Chapter 32

877K 32.1K 15.4K
                                    


"May bulk order ka ng milktea sa food park? Saan mo dadalhin?" bungad sa akin ni Ate Myrna nang maabutan ako sa kusina. "At bakit ka nagluluto? May ulam naman tayo."

Huminga ako nang malalim bago isinara ang kaldero. Nakasandal siya sa pintuan ng kusina at nanliliit ang mata sa akin.

"Sa Siniloan po o siguro sa Mabitac. Dadalhin ko sa construction site," mahinahong sagot ko, ayoko kasing mahirapan ang boses ko.

Lalo siyang sumandal doon. Pinagkrus niya ang braso sa dibdib at tinitigan ako. "Mabait ka, Chin, pero hindi ako naniniwalang pagkakawang-gawa lang ang dayo mo roon."

I gulped. "S-si Troy po..." I confessed.

Lumapit siya sa akin. Binuksan niya ang niluluto ko at nang makitang hindi pa luto ay sumandal siya sa lababo para muling ibalik ang atensyon sa akin.

"Nabanggit nga sa akin ni Vina na nagkita kayo," she said. "Umamin ka nga sa akin. Ano ang plano mo, Chin?"

Kinurot ko ang sarili dahil sa naramdamang hiya. Alam ko namang susuportahan lang ako ni Ate Myrna pero sigurado akong mapagtatanto niya kung gaano ako katanga pagdating kay Troy.

"Wala kang naging ibang lalaki sa buhay mo simula noong dalhin kita rito. Alam ko namang hindi ka manhid at ramdam mong nagpapalipad-hangin sayo si Gilbert. Kaya ba hindi mo sinusubukan ay dahil kay Troy?" seryosong tanong niya.

Kahapon ay umuwi akong kabadong kabado sa ginawa. I mean, parang hindi ako 'yon. I'm not desperate to ask for anyone's attention. Lalo pa sa mga lalaki. Ni hindi ko nga maintindihan ang sarili ko kung bakit bumalik pa ako sa food park.

Tumango ako kay Ate bago yumuko. "M-magpapaliwanag lang ako kay Troy, Ate. Kailangan niya akong marinig."

"Pag nakapagpaliwanag ka, anong susunod?"

"G-gusto ko po sanang magkabalikan kami." Muli akong napalunok. "Mahal ko pa rin po. Mahal na mahal ko pa rin..." hinang hinang saad ko. Sa loob ng maraming taon, ni hindi ko sinubukang umusad para makalimutan si Troy.

I kept him inside my heart silently. Na habang nilalabanan ko ang sakit ko, isa siya sa mga pag-asang kinapitan ko.

"A-Ate, pakiramdam ko naman, mahal pa rin ako ni Troy, e. G-galit lang talaga siya sa akin," bulong ko.

"Hindi ko gusto ang ginawa niya sayo noon. Naiintindihan ko na nasaktan siya sa nangyari pero kung may nasaktan sa inyo, ikaw yon. Ikaw dapat ang hinahabol niya ngayon, Chin."

Pinaglaruan ko ang daliri ko at hinayaan siyang magsalita.

"You're still under your medications. Hindi ka pa tuluyang gumagaling. Ayokong masaktan ka na naman niya tapos mahihirapan ka na namang iahon ang sarili mo. Kaya... pakiusap, lumayo ka na sa alam mong makakasakit sayo."

Ayokong makinig dahil alam kong tama siya. Walang kasiguraduhan ang pagsugal ko ulit kay Troy. Pero, isang usap lang at matatapos na ang lahat ng 'to. Magiging masaya na ulit ako.

"Ate, huling subok ko na 'to. K-kung ayaw niya pa rin, hindi na po ako magpupumilit."

Naramdaman ko ang mainit na yakap niya sa akin. "Hindi ko gusto ang plano mo..." she whispered. "Pero noong binalita pa lang sa akin ni Vina ang tungkol sa kanya, alam kong may plano ka na."

Hinaplos niya ang buhok ko at lalo akong niyakap. She's like a mother to me. Hindi ko alam ang gagawin ko kung pati siya, mawawala pa sa akin.

"I watched and protected you for years. Hindi ko kayang may mananakit na naman sayo."

I hugged her back. My heart warmed at the thought that I have her. Na kahit talikuran ako ng mundo, may makakasama pa rin ako.

"S-salamat, Ate. Balak ko rin talagang sabihin sayo ang plano ko at makikinig naman ako sayo kung pipigilan mo ako," I replied.

Taming the Waves (College Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon