2

14 1 0
                                    

Naalimpungatan ako sa ala-alang bigla  a lamang dumaan sa isipan ko. Umiling- iling ako sa naalala. Tumingin akong muli sa nilalang na nasa harapan ko at nagulat sa sumunod niyang ginawa.

“you’re crying” wika niya sabay punas sa pisngi ko. Napasinghap ako sa ginawa niya. Milyong milyong boltahe ang dumaloy sa katawan ko.

“sorry” wika ko sabay talikod sa kanya. Hindi ko naramdaman ang paggalaw niya, hindi ko nadin inasahang pipigilan pa niya ako sa paglalakad kaya’t kahit nangangatog ang tuhod ay minadali kong umalis sa lugar na iyon.

Dali-dali kong binuksan ang pinto ng apartment ko, inilock ko ang pinto at dali- daling nahiga sa kama.

Ang ala-alang iyon, sino nanga ba ang batang iyon?. ang kulay kayumangging  mga matang nakita ko kanina ay mistulang mga matang nagpabalik sa akin sa nakaraan, sa nakaraang kakaunti lamang ang aking naaalala.

Nagising ako sa malakas na katok mula sa pinto ng apartment ko.
Naka idlip na ako dahil sa pagod at sa iniisip.

Dali dali akong bumangon, sinuklay ang mga buhok gamit ang kamay  at dumeretso sa may pinto.

“sino yan?” tanong ko. Tumayo ako sa harap ng pinto at naghintay ng sagot.

“si Jhianne to, bakla!” sigaw niya. Napangiti ako doon at agad pinihit ang doorknob.

Sumalubong sa akin ang pawis na pawis kong kaibigan.

“saan kaba nanggaling ha?” tanong ko. Ibinukas ko pa ang pinto para makapasok siya ng tuluyan. Dumeretso siya kaagad sa kusina at kumuha ng tubig sa ref.

“jogging, bakla” wika niya.

Naupo ako sa sofa at binuksan ang maliit na tv.

“anong sadya mo?” seryoso kong tanong. Hindi naman talaga siya napaparito sa unit ko eh. Maliban nalang kung may importante siyang sasabihin. Kaya’t bigla akong kinabahan.

Naupo siya sa tabi ko at  umakbay sa akin. Minsan, napapaisip talaga ako kung babae ba talaga siya.

“hinahanap kana ng mga magulang mo, Precious” sambit niya. Pabulong iyon pero rinig na rinig ko.

Napapikit ako ng bahagya dahil sa pagbanggit niya ng pangalan ko.

“anong isinagot mo?” mahina kong tanong.

“ang sabi ko, hindi ko alam kung nasaan ka” wika niya.

Ngumiti ako sa gitna ng kaba. Hindi nila puwedeng malaman kung nasaan ako. Hindi nila ako puwedeng makilala. Ginawa ko ang lahat para matakasan ang impyernong buhay sa piling ng mga magulang ko.

“look, hindi nila pwedeng malaman kung nasaan ako, okay?. Jhianne. You know my story, right?. i’m trying my best to escape” mahinang wika ko.

Tumingin lamang siya sa harap ng tv at parang walang narinig.

Dahil pareho lamang kami ng pinagdaanan, ang kaibahan lamang ay patay na ang mga magulang niya, namatay sila, dahilan para mamuhay siya ng mag-isa.

“they will hunt you down, Ganee” deretsong wika niya. I know. Kinabahan na naman ako sa narinig.

“you’re with me, right?” paninigurado ko.

“yes, but not forever. What if?” kabadong tanong niya.

Lumingon siya sa akin, bakas sa mga mata nya ang takot.

“no, huwag mong sasabihin iyan” bulong ko. Hindi ikaw, huwag pati ikaw.

“we lost one, huwag namang pati ikaw. Kaya nga tayo umalis doon para hindi na madamay hindi ba?. kaya nga tayo lumayo” wika ko.

Pero kahit anong gawin ko, kahit anong gawin namin ay masusundan at masusundan parin kami. Takot ang namutawi sa dibdib ko, pero pinaghahandaan ko ito.

“hindi tayo makakatakas kailan man, Ganee. Alam mo yan” wika niya. May halong takot sa boses ni Jhianne. Maski ako ay ganun din.

SNAREDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon