"You can stop taking your meds," nakangiting saad sa akin ni Dr. Orilla, ang psychiatrist ko. "Sa counseling mo naman, based on your record... pwedeng isang beses sa isang taon na lang.""Po?"
She tapped my shoulder. "Kung hindi pa klaro sa'yo, yes, Chin, you're almost there. No need to buy anti-depressants, no need to have your therapy quarterly, counseling na lang, kung gusto mo."
Para akong nakalutang nang lumabas ako ng clinic. Agad kong itinext 'yon kina Vina at Ate Myrna at as expected, sobra silang masaya para sa akin. Vina even said that we'll start the construction of our clinic once she went back home.
Hindi na ulit ako nagkaroon ng atake sa loob ng nakalipas na sampung buwan. I didn't know if it's because the world was in my favor or if it's because I really got better. Isang buwan na lang at gagraduate na ako!
While doing my job, my phone suddenly beeped.
Gilbert:
Chin, nasa baba ako ng company niyo. I brought you food.
I pursed my lips before typing a reply.
Me:
Okay. Pababa na ako.
I quickly fixed myself. Bumaba ako at nakita ko agad ang lalaki na nakatayo malapit sa guard at may bitbit na paper bag. He's wearing an army green polo shirt and black pants.
Simula noong nagkita ulit kami noong birthday ko, nalaman kong dito na rin pala siya nagtatrabaho. Sa nakalipas na isang buwan ay madalas siyang pumupunta rito at hindi naman ako tanga para hindi mahalata kung anong ginagawa niya.
Inaasar na rin ako ng officemates ko dahil sa nakikita nila. Hindi ko na nga alam minsan ang gagawing pagtanggi. He's been a good friend to me. But I know in my heart that I don't want to entertain him in another way.
When he saw me, he stood properly and smiled, shy.
"Magandang tanghali, Chin," bati niya nang makalapit ako.
Ngumiti rin ako sa kanya. "Magandang tanghali rin, Gilbert."
Lumabas kami pero nasa tapat pa rin naman ng company. He handed me the paper bag na alam ko na galing sa KFC.
"Hindi mo naman kailangang gawin 'to," saad ko sa kanya, hindi pa rin tinatanggap ang paper bag. "Gastos 'yan sa'yo. May pagkain naman kami sa office."
"Ayos lang. Hindi naman 'yan sobrang mahal. Maliit na bagay lang," natatawang sagot niya.
Kinagat ko ang pang-ibabang labi. "Uhh... okay. Sana ay huli na 'to, ha? Hindi naman talaga kailangan."
Nangingiting umiling siya. "Gusto ko lang bigyan ng lunch ang babaeng gusto ko. Is that bad?"
My eyes slightly widened at his sudden confession. I saw this one coming, though.
I breathe and tore my gaze off him.
"Kung papayag ka, Chin, manliligaw sana ako."
I failed to grasp his words when I saw Troy standing proudly outside the huge company, dominating the group of men. Matikas ito sa suot na puting polo shirt at itim na pantalon. And good heavens, he's wearing an eyeglass!
Pinanood ko ang paggalaw ng ulo niya para tingnan ang building namin. Napansin ko agad na ang mata niya ay nasa floor kung saan ako nag-oopisina. Namula ang pisngi ko nang mapagtantong maaaring nakikita niya ako kapag nagtatrabaho ako dahil glass ang dingding ng office.
"Don't blush, Chin, you're making me like you more," aliw na aliw na saad ni Gilbert kaya para akong natauhan.
Bumalik ang tingin ko sa kanya at napakunot ang noo.
BINABASA MO ANG
Taming the Waves (College Series #2)
RomancePUBLISHED UNDER LIB Note: If you're not into flawed characters who make wrong decisions, don't read this. Save yourself from stress. Started: 10/07/2020 Ended: 11/18/2020 Elora Chin Valencia grew up in a toxic Christian family where she was viewed a...