17

5 0 0
                                    

Tumango nalang ako at hinintay ang ihahain niyang pagkain.

pumanhik siya sa lutuan na nandoon at nagsimula ng magluto.

"buti at naiuwi kana rin ni sir Naiad" wika niya.

Tinignan ko si Naiad na nagkakape parin at ngayon ay may binabasa ng dyaryo.

Hah! Sinong niloko mo. Sabi ko na eh. Ipinadala ka ni papa.

Pinandilatan ko siya ng tingin, hindi ko alam kung napansin niya pero umismid siya at mistulang nagyayabang. Tsss

"kung hindi lang ho nangyari nay, hindi po sana talaga ako uuwi" wika ko.

Napatigil siya sa pag gisa ngunit kalaunan ay ipinagpatuloy niya ito.

"nakakalungkot isipin na wala na si Sir Sao at ma'am Larissa" mahinang wika ni nanay Huling.

Maraming tanong sa isipan ko, napakarami, ngunit iisa lamang ang siguradong sagot.

May magbabayad. Hindi pupwedeng wala. Hindi ako papayag.

Pagkatapos magluto ay inihain na agad ni nanay Huling ang hapunan.

Isang masarap na soup at mga gulay. Maski si Naiad ay nakikain na rin. Tsss.

"sa 4th floor ang kwarto mo" wika ni Naiad.

Tumayo ako at tumungo na doon. Madali lamang hanapin ang kwarto ko dahil alam ko kung anong kulay ng pinto noon. My parents knows me better.

Nalungkot lamang ako sa naalala, lagi nila akong inililigtas, pero ako, kahit kailan ay hindi ko sila natulungan, kinamuhian pa sila dahil sa trabaho nila.

Pagpasok sa elevator ay pinindot ko ito kaagad sa 4th floor.

i found it.

Kulay blue at may nakalagay na "my princess" ang pinto nito.

Hinawakan ko ang kahoy na nakasabit sa harap ng pinto, pinasadahan ko ang mga letra noon gamit ang mga daliri ko.

Ang mommy at daddy ko. Hindi ko nanga maalala ang kalahating taon ng buhay ko, kinamuhian ko pa sila at iniwan. Ngayon?. ngayon ano na ako. Isang ulila.

Ganito pala ang pakiramdam ng mag-isa. Akala ko ay kaya ko na, pero hindi pala.

Pinihit ko ang doorknob at binuksan ng tuluyan ang pinto.

Pagpasok ay napaluhod ako sa sahig. Sinuntok suntok ko ang carpet dahil sa nakita.

Ayoko na, ang hirap tanggapin, sobra.

My room, my room is filled with pictures. Our pictures.

Malalaking frames.

"Mommy!, daddy!, bumalik na kayo please!"  I shouted.

Wala na akong pakialam kung pagkamalan akong baliw.

Dahil oo, pakiramdam ko ay mababaliw na talaga ako.

Mahal na mahal ko ang mommy at daddy ko!!!

Lumapit ako sa frame na nasa pader, ito ay kuha noong 18th birthday ko. Araw bago ako umalis.

"mommy, mommy ko, . . "

Masayang masaya kami dito. Perpekto na ang lahat.

Pero iyang gabing yan ko din nalaman ang lahat lahat. Na ako ang tagapagmana, na ako ang aako sa lahat ng responsibilidad.

Ano bang alam ko sa masamang gawain na yan?.

Pinasadahan ko pa ng tingin ang mga larawang nandoon.

"mommy, ipagluto mo naman ako ng adobo, please" wika ko kay mommy sabay yakap sa kanya mula sa likuran.

"basta ba may kiss ako" wika ni mommy.

Humarap ako sa kanya at tinadtad siya ng halik sa pisngi.

"umwaaaa!!"

"hahahha, tama na baby" wika ni mommy sabay layo ng mukha ko sa kanya.

I hugged her tight.

"i love you mommy" wika ko sa gitna ng yakap.

"i love you so much my princess" wika ni mommy.

Now, nasaan ang mommy ko!

Kinuyom ko ang mga palad ko. I can feel my hands wanting to kill the person that killed my parents.

Ganito din ba ang naramdaman ni Jhianne noon?. hmmm,. siguro nga.

Now, makukuha na namin ang hustisyang para sa amin.

I set all my thoughts and went to the closet, punong puno ito ng mga damit ko. Inilipat kaya ito nila daddy?. hmmmmm.

I went inside the bathroom.

Paglabas ay dumeretso ako kaagad sa labas dahil sa ingay na narinig.

Pagbaba sa ground floor ay isang masamang eksena ang bumungad sa akin.

Maglalakad na sana ako papalapit sa taong nandoon pero pinigilan ako ni Chan, agad ko naman itong tinabig.

"Lady, hindi pwede" wika niya.

"anong hindi pwede?" kunot noong tanong ko.

Pinasadahan ko ng tingin ang lalaking nasa harapan ko at nagulat sa nakita.

May mga nakakabit sa katawan niya.

"sino yan?" tanong ko.

"tauhan ng TRITON" wika ni Frank.

Kinabahan akong bigla para kay Nanay Huling.

"pwede bang kunin na muna natin si nanay huling?" alala kong tanong.

Walang sinuman ang sumagot. Tsss. Mga wala talagang kwenta.

"what do you want?!" tanong ko sa taong nasa gitna ng lahat.

Hawak niya si nanay huling sa leeg at tinututukan ito ng baril.

"i want you!" wika niya.

Sabay turo sa akin. Nakita ko ang pag iling ng mga walang kwentang gwardya ni mom at dad.

SNAREDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon