“yun yung gusto kong sabihin pero bago pa man ako makasakay ng sasakyan papunta sa inyo, may bumangga na sa akin, hindi ko alam kung aksidente lang ba o talagang gusto akong patayin ng gumawa sa akin noon” deretso kong wika. Hindi ko na alam kung anong dapat kong maramdaman sa mga oras na ito.
Pagmulat ko ng mata ay lumingon ako ng bahagya sa kanya para makitang nandoon parin siya. Huwag ka munang umalis Champ. Please.
“hindi ko alam kung paano ako nasundan nila mommy at daddy, siguro kung hindi ako naitakbo sa hospital ay patay na ako” mahinang wika ko. Bawat salitang binabanggit ko ay mistulang may sementong unti unting naaalis sa dibdib ko.
Lumagok ako ng alak dahil nanunuyo na ang lalamunan ko.
“may mga hindi pa ako naaalala” wika ko.
Sinuntok ko ng mahina ang ulo ko.
“kailan kaba kasi makaka alala ha!” sigaw ko. Please naman oh?.
Napatigil ako sa pagsuntok sa ulo ko nang bigla niyang hinawakan ang kamay ko.
Isang malungkot na ngiti ang pinakita ko sa kanya.
“sorry, Champ hah?. di bale, masasabi ko rin sayo ang lahat kapag naka alala na ako” wika ko.
Sumandal ako ulit at pumikit. Lasing na ata talaga ako.
Naramdaman ko pa ang pag tayo ng nilalang sa tabi ko.
Iminulat ko ng bahagya ang mata ko at hinanap ang kamay ng lalaking mahal ko.
Nang mahawakan ito’y hinigpitan ko ang kapit.
“dito ka lang, please” pagmamakaawa ko.
Narinig ko siyang bumuntong hininga at umupo sa tabi ko.
Napangiti ako ng bahagya.
“Champ, kumusta kana hah?. masaya kaba ngayon?” tanong ko.
Himala kung sasagot siya, kailan pa sumagot ang kaluluwa?. haha, nagpapatawa ka ata Ganee.
“Champ, papayag kaba kung may magustuhan na akong iba? Hah?” nang aasar kong tanong sa kanya.
Hahahha, natatawa na ako sa sarili ko. Hindi ako lasing, nakainom lang.
“NO” matigas niyang wika dahilan para mapatigil ako sa pag-iisip.
“hindi ako papayag” may pinale sa boses niya.
Natawa ako sa sinabi niya, napaka imaginative ko naman ata kapag lasing?. pati, sumasagot narin ang multo hah?. hahahah.
“naalala mo ba nung tumakas tayo” natawa ako sa naalala.
“hinabol pa tayo ng mga guards noon” nakangiti ako habang nagsasalita.
“iyon yung unang beses na hinawakan mo ang kamay ko” yumuko ako at hinanap ang alak.
Nang makita ko ay kinuha ko ito at nilagok.
“kinilig ako noon, sobra” hindi naman siguro masamang magpaka honest.
“doon ko sinabi sa sarili ko na, ikaw nanga” wika ko.
“magkakagusto pa kaya ako sa iba kung sobrang daming tanong sa isipan ko, kung alam ko na may nag mamay-ari naman nito?” malungkot kong tanong.
“okay lang ba yun? Champ?” tanong ko sabay baling sa kanya.
Ngumiti siya ng mapait sa akin. Ngumiti ako pabalik.
Nawala ang ngiti ko sa labi at napalitan ito ng kalungkutan
“oh, sige. Hindi na, basta bumalik ka” mahina kong wika.
Nakakalungkot lang na kahit anong makaawa ko, alam kong hindi kana babalik, Champ.
Kung babalik ka, kakalimutan ko na lahat, lalayo tayo, iiwan ko ang TRITON, pupunta tayo sa lugar kung saan hindi na nila tayo mahahanap, doon sa lugar kung saan walang nakakakilala sa atin.
“kung babalik ka, iiwan ko lahat” malungkot kong wika.
Tumayo ako at iniwan siya doon, pumasok ako sa loob ng banyo at binuksan ang shower.
I cried, I cried hard.
Wala akong pakialam. Bakit ba kung sino pa ang pinakamahalaga, sila pa ang nawala?.
Sinuntok suntok ko ng bahagya ang dibdib ko, masakit. Sobrang sakit!.
BINABASA MO ANG
SNARED
ActionGinawa ko ang lahat para makatakas ngunit ibinabalik ako ng pagkakataon sa lugar kung saan ako nararapat. . saan nga ba ako nararapat? -- Ganymede Lumayo ako dahil sa isang maling desisyon. . pero pagbalik ko, itatama ko ang lahat. -- Naiad