I was sweating bullets while waiting for Troy. Nakasuot lang ako ng simpleng t-shirt at pantalon para hindi halatang pinaghahandaan ko. Nang malaman ni Mama na ang anak ni Ma'am Victoria ang pupunta, dali-dali syang nagluto at tinawagan agad si Papa."Chin, bakit nakaganyan ka lang?! Nakakahiya ka! Magsuot ka ng bestida roon!"
I rolled my eyes. Wag mo akong pangunahan, Ma! Hindi ko gusto ang darating, bakit ako magpapaganda?!
"Huwag na huwag kang magsasalita ng kung ano-ano mamaya, ha? Baka ma-turn off pa si Troy sa iyo!"
Lumabas ako para antayin ang lalaki sa terrace. Nasa taas pa si Papa dahil kauuwi lang nila galing simbahan at nagpapalit sya ng damit. Nainis pa nga ito dahil hindi ko raw agad sinabi na may pupuntang bisita.
I gasped when I saw Troy entering our gate. Nakaitim na polo ito at ang sleeves ay tinupi hanggang siko. Naka-tuck din iyon sa brown pants. Ang buhok nya ay maayos na naisuklay at nahalata ko agad na nagpagupit ito.
Damn, he's stunning!
Sa kaliwang kamay ay may hawak siyang isang pumpon ng puting rosas at sa kabila naman ay paper bag mula sa kilalang restaurant.
"Good afternoon, Chin," he said using his usual low voice.
Ngayong katapat ko sya, para akong nagmukhang alalay nya! Akmang kukunin ko na sa kanya ang mga bitbit nya nang ilayo nya ito sa akin.
"Para kay Tita Lucille 'tong bulaklak, next time ka na kapag nakakupit uli ako kay Mama."
"Troy!" reklamo ko dahil sa pagpipigil ng tawa. Ang pormal pormal nyang tingnan ngayon tapos ganoon pa rin ang bunganga!
"Why? Do you like flowers?" nang-aasar na tanong nya. "Hayaan mo, pag yaman ko, I will build a huge garden for our family, Chin."
"Tigilan mo ako, impakto ka! Ni wala akong planong sagutin ka!"
He let out a heartily laugh while looking at my frowning face. Sa gitna ng panlilisik ng mata ko, hindi ko maiwasang hindi humanga sa itsura nya ngayon. Para kasing pinaghandaan nya talaga ang araw na 'to. And man, he smells good, too!
"Oh, wag nang sad, halika na, ikikiss na 'yang baby na 'yan..."
Hindi ko napigilang hampasin nang malakas ang braso nya kaya muli syang napatawa. Lord, wala ka talagang ginawang perpekto!
"Chin, papasukin mo na ang bisita rito!" sigaw ni Mama mula sa kusina.
"Gusto pa kasi akong solohin," bulong nya.
Hindi ko na sya pinansin. Nakabusangot akong umupo sa usual seat ko at hindi ko manlang niyaya ang lalaki na umupo. Kailangan pa akong pandilatan ni Mama kaya binalingan ko si Troy.
"Whatta tops, upo ka," pigil ang tawang tawag ko sa kanya.
He cleared his throat and bit his lower lip to hide his grin. Binati nya ang mga magulang ko at ibinigay ang mga dala nya. Matapos iyon ay umupo na sya sa tabi ko. Malawak ang kusina namin pero dahil sa presensya nya, parang lumiit ang espasyo nito.
"Whatta tops?" takang tanong ni Papa kay Troy. "Is that your nickname, hijo?"
Yumuko ako para pigilan ang pagtawa.
"Ah... no, Sir. It's actually... my favorite cupcake," he reasoned out. Pasimple syang sumulyap sa akin at sinamaan ako ng tingin.
Nakakainis! Bakit parang hindi sya kinakabahan? Mas kinakabahan pa ako kaysa sa kanya!
Nagsimula kami sa pagkain na puro tanong lang sila kay Troy. He's answering all their questions precisely. I also noticed his usage of 'po' and 'opo' na minsan ko lang gamitin sa mga magulang ko. Kunwaring magalang pa, napakawalangya naman ng bibig.
BINABASA MO ANG
Taming the Waves (College Series #2)
RomancePUBLISHED UNDER LIB Note: If you're not into flawed characters who make wrong decisions, don't read this. Save yourself from stress. Started: 10/07/2020 Ended: 11/18/2020 Elora Chin Valencia grew up in a toxic Christian family where she was viewed a...