Lumipas ang dalawang linggo na naging tumpok ako ng asaran. Kahit ang ibang department ay kilala na ako hindi lang dahil napapayag ko si Troy na manood ng try-outs kung hindi dahil sa ginawa nitong commotion sa twitter! He changed his bio on twitter and obviously, people immediately get it!
troy
@tjdelapaz19| future civil engineer| God gives the Laurel; the crown of victory.
112 following - 7, 092 followers
And guess what? The last sentence means Elora! My first name! Alam na tuloy ng lahat na gusto nya ako!
Too much for wanting to be lowkey, Chin.
Nag-isang libo na rin ang followers ko sa twitter at alam kong dahil iyon sa kanya. Natatakot nga ako na baka makita nila ang private account ko kahit na nasa akin naman kung i-aaccept ko ang request nila o hindi.
I don't know if he really meant what he said dahil hindi ko naman na sya nakita ulit matapos ang insidente sa locker room. It seems like he's busy for the upcoming midterm and battery exam. Ako naman ay abala rin sa research namin at sa pagpipigil ng inis kay Irina araw-araw.
Sa Lunes na ang fun run sa school. Alas sinco nang umaga ang call time at may ibinigay sa aming tshirt na dapat suotin.
Mula sa kwarto ay bumaba ako para magpaalam kay Papa na pupunta ako sa Poblacion dahil sa training namin. Wala na si Ate Heather sa bahay kaya ramdam na ramdam ko ang lungkot ni Mama.
"Pa, sa red cross lang po ako."
Kasama nya sa sala si Mama na nagbabasa ng bible. Sabay silang tumingin sa akin at nakita ko pang pinasadahan ni Mama ang suot ko. Isang simpleng shirt at pantalon lang naman iyon kaya wala syang nasabi.
"Baka mamaya ay sa boyfriend ang punta mo, Chin, ha? Isang buwan ka na halos sa red cross na yan."
Binasa ko ang pang-ibabang labi. "Wala akong boyfriend, Pa."
"Siguraduhin mo lang at ayokong tumatakas ka para lang makipagkita sa kung sino."
Tumango lang ako sa kanya. Wala silang gawain sa simbahan dahil Sabado pa lang naman ngayon. Baka mamaya siguro, pupunta si Papa roon para tingnan ang mga tutugtog para bukas.
"Bakit ba kasi sumali ka pa ron? Wala namang silbi yan," saad ni Mama. "Pag pupunta sa simbahan, ang dami mong rason pero kapag mga ganyan, gawang-gawa mo ang asal mo."
Pinigilan ko ang pagsagot dahil baka hindi pa nya ako payagang umalis. Mas mahirap yon!
Nang wala na silang ibang sinabi ay mabilis akong lumabas ng bahay at sumakay ng tricycle papunta sa Poblacion. May kalayuan 'yon sa amin kaya medyo mahal ang bayad ko sa driver.
"Vina!" tawag ko sa babae nang makitang naglalakad sya papasok ng hall kung saan gaganapin ang training namin.
Inantay nya akong makalapit sa kanya bago kami nagpatuloy sa pagpasok. Nasa 20+ ang tao rito, labinglima kaming trainess tapos the rest, facilitators na. Nagt-training kami ni Vina para maging phlebotomist kaya sinabihan kaming baka isa hanggang dalawang taon ang abutin ng training namin. We'll have on-the-job and clinical trainings at kahit noong una ay hindi ako interesado, nagustuhan ko na rin lalo at nakita ko kung gaano kaganda ang aral.
"Ang gwapo nung kasama ni Doc." Vina whispered to me.
Tiningnan ko ang minamata nya at nakumpirmang may itsura nga ito. Malinis ang mukha at may salamin sa mata.
"Registered nurse daw yan," bulong nya ulit.
"Saan mo naman nalaman?"
She smiled. "Kanina pa pinag-uusapan ng mga kasama nating trainee. Sana bukas ay narito ulit sya."
BINABASA MO ANG
Taming the Waves (College Series #2)
RomancePUBLISHED UNDER LIB Note: If you're not into flawed characters who make wrong decisions, don't read this. Save yourself from stress. Started: 10/07/2020 Ended: 11/18/2020 Elora Chin Valencia grew up in a toxic Christian family where she was viewed a...