Chapter 30

923K 32.9K 41.1K
                                    


Humiga siya at parang bigla kong nakalimutan ang gagawin. Hindi ko alam kung saan magsisimula! Sa katotohanan bang may tinig na lumabas sa bibig ko o sa lalaki sa gilid ko?! I gulped before reaching the needle.

Tumingin muna ako sa paligid at napansin kong maraming bakanteng kama.

"Chin, pahinga ka muna! Ako na d'yan!" ani Gilbert sa akin.

Lumapit siya sa pwesto ko at inagaw sa akin ang document ni Troy. Binasa niya 'yon at tiningnan ang lalaki. Mabilis lang ang ginawa niyang pagtingin kay Troy dahil muling lumipad ang mata niya sa akin.

Mula sa bulsa, kinuha niya ang panyo at pinunasan ang noo ko.

"Pawis ka na," he whispered.

I cleared my throat and avoided his gaze. Hinayaan ko siyang punasan ako dahil hindi ko kayang tingnan ang lalaking nakahiga. Gilbert is a good diversion.

"Hindi pa ba magsisimula? I have other plans aside from this," malamig na saad ni Troy kaya mabilis akong umupo ulit at inasikaso ang karayom.

"Chin, ako na," saad ni Gilbert sa gilid ko.

I gestured him that I'll be doing the work. Nanatili pa siya roon bago tuluyang umalis para bumalik sa pwesto niya. Ako naman ay natatarantang ipinatong ang gamit sa gilid ng kama para simulan ang gagawin.

Troy Jefferson Dela Paz closed his eyes but I can see his furrowed brows. Inilahad niya sa akin ang braso at kinagat ko nang mariin ang pang-ibabang labi bago dahan-dahang inilapat ang kamay ko sa ilalim ng siko niya. Hindi gaya ng mga naunang volunteers, hindi ko na para kapain ito dahil kita ko agad ang magandang ugat niya.

But, damn, I am so nervous! Ang ganda ng ugat pero pakiramdam ko ay magkakamali ako!

I slowly planted the needle in his vein and I heaved a sigh of relief when it went on smoothly. I gave him the stress ball before fixing myself.

Mabilis pa rin ang tibok ng puso ko. Gusto ko siyang ulanin ng tanong. Kailan pa kaya siya nakauwi? Bakit siya nasa Laguna? Bakit siya umuwi? Sinong kasama niya? Lahat. I want to ask his whereabouts and everything I missed.

"Saan si Engineer?" Rinig kong tanong ng isang lalaki kay Gilbert.

Shortly after that, the man whom I assisted earlier appeared in front of us.

"Hi, Chin! Excuse lang kay Engineer, ha?"

Nakita ko ang lalong paglalim ng kunot ng noo ni Troy pero nag-iwas na ako ng tingin. Tumayo ako at kinakabahang lumapit kay Vina na ngayon ay mas natataranta pa kaysa sa akin.

"Tangina, tangina, tangina," she chanted as if no one's hearing her.

Nang maramdamang nasa gilid niya ako ay mabilis siyang humarap sa akin at hinila ang braso ko. She examined my face and body. Nawala ang pagiging kalmado niya bilang doktor dahil sa nerbyos.

"Okay ka lang ba?! Hindi ka ba naiiyak o ano?! Tangina, Chin! Umuwi na tayo at baka mapaano ka pa rito!" sunod-sunod na palakat niya.

I feel like I have to practice my speech again so in front of her, I tried. After all, she and Ate Myrna should hear it first.

"A-a-ayos... l-lang ako..." sobrang bagal na saad ko.

Nakita kong halos panawan siya habang nakatingin sa akin. Nanubig ang mata niya bago ako mahigpit na yakapin. Ang akala kong tulo lang ng luha ay lumakas at naging mas agresibo dahil maya maya lang ay narinig ko na ang hikbi niya.

"Nagsasalita na si Chin! Nagsasalita na ang baby namin!" malakas na sigaw niya na parang nanalo siya sa lotto.

I bit my lower lip to stop myself from crying. Hindi pa buo ang boses ko pero sa maliit na achievement ay tuwang-tuwa na agad si Vina. I have to visit my therapist!

Taming the Waves (College Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon