8

4 0 0
                                    

Lumingon ako sa kanya at nagtanong

“bakit?” kunot noong tanong ko.

“for safety, Ganee” wika niya.

Hindi ko alam pero hindi ko nagugustuhan ang mga desisyon niya sa buhay lalo na at damay ako.

“it has 2 rooms. Don’t worry. Besides, you don’t have any money, kaya huwag ka ng magreklamo” mahabang litanya ni ginoong misteryoso.

“fine” wika ko at nagmartsa na papasok sa building.

Napatigil ako sa paglalakad at hinintay ang dalawang akala mo ay bride na naglalakad sa aisle, napakabagal maglakad.

Humalukipkip ako at humarap sa banda nila, nag-uusap ang dalawa na parang walang problema. Siguro nga, masyado akong paranoid, kaiisip na anytime may hindi magandang mangyayari.

Nang makalapit sila sa akin ay biglang umakbay si Jhi.

“bakla, masyado kang seryoso, mag relax muna tayo. Beach pala itong napuntahan natin eh” prenteng wika niya habang naka akbay sa akin.

Ipinagpatuloy namin ang paglalakad hanggang makarating kami sa pinto ng kwarto namin.

Binuksan ni Naiad ang pinto ngunit hindi siya pumasok sa loob.

Pagkapasok sa pinto ay napatigil ako, si Jhi naman ay dumeretso sa isang pinto at binuksan iyon, malamang ay matutulog na naman.

“where are you going?” tanong ko sa kanya.

Nakatayo lamang siya sa labas ng pinto at nakatitig sa akin. Strange.

“may bibilhin lang ako sa labas. Stay here.” wika niya at tuluyan nangang umalis. Isinara ko ang pinto at inilock ito.

Hindi ko na masyadong pinagtuunan ng pansin ang interior ng lugar dahil wala ako sa mood. May flat screen TV sa sala kaya’t dumeretso ako doon at binuksan ito.

Sa CNN ay saktong balita ang lumabas. Habang umeere ang anchor ay bigla akong kinabahan. What the f. what is this feeling.

Headline : One of the richest business man in the world. AMBUSHED.

Kinikilabutan ako sa pinanonood. Kahit walang mukhang ipinapakita at crime scene lang ay masama ang kutob ko. Hindi kaya?.

Tumuwid ako sa pagkakaupo at hinilot ko ang aking sentido.

Si uncle Gin. Ang walang hiya.

Napatulala ako sa napanood.

Naalimpungatan ako sa lalim ng aking iniisip nang biglang may pumatay ng TV. Agad kong inagaw ang remote sa kanya at ini on ulit ito.

Ngumisi ako ng bahagya. Akala mo kaya mo ako ah!

Ngunit makulit ang nilalang, pilit niyang kinuha ang remote, naagaw niya ito at ini off ulit ang TV.

Sinamaan ko siya ng tingin at inabot ulit ang remote. Nang itaas niya ito sa ere ay lalo lamang akong nabwisit. Seryosong seryoso ang mukha niya at tila wala talaga siyang balak ibalik ang remote.

“give me that!” sigaw ko sabay abot ng remote.

Dumidistansiya ako ng bahagya dahil ayokong magkadikit kami ulit.

“no” matikas niyang wika at iniangat parin ang remote..

anak ng.

“isa!” sigaw ko habang inaabot ang remote.

“dalawa!, Champ!”wika ko dahilan para mapatigil kaming pareho.

Wait. What?.

Champ?, saan nanggaling iyon?. why did I call him that?. natigil ako sa pag abot ng remote at naupo sa sofa.

Hinawakan ko ang sentido ko dahil bahagya itong sumakit. What is happening?.

“are you okay?” lumapit siya sa akin at inalo ang likod ko. Pipigilan ko pa sana siya  ngunit lalong sumakit ang sentido ko.

Nakakapanghina.

Another memory flashed in my mind.

SNAREDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon