Chapter 20

829K 35.9K 38.9K
                                    


"Troy..."

He smiled. "Bakit gulat na gulat ka? Hindi mo ba alam?"

My heart is throbbing in happiness. Para akong isinayaw sa hangin ng salita niya. Iyon ang unang beses na sinabi niya ang mga katagang 'yon sa akin. Minsan ay pabiro niyang sinasabi kaya hindi ko sineseryoso... but now, it feels different. It feels so surreal.

"Baka maging busy ako sa mga susunod na araw, Chin... kailangan ko talagang mag-review na."

"Do what you need to do, Troy. Hindi naman ako mawawala. Basta, naniniwala akong makakapasa ka. You might not notice it about yourself but you're quite smart. Loko loko ka lang," mahabang sagot ko. Mabilis pa rin ang tibok ng puso ko at alam kong mapula ang pisngi ko pero hindi niya iyon pinansin.

He shook his head with a small smile on his lips. "After twenty years, ngayon lang ako sumaya sa mismong birthday ko."

Mag-iinit na sana ang puso ko pero Troy, being Troy, he bursted my bubbles of hope again!

"Ang sarap kasi ng chicken. Akala mo dahil sayo?"

Sinamaan ko siya ng tingin kaya malakas siyang tumawa. Ang lungkot sa mata ay tuluyan nang nawala dahil sa nakabusangot kong mukha.

We spent hours talking about our lives, dreams, fears, and goals. Pakiramdam ko ay lalo ko siyang nakilala... at lalo lang akong nahulog sa kanya.

"Tell me a weird fact about yourself," he said while plucking the strings of his guitar. He's not singing, though.

I pursed my lips. Nakatingin ako sa dagat habang siya ay nakaharap sa akin. Itinuon ko ang kamay sa blanket at sinulyapan siya.

"Kapag namatay ako, gusto ko nakasuot ako ng red dress," I replied nonchalantly, slightly chuckling.

He gasped. "Wow... that's really weird."

Tumawa lang ako at pinanood ang mahinahong hampas ng alon.

"Bakit red?" he asked.

I shrugged. "Wala lang. Feeling ko lang bagay sa akin... how about you? What's a weird fact about you?"

Sumeryoso ang mukha niya. Inilapag niya ang gitara sa gilid at ginaya ang pwesto ko. Humarap din siya sa dagat at sabay naming tiningnan ang bilog na buwan. It's peaceful and nice. Ito 'yung bagay na alam mong iisipin mo pa bago ka matulog.

"I hate cheaters," he whispered.

I chuckled. "Hindi naman weird 'yon."

Tumawa rin siya. "Then, I guess, there's no weird fact about me."

Umayos ako ng upo at palihim na sinulyapan siya. Nagulat pa ako nang makitang nasa akin din ang mga mata niya. I gulped and avoided his gaze. Tuluyang nawala ang mga tanong ko tungkol sa pamilya niya. Naramdaman kong muli niyang kinuha ang gitara at tumugtog.

"Kanta ka," I uttered.

He shook his head. Talagang tumugtog lang siya at hindi kumanta o nag hum man lang! Umuwi kami noong hatinggabi na. He dropped me by my apartment. Kahit may tanong sa mukha ay hindi naman siya nagsalita. I know, sooner or late, I'll have to tell it to him.

Totoo ngang naging abala siya ng mga sumunod na linggo dahil naging sobrang dalang ng pag-uusap namin. Minsan ay makikita ko siyang nagbabasa sa library kasama ang mga kaibigan. Minsan naman ay sinasabihan niya ako na na kina Duke sila at doon nag-aaral.

I busied myself with my studies and work. Tuwing Sabado at Linggo ay nasa red cross ako at kapag weekdays naman ay sa guidance office ako. Hindi ko rin naman pinroblema si Vina dahil marami itong kaibigan.

Taming the Waves (College Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon