"Hoy, Chin, may blood letting tayo, ha?! Umattend ka! Kakaunti ang phlebotomist!" ani Vina sa akin.Nasa bukid kami ngayon at nanginginain ng pakwan. Naka-daster lang ako samantalang siya ay bihis na bihis dahil may dinalaw siyang hospital dito sa Laguna.
[Kailan?] I asked using my hands.
She pouted. Nag-adjust siya sa kalagayan ko. Nag-aral din siya ng sign language para maintindihan ako. Ganoon niya ako kamahal.
"Bakit hindi mo alam?! Hindi ka ba nakikinig sa meeting last week!?" She narrowed her eyes on me. "Bukas!"
I smiled and continued eating. Pinanood ko ang mga puno sa paligid na pinoprotektahan kami mula sa init ng araw. Maaliwalas ang hapon at dahil kita ang balat ng balikat at leeg ko, dumadampi sa akin ang hangin. It feels nice.
[Sige, swelduhan sana ako nang maayos.] kumpas ulit ng kamay ko sa kanya.
She snorted before slightly smashing my shoulders. "Puro ka pera!"
Tumawa lang ako at sumandal sa inuupuan namin. Tinanaw ko ang ilang batang tumatawid sa pilapil at napangiti ako nang makitang ang isa sa kanila ay nabuslot sa putik.
Muli akong bumaling ng tingin kay Vina na nakatingin lang sa akin. Nang magtama ang mata namin ay umayos siya ng upo at inirapan ako.
Something tugged my heart. I know how much she pitied me. I really thank God I have her.
[Sino ba ang volunteers na magdo-donate ng dugo?] I asked her.
She shrugged. "Hindi naman organization o estudyante. Nakalimutan kong itanong sa head... hayaan mo na! Bukas mo na alamin."
I nodded. Nagkwentuhan pa kami ni Vina hanggang sa magdilim. Tinawid namin ang palayan para makauwi. Sa bahay kasi nina Ate Myrna siya tutulog ngayon. Malayo rin kasi ang Cavite rito kung saan niya tinatapos ang residency niya.
Pag-uwi namin ay mabilis na lumapit sa akin si Ate Myrna.
"Kakain na! Buti at umuwi na kayo. Akala ko ay kailangan ko pa kayong ipahanap kay Marwin."
Sabay kaming natawa ni Vina sa sinabi ni Ate.
"Ano kami, 'te? Limang taon?" natatawang anas ni Vina.
Ate Myrna pouted. "Si Chin lang ang inaalala ko at hindi makakasigaw 'to kapag hihingi ng tulong! Samantalang sayo, pati kriminal matatakot!"
Nangingiti kong kinapitan ang braso ni Ate Myrna at nang-aasar na tiningnan si Vina. Ha, may kakampi ako rito! Sinamaan ako ng tingin ng kaibigan bago humawak sa kabilang braso ni Ate. Sabay-sabay kaming pumasok sa loob ng bahay na nag-aasaran.
"Flora, ihain mo na ang hapunan sa garden at doon kami kakain!"
Vina clapped her hands. "Bongga! Parang picnic lang!"
Ganoon nga ang nangyari. May malaking mesa na talaga roon at ilang upuan. Nasa bundok pa si Kuya Marwin dahil may inaayos silang lupa roon kaya nauna na kaming kumain. Nagtubig ang bagang ko nang makitang maraming inihandang pagkain si Manang Flora.
Mabilis na nilagyan ako ni Ate ng pagkain sa plato ko.
"Jusko! Masyado mo namang bina-baby 'yang si Chin! Mas may experience pa 'yan kaysa sa akin, 'te!"
Agad kong hinampas ang kaibigan at sinamaan ng tingin. Dinilaan niya lang ako at inirapan bago kumuha ng sarili niyang plato at pagkain. Hindi ko alam kung experience tungkol sa sex ang tinutukoy ni Vina pero wala naman kasing matinong naiisip ang babaeng 'yan kaya feeling ko ay iyon. Mas marami kaya siyang experience sa akin!
BINABASA MO ANG
Taming the Waves (College Series #2)
RomancePUBLISHED UNDER LIB Note: If you're not into flawed characters who make wrong decisions, don't read this. Save yourself from stress. Started: 10/07/2020 Ended: 11/18/2020 Elora Chin Valencia grew up in a toxic Christian family where she was viewed a...