Trigger Warning: Self-harmA lot of things happened after that. Troy lost his friends, Duke, Mitzie and Sol. He was beyond mad at Duke. Pero dahil kasama na niya ako, kahit papaano raw ay sumaya siya.
"Hindi mo pa rin ba sasabihin sa akin kung bakit naga-apartment ka?" pangungulit niya.
Nakaupo siya sa sahig sa gitna ng binti ko habang ako ay nasa sofa. I'm playing with his thick and shiny hair while we're watching a psychological movie.
I laughed. "Sinabi ko na sayo, ah? Trip ko lang."
Hinawakan niya ang kamay kong naglalaro sa buhok niya at marahang hinaplos iyon. Pinasadahan niya ng hawak ang bawat daliri ko at tumigil sa palasingsingan ko.
"Someday, I'll put a ring here," out-of-context niyang saad.
I blushed and giggled like a freaking teenager. Well, I'm 19! I'm still a teenager! Ang isang kamay ko ay tumigil sa paglalaro sa buhok niya at hinawakan nang buo ang kamay niya.
Humarap siya sa akin at matamis na ngumiti. Iniangat niya ang sarili at mabilis na hinalikan ako. It's just a peck. Gaya ng lagi niyang ginagawa. Matapos iyon ay muli siyang bumalik sa pwesto niya at nilaro na lang ang daliri ko na parang hindi ako natanga sa ginawa niya.
When we finished watching the movie, I cooked sinigang for us. Sinabihan ko siya na wag na muna kaming lumabas nang lumabas dahil nag-iipon ako. Thesis na naman next school year at kahit pa sabihing may trabaho ako, kailangan ko ng malaking pera para sa materials and papers. I reminded myself not to get Irina as my partner. This time, si Vina ang magiging kapartner ko dahil wala naman na si Mira.
I sighed at the sudden recollection. We haven't talk to each other ever since. Ang huling kita ko na rin sa kanya ay noong nasa guidance office.
"Ang tagal naman," reklamo ni Troy sa likod ko pero matapos ang litanya niya ay ipinaikot niya ang braso sa bewang ko at ipinahinga ang ulo sa kaliwang balikat ko.
"Pawis ako," saad ko at bahagyang umiwas.
He chuckled. "Gusto mo inumin ko pa 'yan."
Wala akong nagawa kung hindi tumawa sa kanya. Inayos ko ang maliit na mesa at ang dalawang upuan. Binili niya ang isa dahil siya lang naman daw ang uupo roon at hinayaan akong bayaran ang isa. Alam kong dinadaan niya lang sa biro pero it's his way to help me.
"Ang sarap talagang magluto!"
Inirapan ko siya. Lahat naman ay masarap sa kanya! Matakaw ako pero tumba ako sa kanya basta sa palakasan sa pagkain! Siya ang naghugas ng pinggan kaya muli akong dumiretso sa sala at doon siya hinintay.
Buong araw lang kaming nandoon sa loob ng apartment ko. Marami na ring estudyante mula sa university namin ang nakakita sa kanya rito kaya hindi na rin bago ang mga chismis tungkol sa "sex life" daw namin. We will just laugh it off. People are just so quick to judge.
Alas siete siya umuwi dahil may ipapagawa raw sa kanya si Ma'am Victoria.
"I-lock mo ang pinto, ha? Isarado mo rin ang mga bintana mo. Mag-iwan ka ng bukas na ilaw kasi sa madaling araw, alam kong nagtitimpla ka pa ng gatas. I-check mo ang mga appliances. Siguraduhin mo ring patay ang gasul mo kung ayaw mong masunog ka rito. Ihahabilin kita sa mga nag-iikot na tanod dito," mahabang litanya niya noong nasa pintuan ng apartment.
I nodded. "Ingat ka rin pag-uwi."
He sighed. Lumapit pa siya sa akin at niyakap ako nang mahigpit. Hinalikan niya rin ang noo ko bago tuluyang umalis.
Nang mag-isa sa apartment ay tiningnan ko ang social media accounts ko. Updated na ang relationship status namin ni Troy sa facebook. Ang icon na rin namin sa twitter ay ang picture naming dalawa. Hindi ko alam na gagawin ko 'to! I mean, I'm not much into publicity! But then, I want the world to know how grateful I am to have him.
BINABASA MO ANG
Taming the Waves (College Series #2)
RomancePUBLISHED UNDER LIB Note: If you're not into flawed characters who make wrong decisions, don't read this. Save yourself from stress. Started: 10/07/2020 Ended: 11/18/2020 Elora Chin Valencia grew up in a toxic Christian family where she was viewed a...