Chapter 10

863K 32.8K 43.3K
                                    

Mira:

Anong nababalitaan kong kasama mo si Troy ngayon? Pokpok ka! Papunta na kami ni Vina sa school!

Napanguso ako sa nabasang text bago minata ang lalaking bumibili ng shawarma para sa amin. He's smiling widely with the vendor na parang aliw na aliw sya sa kwentuhan nila. Tinapik pa sya nito bago sya umalis at naglakad ulit papunta sa akin.

"Magkano?" I asked him.

Nagpapahinga kami ngayon sa bayan dahil natapos na namin ang 10-km run kanina. Hindi ko mahagilap ang mga kaklase ko kaya nang yayain nya akong kumain, hindi na ako tumanggi.

"150, pati 'yung akin."

Sinamaan ko sya ng tingin. Kanina nya pa ako iniinis! Binubunggo nya ako habang naglalakad kami kanina pero bigla akong hahaklitin sa braso kapag madadapa na ako. Parang gago, tamang chansing lang naman!

Naglabas ako ng 75.00 sa wallet ko at iniabot 'yon sa kanya. Nahihiwagaan syang tumingin sa akin.

"Babayaran mo?"

I scoffed. "Ayaw mo?"

He shrugged his shoulders. "Sino bang may ayaw sa pera?"

I gave him a piercing look that earned a heartily laugh from him. Pero kahit namatay na ang tawa nya, nakangiti pa rin sya sa akin.

"Libre ko 'yan sayo para may utang na loob ka na sa akin."

Kung ka-close ko lang 'to ay mababatukan ko talaga sya sa pinagsasasabi nya. Magkatapat lang kami sa maliit na mesa kaya halos magkalapit kami at totoo ngang hindi sya bumabaho! Kahit na hindi pa sya nakakapagpalit ng damit, hindi manlang sya nag-amoy pawis. Dahil kanina ko pa sya kasama, hindi na rin ako masyadong naiilang lalo at napakakulit nya!

Hindi nya tinanggap ang bayad ko kaya ibinalik ko na lang ang pera sa wallet ko. Ilang minuto ang lumipas pero ayoko pa ring galawin ang shawarma na binigay nya.

"What?" mataray na tanong ko nang tumigil sya sa pagkain at tiningnan lang ako.

"Kainin mo, binili ko 'yan, eh. Binola ko pa si Ate para damihan ang karne nung sayo."

Ilang segundo ko syang tinitigan bago ako tuluyang natawa. Kaya pala malaki ang ngiti nya kanina sa nagtitinda! Naiiling kong kinuha ang shawarma at sinimulan nang kainin 'to.

Maliit lang ang shop pero may aircon sa loob. Kami lang ding dalawa ang customer dahil alas nuebe pa lang naman nang umaga. Bukod sa shawarma, may fries, burger, siomai at iba pang tinda rito. Magandang tambayan ng estudyante lalo at mura lang ang bilihin.

"Picture tayo," biglang sabi nya.

"Ayoko nga!"

He pouted like a child. "Pang-icon lang sa twitter."

"Kaya tayo inaasar! Kagaganyan mo!" I hissed as I glare at him.

Ngumiti sya sa akin, may garlic sauce pa sa gilid ng labi. Kinuha nya ang cellphone nya at biglang itinutok sa mukha ko kaya nanlaki ang mga mata ko.

"Wag nga!" saad ko habang hinaharangan ang camera ng cellphone nya.

"Picturan mo na lang ako... isa lang."

Iniabot nya sa akin ang cellphone nya at namula ang pisngi ko nang makitang ang profile picture ko sa facebook ang wallpaper nya.

I cleared my throat and opened his camera. Itinutok ko ito sa kanya kaya umayos sya ng upo at sinuklay pa ang buhok gamit ang mga daliri nya. I waited for him to strike a pose and when he smiled genuinely, I felt something tugged my heart. Bahagyang naka-tilt ang ulo niya kaya kitang-kita ang guhit ng panga nya.

Taming the Waves (College Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon