I wanted to kill myself. Pero kailan ba ako pinaburan ng mundo?Handa na akong itulak gamit ang paa ko ang upuan nang may nag-doorbell sa unit ko. I should ignore it, yes, but the loud rings were irrirating the hell out of me.
Bumaba ako sa upuan nang magkasalubong ang kilay. Muntik pa akong matalapid dahil sa pagmamadali. Ayun na, e!
Binuksan ko ang pintuan at bumungad sa akin ang matandang babae na halos kuba na. Nang makita niya ako ay ngumiti siya.
"Magandang gabi, hija. Bago mo akong kapitbahay. D'yan lang ako sa 305, bumisita ka roon minsan, ha?" she uttered. "Ito, nagluto ako ng sabaw. Medyo malamig kasi."
Pumungay ang mata ko at dahan-dahang inabot ang tupperware na dala niya.
"Salamat po, Nay," mahinang saad ko.
Lalo siyang napangiti. "Ang ganda ganda mo, hija. May lakad ka ba kaya ka bihis na bihis? Mag-iingat ka, ha? Dadalhan ulit kita ng pagkain bukas."
"W-wala po akong... lakad."
"Oh, siya, sige na at baka naaabala na kita."
I pursed my lips. "Salamat po ulit..."
Nang isarado ko ang pinto ay dumiretso ako sa sala at malungkot na tiningnan ang sabaw ng bulalo na isinalin ko sa mangkok. Maybe, I should eat first? I don't want to waste the efforts of my new kind neighbor. Kumuha ako ng kutsara at sa unang subo ko pa lang ng sabaw ay tumulo na ang luha ko. It warmed my piercing cold heart.
Alas otso pa lang naman nang gabi. Siguro, manonood muna ako ng movie? O magbabasa ng libro bago ituloy ang plano. The courage I had earlier somehow retreated. I shook my head a lot of times to remember everything. No, I have decided. I should proceed with it.
But a certain part of me wanted to hold on to that little piece of hope.
Napabuntong-hininga na lang ako at inubos ang pagkain. I looked for a good movie to watch and settled myself in my couch. Niyakap ko ang isang unan habang nanonood at dahil sa mga bida ay napapangiti ako. I wish my life is like that.
I tilted my head on the side. The movie ended with a note, 'the world is beautiful with you in it' and I feel like I was slapped twice. I'm contemplating my decision when the freaking doorbell rings again.
Inayos ko muna ang magulo kong buhok bago lumapit sa pinto. My eyes were getting droopy and the wounds in my wrist were now hurting. Binuksan ko ang pinto. And to my fucking horror!
Troy is standing outside my unit!
His face was pale and his hair and clothes were all messy but of course, my heart still recognized its damn owner and reacts rapidly against my chest! Pansin ko ang mabilis na paghinga niya na para siyang tumakbo mula sa kung saan patungo sa akin.
Tinitigan niya ako nang sobrang tagal bago ako mahigpit na niyakap.
"Troy..." I called him but his loud sobs drowned my words. He's embracing me tightly I could barely breathe! I tried pushing him but he just pulled me even closer.
"C-Chin... take me back... please... take me back..." he pleaded.
I can feel his tears on my neck. His sobs were strangling my heart and even if my mind told me not to do it, still, I hugged him back. This is my last wish, right?
"Lasing ka ba?" mahinang tanong ko habang nakakapit siya sa akin.
Naramdaman ko ang pag-iling niya. Matindi pa rin ang paghikbi niya kaya pinapasok ko siya sa loob. I made him sit on a couch and I settled myself beside him. Pagkaupo ko pa lang ay gumilid agad ang katawan niya para yakapin ulit ako.
BINABASA MO ANG
Taming the Waves (College Series #2)
RomancePUBLISHED UNDER LIB Note: If you're not into flawed characters who make wrong decisions, don't read this. Save yourself from stress. Started: 10/07/2020 Ended: 11/18/2020 Elora Chin Valencia grew up in a toxic Christian family where she was viewed a...