Chapter 31

859K 32K 28.5K
                                    


"You're delusional," ungot niya bago ako layuan na para akong may nakadidiring sakit. "I don't go back with a cheater."

I laughed, trying to hide the slight pain I felt. "Huwag kang magsalita nang t-tapos, Troy. Y-your body still recognizes me. K-keep lying to yourself, lalo ka lang mahuhulog sa akin."

He shifted his weight before clenching his jaws. Tumingin siya sa mesa ng mga kasamahan niya dahil iniiwasan niya ang mapatingin sa akin. He still loves me. Sigurado ako. Kahit itago niya ang nararamdaman sa galit na mata niya, alam ko, ramdam ko, na mahal niya pa rin ako.

I'll win him over. Isang paliwanag lang at magkukumahog ka rin pabalik sa akin. Just one explanation, Troy, and you'll proceed with your plans of marrying me.

"Taas naman ng tingin mo sa sarili mo? Bakit? Tingin mo ba, ganoon ka ka-importante para hindi ko malimutan, Chin?" he said using his controlled voice.

Sinuntok ang puso ko pero hindi ko ipinahalata iyon sa kanya. Say whatever you want to say, Troy. Bato na ako. Hindi ako papayag na hindi mo ako pakikinggan ngayon.

"K-kung totoong hindi mo na ako mahal, b-bakit mo pa ako h-hinahanap? B-bakit hindi mo pa rin ako kayang pakinggan?" I chuckled. "What's the point of denying the obvious?"

He smirked and looked at me. "To show you that I was able to have a happy life without you."

Muli kong pinigilan ang sarili na masaktan. That's... my greatest insecurity. People are happier and better without me. Para akong asungot sa buhay nila. Lumunok ako bago muling nilabanan ang mata niya.

Humina ang loob ko bigla. Parang nasampal sa katotohanan na matagal na pala kaming tapos at ang pagpunta niya rito ay para lang sa trabaho. Aksidente lang talagang nag-krus ang landas namin.

Still, I gave him a smile. Hindi na ako nakasagot dahil hindi ko alam ang sasabihin. I gently play with the tips of my fingers to gain the courage I had earlier... but it was nowhere to be found.

For a moment, I saw how regret pass through Troy's eyes but before I could even confirm it, he avoided my gaze.

Matagal kaming natahimik. Nakatingin lang ako sa kanya habang siya ay malayo ang nilalakbay ng mata. I sighed. He's just three meters away from me but he seems so far... so distant. I would trade anything just to be in his arms again. If only he'd listen.

Muli siyang bumaling sa pwesto ko ngunit hindi ako nag-iwas ng tingin. His looks matured. Ang dating mahaba niyang buhok ay makapal pa rin ngunit malinis na ang gupit. His skin also got tanner at lalo iyong bumagay sa kanya.

"Have you eaten?" mahinang tanong niya na nakarating naman sa pandinig ko.

Natupok ang sakit sa puso ko sa hinahon ng boses niya. It reminds me of him... years ago. I nodded before looking away. Marami akong gustong sabihin ngunit nawalan ako ng gana. Nawala talaga ang tapang ko.

"Chin! Narito si Gilbert! Asikasuhin mo!" Narinig kong sigaw ni Manang Flora mula sa isa sa mga stalls malapit sa amin.

Napatingin ako sa lalaki na tinutukoy ni Manang. Malaki ang ngiti niya sa akin habang kinakawayan ako kaya nahihiyang ngumiti ako pabalik sa kanya.

Sinulyapan ko ulit si Troy na madilim ang tingin kay Gilbert bago walang paalam na umalis sa harap niya. That's too much interaction today and I'm not quite prepared for his painful remarks. Sa susunod ay magbabaon ako ng maraming lakas ng loob.

"Sino 'yong kasama mo?" tanong ni Gilbert sa akin. Nakapila siya ngayon sa stall ng coffee and pastries kaya tumabi ako sa gilid niya. Gaya ng madalas niyang pagbisita noon, mag-isa lang ulit siya ngayon.

Taming the Waves (College Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon