I woke up in Troy's arms. Nakabalot ako sa kanya na parang anumang oras ay mawawala ako. Dahan-dahan akong nag-angat ng tingin at nakita kong pikit pa ang dalawa niyang mata ngunit malalim na ang kunot ng noo.Mahaba, makapal, at itim na itim ang pilik mata niya, bagay na matagal ko nang kina-iinggitan noon sa kanya. The bridge of his nose was standing proudly and his lips were reddish.
Kumawala ako sa pagkakayakap niya at bumangon na. My eyes were heavy because of too much crying last night. Hirap din akong huminga dahil sa sipon. I glanced at him for the last time before going outside my room. Pumunta ako sa kusina at naghanda ng umagahan namin.
This used to be my life years ago. Gigising ako ng kasama siya, sabay kaming kakain ng umagahan, at sabay ding papasok sa trabaho. It used to be so simple, but I was contented back then.
Dahil heavy eater ang lalaki, nagluto ako ng fried rice, tapa, at hotdog na naka-stock sa ref ko.
Gumaan ang pakiramdam ko sa pag-uusap namin ngunit mayroong parte sa puso ko na sinasabing parang may hindi tama sa nangyari. We kissed, we confessed our love, but something in my system feels empty.
"Chin!" Narinig kong sigaw niya.
Tumingin ako sa kanya na mabilis ang paghinga at nabasa ko sa mukha niya ang labis na takot. Nang makita ako sa kusina ay saka lang siya nakahinga nang malalim. Dahan-dahan siyang lumapit sa pwesto ko habang inaayos ko ang pagkain namin.
"G-good morning," kabadong saad niya.
I glanced at him and slightly nodded. I don't have the energy to talk to him. Everything just happened so fast.
Inayos ko ang pinggan at nilagyan siya ng pagkain. He's just watching and observing me closely. Matapos ang ginagawa ay umupo ako sa harap niya at sinimulan ang pagkain nang hindi siya tinitingnan.
I can feel his heavy and intense stares but I didn't give him even a single peek. There's a lot going on inside my head and I'm trying to formulate the words I should say to him.
Naging mabilis din ang pagkain namin. He volunteered to wash the plates so I just went back to my room and take a shower. Nagbihis na rin ako roon ng isang simpleng t-shirt at cotton shorts.
Paglabas ko ay nakaupo na siya sa kama na parang aligaga. Dumiretso ako sa tapat ng salamin at sinuklay ang hanggang bewang na buhok. My hair is black and shiny, bagay na nakuha ko kay Mama.
I scoffed and continued brushing my hair. Maybe I should get my hair done. I will cut it short and I will have it dyed. The dark circles under my eyes were prominent and I noticed how my skin gets dry. I looked at my reflection clearly. My eyes were lifeless, blue, and forlorn.
"Chin..." Troy called me.
Mula sa salamin ay tiningnan ko siya na mukhang nag-aalala sa akin.
"A-are you okay?" he asked. "Talk to me," he added, desperately.
I heaved a deep sigh and gave him a faint smile. "Ayos lang ako, Troy. Mabuti pa, umuwi ka na muna para makapag-ayos ka rin."
Umiling siya. "Hindi ako aalis dito."
Tinigil ko ang pagsusuklay at hinarap siya. He straightened his back and gave me his full attention.
"Hindi ako magpapakamatay, Troy. I'm no one's responsibility. Ayokong makaabala," I told him.
"Hindi ka naman abala sa akin, Chin. Gusto ko lang talaga na kasama kita," he explained.
I gulped. "Do you want me to be honest?"
BINABASA MO ANG
Taming the Waves (College Series #2)
RomancePUBLISHED UNDER LIB Note: If you're not into flawed characters who make wrong decisions, don't read this. Save yourself from stress. Started: 10/07/2020 Ended: 11/18/2020 Elora Chin Valencia grew up in a toxic Christian family where she was viewed a...