school. Habang nakapila, dumapo ang tingin ko sa estante ng whatta tops at mapait na napangiti. I hate that he reminds me of everything. Still, I bought two pieces of it and a pineapple juice. Matapos 'yon ay pumunta ako sa rooftop ng engineering department. It's the highest building in CAU and the air there feels nice.
As usual, walang nandoon. Hinila ko ang isang monoblock at naupo roon. I breathe and looked at the sky. The clouds were moving slowly, creating shapes I failed to fathom. The sun is hiding beneath them, as if shy by its radiance. Birds were spreading their wings freely whilst enjoying the calm weather.
I sighed as a tear fell from my eye. Today is my baby's death anniversary. Taon-taon ko siyang iniiyakan nang palihim. I regret it so much. If only I've been careful, my child will live. Tatlong taon na siguro siya ngayon.
"Hi, mommy is here..." I whispered to myself. Itinaas ko ang isang kamay at itinapat 'yon sa isang maliit na ulap. "A-are you there? Are you playing with the clouds?" my voice cracked.
"Your mother is pathetic, 'no?" I chuckled as I brushed my tears away. "Is that why you leave?" I added jokingly.
Dahan-dahan kong binuksan ang binili ko at tangang-tanga ako sa sarili ko nang kinain ko ito habang umiiyak. This university is not good for my mental health. Gusto ko nang umuwi na lang sa Laguna at tumulong sa food park. My life there was easy. Walang humuhusga sa akin. Kahit noong pipi ako, kahit isa ay walang bumastos sa akin.
"B-baby, I wish you were here... maybe the world would be less cruel," I sobbed. Gamit ang dalawang kamay ay tinakpan ko ang mukha ko. But the tears just won't stop falling! I lose everything I had. "A-anak, pasensya, ha? Yearly na lang tayong ganito. N-nagsasawa ka na ba?"
BINABASA MO ANG
Taming the Waves (College Series #2)
RomancePUBLISHED UNDER LIB Note: If you're not into flawed characters who make wrong decisions, don't read this. Save yourself from stress. Started: 10/07/2020 Ended: 11/18/2020 Elora Chin Valencia grew up in a toxic Christian family where she was viewed a...