Chapter 33

907K 32.9K 24.5K
                                    


Maaga akong nagising, maga pa rin ang mata pero may baon nang bagong determinasyon. Alam ko na ang dapat kong gawin. Siguro naman ay sapat na ang ilang taon kong pamamahinga para magpatuloy ulit ako, hindi ba? My dream was long overdue. Oras na para kumilos ako para maabot 'yon.

I grabbed my psychology books and ordered a DSM-5 book online. Ito na kasi ang pinaka-updated na list ng mga psychological disorder at kung magtatake ako ulit ng board exam para maging psychologist, kailangan ko ng sapat na kaalaman dahil matagal na akong tumigil.

"Shucks, ano nga ulit ang symptoms no'n?" bulong ko sa sarili nang madaanan ang isang pamilyar na sakit ngunit hindi ko na maalala ang detalye ng kabuuan noon.

Pumupurol na talaga ako, ah? Dati ay saulo ko na 'to!

Buong umaga akong nagbasa at nag-research doon. Two-year program ang Master of Arts in Psychology na itina-take ko at nafulfill ko na noon ang unang taon. Isang taon pa ulit bago ako tuluyang maka-graduate at makakuha ng board exam. Kaunting tulak na lang, may mapapatunayan din ako.

"Chin? Anong ginagawa mo?" narinig kong saad ni Ate Myrna sa labas ng kwarto ko.

Ibinaba ko ang hawak na highlighter bago tumayo at pumunta sa pinto para pagbuksan si Ate. Bihis na bihis siya kaya alam kong galing siya sa trabaho.

"Nag-aaral po."

Napangiti siya sa sinagot ko kahit na nabasa ko ang lungkot sa mata niya bago siya pumasok sa kwarto ko at umupo sa kama. She looked at the surroundings kaya napatingin din ako roon.

My walls were painted in white. There are portraits hanging on each corner. May picture kami ni Vina, Mich at Anne noong nag-OJT kami. May malaki ring larawan namin nina Ate Myrna at Kuya Marwin.

My face heated when my eyes dropped on the frame on my bedside table. Picture namin 'yon ni Troy noong umattend kami ng music festival nung first anniversary namin. Our eyes were filled with nothing but love and happiness.

"Nakainom ka na ba ng gamot mo?" tanong niya.

Tumango ako bago siya tinabihan sa kama.

"Natutuwid na ang pagsasalita mo. May binili akong DVD's na pwede mong pag-practisan. Kunin mo na lang sa baba mamaya."

I sighed. "Salamat, Ate."

"Ipinagluto na rin kita ng tanghalian kay Flora."

Tumango ako at itinuon ang dalawang kamay sa kama.

"Hay nako," singhap niya na nakapagpagulat sa akin. Tumingala siya para pigilan ang pagbagsak ng luha. Ako naman ay natulala lang sa kanya dahil hindi ko alam ang dapat gawin. Ni wala akong katiting na ideya kung bakit siya naluluha.

"A-Ate..."

Pinahid niya ang isang nakaalpas na luha. "Wag mo na akong pansinin... mag-aral ka na lang doon, Chin."

Umiling ako at bahagyang niyakap siya. I caressed her back to make her feel that I will stay with her.

She held my hand tightly as if she's grasping a tiny pint of hope from it.

"I'm sorry, hija. Napaisip lang ako sa mangyayari sayo."

"B-bakit po?"

Hinarap niya ako kahit na medyo namumula ang mata niya. "Parang hindi yata kita kayang ibigay kay Troy," mahinang pagtawa niya. "Itinuring na talaga kitang anak kaya naisip ko na kapag nag-asawa ka na, lalayo ka na sa amin."

Nanubig ang mata ko. "H-hindi po mangyayari 'yan. K-kung magkakataon man na makapag-asawa ako, hindi ko naman po kayo para kalimutan."

She holds my face and kissed me on my head. "Ngayon ngang nag-aaral ka na ulit, alam kong malapit ka nang magpaalam para bumalik sa Maynila..." she whispered.

Taming the Waves (College Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon