1

32 3 0
                                    

He’s 6’ tall, has a fair skin, mysterious, has all the good qualities a man could possibly have.

He’s my dream man, yeah, he is just a dream, like? Heller?!

Asa namang may ganyan pa ngayon?

Meron pa naman siguro, nasa tabi-tabi??

Like him, the guy next door, madalang ko lang siyang makita sa kadahilanang hindi naman siya madalas lumabas sa unit niya, ewan ko nga kung kilala na niya ako o may kilala man lang ba siya sa aming ilang linggo na rin niyang kasama.

May mga pagkakataon na nagkakasalubungan kami, pero hindi kami nagsasalubong ng paningin dahil nakayuko lang naman siya palagi. Kaya ayun, malaya ko siyang natititigan.

Ang ganda ng katawan niya, parang nag ggym, tapos ang puti niya, matangkad, at laging mabango tss. . Crush ko nanga ata siya eeh.. Pero sa lahat ng tao dito sa building namin. Siya lang iyong hindi namin kaclose, naoakaswerte siguro noong unang mapapansin niya rito, ayoko din namang magpapansin, hindi naman parang nagkakandarapa akong mapansin niya noh!

Sa lobby ng apartment laging may event pag linggo ng gabi at as usual, hindi siya umaattend, ni wala ngang nangangahas yayain siya dahil pakiramdam ng lahat siya ay taong kahit kailan ay hindi namin maaabot. Hindi ko rin mawari ngunit kahit ganoon ay hindi ako nainis sa presensiya niya.

Ako? Ako nga naman ang dakilang sekretarya dito sa apartment, yes, may presidente rin kami haha parang classroom lang.

Ako? Ako nga pala si Ganee, 21, maganda nadin, matangkad, maputi, medyo chinita, may kulay tsokolateng mga mata at may mahabang buhok, isa nga pala akong teacher sa isang private school, diyan lang sa malapit haha.

Pagkatapos ng klase ay deretso uwi ako kaagad kapag walang extra'ng trabaho siyempre.

Nakakapagod din pala talagang magturo.

“Ganee!, maaga ka ata ngayon?” salubong na tanong ni Amy.

“oo, wala iyong tutee ko eh. May sakit” wika ko. Tumango naman ito at ipinapatuloy na ang paglabas sa building.

“san punta mo?” habol kong tanong.

“grocery” walang lingon niyang sagot.

“Okay. Ingat!” sigaw ko bago pumasok sa loob.

Paakyat na ako ng hagdan nang makasalubong ko si ginoong misteryoso, yumuko ako ng bahagya at mistulang walang nakita. Dahil masikip ang daanan, kailangan kong tumagilid para magkasya kaming dalawa, walang gustong magbigay ng daan, puwes, magtiis nalang. Itinagilid ko ang katawan ko para makadaan kaming pareho, nasa gitna na ako nang tumigil siya dahilan para mapatigil din ako. Bahagya lang akong nakaharap sa kanya, hindi ako makaharap ng mabuti dahil malamang sa malamang magkakadikit na kami ng katawan pag ginawa ko iyon.

Bigla akong kinabahan dahil wala siyang ginagawa, ramdam kong nakatingin lamang siya sa akin, pinasya kong ituloy nalang ang paglalakad at ipagwalang bahala nalang ang nangyari, hahakbang na sana ako nang hawakan niya ako sa braso. Mainit ang mga palad niyang dumapo sa mga balat ko, parang hindi na bago, parang. . .

Mahigpit iyon dahilan para mahila ako pababa sa kanya at mawalan ng balanse. Sumalampak ang katawan ko sa dibdib niya, napaatras ako kaagad dahil doon ngunit hindi ako nakalayo dahil hawak niya ang braso ko. Kinabahan ako ng sobra, kumabog ng napakalakas ang dibdib ko.

Ano bang ginagawa niya, hindi ako tumingin sa kanya kahit na nasa harap ko na siya, hindi ko mahawakan ang railings dahil nanginginig ako sa kaba.

“Don’t you remember me?” matigas niyang tanong. Sa lamig ng boses niya ay lalo akong kinabahan.

“do I know you?” tanong ko. Pinasya kong iangat ang tingin ko para makita siya ng maayos. Nagtama ang mga mata namin, nagulat ako sa nakita ko. One memory flashed in my mind.

“Precious!” tawag niya sa batang ako habang patakbong papalapit sa akin.

Mataas na ang sikat ng araw at nasa palauran kami, tumatakbo siyang papunta sa akin at itinulak kaagad ang swing kung saan ako nakaupo dahilan para mapatawa ako ng malakas.

“tama na!” sigaw ko habang tumatawa, napakalakas ng tulak niya kaya’t para akong lumilipad sa ere.

“tama na, ahhahahhah” sigaw ko. Hinawakan niya ang bakal na nakakabit sa swing dahilan para dahan dahan itong tumigil.

Bumaba ako doon at hinabol siya.

“pag ikaw!! nahuli ko!” sigaw ko. Pero mabilis siyang tumakbo, hindi ko siya mahabol.

“bleeh! Dimo ako mahuhuli!” sigaw niya. Hindi ako sumuko. Tumakbo ako ng tumakbo hangga’t mahabol siya.

SNAREDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon