Chapter 6

875K 42.2K 27.9K
                                    

My heart is pounding violently against my chest. I'm not sure if it's because of their stares or because of what this guy has said!

I slightly tilted my head, a bit uncomfortable with what's happening.

"Para saan?" tanong ko nang kalmado.

One good thing about me, I can be the calmest under pressure.

He shifted his weight. Ibinaba nya rin ang cup na hawak dahil hindi ko naman iyon tinanggap. I appreciate his effort but there's no need for him to do that!

Para syang nag-isip pero nang walang mairason ay bumuntong-hininga sya.

"Gusto ko lang ibigay, Chin."

"Hindi naman... kailangan. At saka, hindi naman ako nauuhaw." I reasoned out. "Pero, thank you!" dagdag ko rin agad.

He nodded. Ngumiti pa ito sa akin na parang walang problema. Ang nakasukbit na itim na bag sa balikat nya ay inayos nya bago tumingin sa dalawang kasama ko.

"Sige... umuwi ka na, Chin." Ngumiti ulit sya nang ibaling ang tingin sa akin. "Ingat ka."

Tumango ako sa kanya at tumalikod. Mabilis pa rin ang tibok ng puso ko at ramdam ko ang pag-init ng leeg at mukha ko. We're getting attention so I breathe heavily to bring my heart to its normal pace.

Nang makalabas kami ng school ay saka lang nang-asar ang dalawa. They told me that I crashed Troy's effort in a snap.

"Kanina pa yata yon nag-aantay!"

Hanggang makauwi ay iniisip ko ang nangyari. Pakiramdam ko ay tama ang ginawa ko pero nakokonsensya ako! If I don't like him, I shouldn't lead him on, right? Baka sa dulo ay masabihan pa ako ng paasa!

Pumasok ako sa bahay at akmang babati na kay Mama na nasa sala nang bigyan nya ako ng isang matalim na tingin. Bukas na ang alis ni Ate Heather, medyo napaaga at ihahatid nila ito ni Papa sa airport. May klase ako kaya hindi rin ako makakasama.

Inignora ko ang tingin nya at umakyat na lang sa kwarto. Baka kapag nagsalita pa ako ay lalong magalit ito. Wala pa nga akong ginagawa, ang sama na agad ng tingin.

I opened my room and to my fucking surprise, magulo ang mga gamit ko na parang nadaanan ng magnanakaw!

"Ma!" I shouted. "Anong nangyari sa kwarto ko?!"

Narinig ko ang pag-akyat ni Mama ngunit sa kalat ay uminit ang ulo ko. Ang ayos-ayos nito nang iwan ko tapos ganito ang madadatnan ko?!

She grabbed my arms and dragged me inside my room. Ang mas nakakagulat, kung galit ako, mas galit sya!

I inwardly groaned. Tangina, ano na namang ginawa ko?!

"Ang ingay mo! Baka marinig ka ng mga kapitbahay!"

I fought the urge to stomp my feet like a kid. "Bakit ba kasi ang kalat?" mahina ngunit pagalit ko ulit na tanong.

She crossed her arms and squinted her eyes on me. "Saan mo itinago ang ninakaw mo sa akin, ha?!"

Kumunot ang noo ko sa tanong nya. I don't remember stealing her money! May sarili akong ipon at allowance lang ang hinihingi ko sa kanya monthly!

"Wala akong ninanakaw sayo, Ma," naiinis na pahayag ko. "Kaya ba ginulo mo ang gamit ko ay dahil lang d'yan?"

Her eyes were like a laser piercing through me but I couldn't care less! Pagod ako galing school tapos lahat ng damit ko ay nasa sahig?! Ang mga stationary at libro ko ay nakakalat din! Kulang na lang, pati kama ko, baligtarin nya.

She snorted. "Lang, Chin, lang?!" pigil na pigil ang boses na saad nya. "Singkwenta mil ang ninakaw mo sa akin at may gana ka pang mag-gaganyan?!"

"Ma! Sabi ngang hindi ako!" I said frustratedly. Saan ko naman dadalhin ang perang 'yon?!

Taming the Waves (College Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon