Trigger Warning: Suicidal IdeationMy eyes were all puffy and my colds were making it hard for me to breathe. There's a hollow auditorium in my chest, telling me, I will never get better, I will never be okay.
Vina:
Girl, sa America ko itutuloy ang residency ko! Can you believe it?! May hospital na kukuha sa akin! I'm so excited!
That message made the side of my lips rose a little but it immediately faded as I realized how much everything is draining me. Wala ulit akong trabaho. Wala na akong gamot. Nagiging rason ako ng pag-aaway ng mga taong tumulong sa akin. Bugbog na bugbog na ako ng tadhana pero kahit isang suntok, hindi ako nakaganti.
Gusto kong magpahinga pero ang pahinga ay para sa may mga pribelehiyo lang. Paano ako makakakain? Paano ako makakapagbayad ng renta? Paano ako makakapag-aral?
Wala akong ganang tumayo at inayos ang resume ko. Kailangan kong maghanap ng pwede kong pag-applyan. Pwede ako sa companies at universities. Siguro ngayon, susubukan ko sa maliliit na kompanya. Parang hindi ko pa kayang magturo ulit.
Nagsuot lang ako ng slacks at polo para kahit papaano ay formal akong tingnan. I also put my hair in a ponytail. Maga pa rin ang mata ko pero siguro naman, mamaya ay aayos din 'to.
I typed a reply to Vina.
Me:
Congrats! Balitaan mo na lang ako kung may makukuha kang kano!
Napangiti ako nang mapait nang maalala ang nangyari. Mabilis na isinend ng CAU ang credentials ko. Excited na excited akong paalisin sa school. Sa ngayon, hindi ko rin muna tatawagan si Ate Myrna. Nahihiya ako sa kanila.
I applied to three different companies pero iisa ang sinasabi nila. Tatawagan na lang daw nila ako, at alam kong malabo 'yon. It's just a subtle way of telling me that I'm not qualified. Kahit maganda ang natapos ko, sino bang may gusto ng 27 years old na tambay sa loob ng apat na taon?
Masakit na ang paa ko dahil sa suot na sapatos. Kanina pa ako palakad-lakad at nakikipagsiksikan sa jeep. Hindi pa nakatulong ang init. Ang banas pa naman ng suot ko! Ang hirap naman kasi ng online application dahil mas priority ang mga walk ins. Mabuti nang tyagain ko 'to kaysa mag-antay ako ng reply sa unit buong araw.
"Alas dos na pala," bulong ko sa sarili.
My stomach is also aching. Hindi pa kasi ako kumakain ng lunch o breakfast. Nanghihinayang ako sa pera. Pwede naman akong magluto na lang ng instant noodles sa unit mamaya.
Hindi rin ako nakabili ng gamot dahil nang tanungin ko ang phamacist kung magkano, nagulantang ako na umabot ng libo ang dalawang tableta!
Nakakita ako ng carenderia at dahil hindi na matiis ang gutom, pumasok ako roon. Gusto ko bang batukan ang sarili ko dahil paniguradong gagastos ako rito. Kahit ba maliit na halaga lang, marami akong expenses.
Pagpasok ko sa tent, napansin kong ang kalimitan sa customers ay lalaki at maiingay sila. Tapos na halos ang lunch time pero ang dami pa ring kumakain.
"Ate, isang kanin po at ginataang langka," ani ko sa nagtitinda.
"Kwarenta lahat," saad niya nang iniabot sa akin ang pinggan at mangkok. Ibinigay ko sa kanya nag bayad bago nagtungo sa pinakadulong mesa.
Tahimik akong kumain. Ang ingay ng mga customers ay niririndi ako kaya hindi ako makapag-isip kung saan ako pwedeng mag-apply ulit. Inilista ko na lahat ng malalapit na kompanya sa unit at dadalawa na lang ang natira ngayon. Ang isa pa ay napakalaki at kilalang kilalang construction company kaya malabong matanggap ako. Ito ngang maliliit ay tinanggihan ako, 'yon pa kaya?
BINABASA MO ANG
Taming the Waves (College Series #2)
RomancePUBLISHED UNDER LIB Note: If you're not into flawed characters who make wrong decisions, don't read this. Save yourself from stress. Started: 10/07/2020 Ended: 11/18/2020 Elora Chin Valencia grew up in a toxic Christian family where she was viewed a...