30

5 0 0
                                    

Unti unti kong binuksan ang bintana. What happened to her?.

Nang makita ko ng lubusan ay binilisan ko ang galaw. Sino ang walang hiyang nagtali sa kanya?!.

Good thing, mabilis siyang gumalaw.

Tumalon ako sa mula sa bintana, sana makaya niya.

And there she goes, isa, dalawa, tatlo!

Damn, mabigat ka pala, Ganee ko:).

Sinamantala ko ang pagkakataong iyon para mayakap siya, how I missed her so much.

But we don’t have much time.

Alam kong masusundan kami kaagad ni Uncle Gin.

I drove as fast as I can, nang makita kong wala ng nakasunod sa amin ay tsaka lamang ako nakahinga ng malalim.

Sa durasyon ng biyahe ay hindi ko mabilang kung ilang beses niyang tinanong kung sino ako. If it’s true that she has an amnesia, hahayaan ko nalang ang pagkakataong  bumalik ng kusa ang mga ala-ala niya.

I brought them to the north, sa isang beach kami nagpunta.

Pagpasok  nila sa loob ng kuwarto namin ay may bigla akong naalala.

Ganee, napakalinis na babae sa katawan, hindi pa siya aware ngayon pero mukha siyang batang gusgusin.

“where are you going?” tanong niya.

“may bibilhin lang ako sa labas, stay here” wika ko.

I stared at her for 2 more minutes bago ko pinasyang umalis na..

Naghanap ako ng department store doon at bumili ng mga gamit ng babae.

“12,500, sir” wika ng cashier.

Inabot ko ang card ko sa kanya.

Mahal pala maging babae, pero mas mahal ko si Ganee, kahit nabuhay siya sa isang marangyang pamumuhay, hindi ko siya nakitaan ng pagmamalaki o pagiging materialistic.

Hindi niya ata napansin ang pagpasok ko dahil busy siya sa pinanonood niya.

When I saw the news ay agad kong kinuha ang remote at pinatay ang TV.

“give me that!” sumisigaw siya habang inaabot ang remote.

Halatang naiilang siya dahil ayaw niyang lumapit ng husto sa akin.

“no” I said with conviction.

Halatang halata ang pagka inis sa mukha niya.

“isa!” and she continued shouting.

“dalawa!, Champ!” wait. . .what?

Napatigil siya kaya’t tiningnan ko siya deretso sa mata. Halatang nagulat siya sa sinabi.

She remembered me?!

Pero bigla siyang napaupo sa sofa at yumuko.

What is happening?.

Lumapit ako sa kanya at hinagod siya sa likod.

Iniipit niya ang ulo sa magkabila niyang braso. Shit. What the hell is happening?.

“Jhi!”  I yelled.

Tumatakbong lumabas ng pinto ng kuwarto si Jhi.

“anong nangyayari?” nag aalang tanong niya.

I don’t know!

“medicine!”sigaw ni Ganee.

Hold on, Ganee.

Tumakbo papasok si Jhi sa kuwarto nila at paglabas ay dala dala na niya ang kung anumang gamot iyan.

Lumayo ako ng bahagya para mapainom ni Jhi si Ganee ng gamot.

Seeing her weak and fragile hurts me so much. Paano siya humantong sa ganyan?. bakit siya nagkaroon ng amnesia?. paano siya nabangga?. isa ba ang mga iyon sa mga taong gustong pumatay sa kanila??. bakit pati siya nadadamay?.

I will protect her, nandito na ako. Bumalik ako dahil sa pangako ko sa kanya.

In the morning, I went out to jog.

Iniwan ko sila sa loob ng kuwarto.

“pogi! Perlas?” sigaw ng batang lalaking papalapit sa akin.

“how much?” tanong ko.

“itong kuwintas, 250 lang” wika niya sabay pakita ng kuwintas na gawa sa perlas.

“how about this?” tanong ko sabay kuha ng isang pares na hikaw.

“ahh, ito?” wika ng bata.

Kumuha siya ng isa pang kagaya rin ng hikaw na iyon at sinilaban gamit ang lighter.

Ano bang ginagawa ng batang to?.

“teka bata” wika ko.

Pinatitigil ko na siya ngunit ipinagpatuloy niya parin ang ginagawa.

“astig diba? Kuya pogi?. hindi nangitim?” pagyayabang niya sabay pakita sa akin ng sinunog niyang perlas.

Oo nga, hindi nga ito nasunog. Astig ahh. Bibili ako nito.

“how much is this?” tanong ko sa kanya.

“150 lang kuya pogi” nakangiting wika ng bata.

“sige, kukunin ko ito” wika ko sabay abot ng limang daan sa bata.

“teka kuya pogi, magpapabarya lang po ako” wika niya.

“hindi na boy, keep the change” wika ko.

Kumislap ang mga mata ng batang nagtitinda ng mga perlas.

“maraming salamat kuya pogi!” masayang wika niya.

Umalis ang batang tatalon talon sa tuwa kaya’t napangiti ako.

Sinundan ko siya ng tingin, nakita kong lumapit siya sa isang babaeng naka blazer.

Wait, gising na pala siya, pinagmasdan ko siya mula sa malayo.

Natuwa ako nang makitang magpapakitang gilas din ang bata sa kanya ngunit pinigilan niya ito.

Ibinulsa ko ang hikaw at hinintay siyang pumanhik sa hotel. Nang makitang pabalik na siya ay tumakbo ako pabalik doon.

Kahit naiinip na ako sa kahihintay ay nagtiyaga parin ako.

Humalukipkip ako at nagkunwaring naiinip kahit sa loob loob ko ay sobrang saya ko, sobrang saya dahil nandito siya ngayon at kasama ko.

Akala ko ay naalala na niya ako, pero hindi pa pala, ni hindi niya nga ako maalala, siguro nga ay nagbago talaga ang itsura ko, oo, gwapo na ako noon pero mas lumala ang kaguwapuhan ko ngayon, I can’t help it. I’m sorry. (mahangin ani awtor)

Alam ko na bilang nalang ang araw namin dito at kailangan na naming umuwi ng Korea, anytime now, may nangyayari ng hindi maganda roon, I know my mom’s plan at hindi ko iyon mapipigilan, ang kailangan ko nalang gawin ay ang proteksiyunan si Ganee sa abot ng aking makakaya.

Everytime na inaaya ko siyang umuwi sa Korea ay lagi siyang nagsusungit. Well, she’s always like that, stubborn. Matigas ang ulo.

Today’s plan is to roam around the place. Balak pala niyang mamasyal mag isa, yan ang hindi ko mapagbibigyan.

“who’s Champ?” tanong ko.

SNAREDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon