Sana mas naliwanagan ako.I can’t stop my tears from falling. Besides, 21 palang pala ako, bata pa ako para sa role na ito pero wala eh.
“Precious” tawag ni nanay Huling.
“po?” sigaw ko.
“kakain na anak, baba na” wika niya.
Kahit medyo nahihilo na ay dumeretso parin ako sa may pinto at binuksan ito.
“nay, paki akyat nalang po rito yung pagkain ko hah?” wika ko.
Ngumiti ito at tumango.
Bumalik ako sa dati kong puwesto.
Wala pang limang minuto ay kumatok na uli si nanay Huling.
“bukas po yan!” sigaw ko mula sa veranda.
Narinig ko ang yapag papalapit sa akin.
Inilapag ni nanay Huling ang isang tray sa ibabaw ng maliit na lamesa na nasa tabi ko.
Akala ko ay aalis na siya ngunit naupo siya sa upuan na nasa tabi ko tsaka nagsalita.
“ano bang nangyayari sayo Precious?” concern niyang tanong.
Ngumisi lamang ako at prenteng naupo.
“gusto mo bang malaman kung ano ang nangyari ng araw na yun?” wika niya.
Dahilan para mapalingon ako sa kanya, I knew it.
Kunot noong tiningnan ko si nanay huling, nakita ko ang malambot niyang ekspresiyon na tila binabagabag ng kung ano.
“umaga noon, alam mo naman ako, lagi akong nasa kusina” wika niya.
Nakinig nalang ako sa kung ano pa man ang sasabihin niya.
“maluwag ang guwardiya sa mga kakilala na ng papa at mama mo” wika niya.
“noong umaga, dumating ang dalawang tao, precious, nag uumagahan ang mama at papa mo noon” -nanay huling
“sino-sino?” mahinang tanong ko sabay lagok ng alak.
“si sir Gin at ma’am Nereid” wika niya.
Nag igting ang panga ko sa narinig na pangalan.
Kilala ko silang dalawa, pinagkakatiwalaan sila ni daddy.
“anong nangyari?” tanong ko.
Tumingin ako kay nanay huling at nakita ang lumuluha niyang mga mga mata.
“nagpaalam silang papanhik muna sa opisina ng daddy mo dahil may importante silang pag-uusapan” wika niya.
Kinuyom ko ang mga palad ko. Walang hiya.
“tapos?” masakit man ay kailangan kong malaman kung ano ba talaga.
“Precious, anak” lumuluhang tinawag niya ang pangalan ko.
Hindi ako natinag,gusto kong marinig.
“umalis ang dalawa, akala ko ay nag-uusap lang ang mama at papa mo pero isang oras na, hindi pa sila bumababa” mangiyak iyak na wika niya.
Sa mga naririnig ay lalo lang lumalaki ang galit ko sa kanila.
“kinatok ko sila pero walang sumagot, kaya’t binuksan ko ang pinto” humahagulgol siya habang nagsasalita.
Ako man ay nasasaktan sa mga naririnig pero kailangan kong maging matatag, matapang at matigas.
“ang mommy at daddy mo” tinakpan niya ang bibig dahil sa lakas ng hikbi.
Huh, nakakamanhid.
“ang daddy mo ay nasa desk niya, naka yuko at ang mommy mo . . si Larissa”
“nasa sahig at nakahandusay” wika niya.
Hinigpitan ko ang kapit sa leeg ng boteng hawak ko.
“salamat nay, gusto ko pong mapag isa” plain kong wika.
Tumango naman ito, pinunas muna niya ang mga luha bago tuluyang tumayo at lumabas ng kwarto ko.
Napasandal ako sa upuan ko at napabuntong hininga.
Masyadong masukal ang mundong pinasok ng mga magulang ko, hindi sila nakalabas doon pero ngayon, ako ang maglilinis ng lahat ng kalat.
“when will you stop drinking?” tanong ng malamig na boses na nasa likuran ko.
Hindi ko siya nilingon.
Naupo siya sa tabi ko at kumuha din ng isang bote.
Nahihilo na ako ngunit malinaw na malinaw na si Champ ang nakikita ko.
Hindi ko na namalayan ang pagtulo ng mga luha ko.
“Champ, I’m sorry” mangiyak ngiyak kong wika.
Ngumiti lamang siya at umiling.
I tried reaching his hands pero hindi ko ito maabot, lasing na ata ako.
“i miss you, champee” wika ko.
Sumandal ulit ako sa upuan at pumikit.
“papunta ako sayo noon. May sasabihin akong importante” mahina kong wika habang nakapikit.
“Makinig ka sa akin Champ. Huwag ka munang mawawala. Hah?”- wika ko pa.
“walang kinalaman ang daddy ko sa pagkamatay ng papa mo” mahina kong wika.
“yun yung gusto kong sabihin pero bago pa man ako makasakay ng sasakyan papunta sa inyo, may bumangga na sa akin, hindi ko alam kung aksidente lang ba o talagang gusto akong patayin ng gumawa sa akin noon”
BINABASA MO ANG
SNARED
ActionGinawa ko ang lahat para makatakas ngunit ibinabalik ako ng pagkakataon sa lugar kung saan ako nararapat. . saan nga ba ako nararapat? -- Ganymede Lumayo ako dahil sa isang maling desisyon. . pero pagbalik ko, itatama ko ang lahat. -- Naiad