19

2 0 0
                                    

Tumango naman siya at bahagyang nagpagilid para makadaan ako ng mabuti.

Pagpasok sa loob ay napasandal ako sa pinto.

Itinapat ko ang palad ko sa dibdib ko at dinama ang malakas na tibok nito.

Hindi kaya?. am I already falling for him?.

Iniligtas ka lang niya ng isang beses Ganee. Gwapo lang siya, crush mo lang siya, okay?.

May mas importante kapang dapat gawin, kailangan mong alamin kung anong nangyari kay Champ, Ganee. Siya ang mahal mo. You are promised to him.

You promised each other.

Hindi na ako lumabas ng kuwarto sa gabing iyon. Hindi din ako natulog.

I spent my time researching and finding clues.

Anong nangyari sa mga magulang ko, paanong hindi manlang sila nakapanlaban?.

Kinaumagahan, masakit man para sa akin ay ipina autopsy ko ang katawan nilang dalawa.

“sigurado kaba talaga dito?” tanong ni nanay Huling.

Hindi ako sumagot.

“Precious, nak, pupwede bang tama na?.” mahinang wika ni nanay Huling.

“not until you tell me what happened that day” deretso kong wika.

Tumingin ako kay nanay huling na nakatayo sa harapan ko.

Isinandal ko ang likod ko sa upuan at humalukipkip.

“ano bang nangyari sayo, Precious?” alalang wika ni nanay Huling.

“nanay Huling, sabihin mo sa akin kung anong nangyari ng araw na iyon, sabihin mo sa akin kung paanong walang panlalaban na nangyari?” wika ko.

Nakita kong umiling si nanay Huling. May itinatago ka. I can feel it.

“fine, if you don’t want to tell me. Ako ang maghahanap ng kasagutan sa sarili kong tanong” wika ko.

Tumayo ako at naglakad papunta sa harap ng kwarto kung nasaan ang mga magulang ko.

Contained ang room dahil doon ginawa ang autopsy.

Nagpupuyos ako sa galit habang iniisip na nasa loob ang mga magulang ko. May traydor sa loob ng circle, isa na doon ang walang hiyang Gin na yan.

Kailangan kong malaman kung sino sino pa sila. Pakiramdam ko ay nag alaga ng ahas ang mga magulang ko.

“these are the results” wika ng medical examiner.

“thank you” wika ko sabay abot sa mga papel.

Lumabas ang examiner sa office ni daddy na ngayon ay office ko na.

Nanginginig man ay binuksan ko ang kulay puting envelope.

cause of death= poisoning

The examiner told me that the poison came from a plant. Damn, poisonous plant.

Napatawa ako ng malutong. Anak ng p*tang *na.

Ini itya ko ang mga papel at nagkalat ito sa sahig.
I punch my desk hard.

“oras nalang ang itatagal mo” I uttered.

I paged Chan.

“chan!”

“yes, lady?” wika niya.

“asan na ang pina schedule ko sayo?” I asked.

“bukas po ng 9 am” wika niya.

Tumango ako at iwinagayway na ang kamay hudyat na pinalalabas ko siya.

I went to the kitchen, binuksan ko ang ref at kumuha ng hard drink.

Dumeretso ako sa veranda ng kwarto ko at naupo sa upuang nandoon.

I opened the bottle, wala ng baso baso. Ibinottoms up ko ito pagkatapos ay sumandal ako sa upuan.

Naalala ko na naman sila mommy at daddy. Kung noon palang ay nakita ko na ito, kung noon palang ay nalaman ko na na araw-araw ay nasa panganib ang buhay nila, edi sana hindi na ako umalis.

Napaka fake nila sa akin, napaka plastik.

Sinasabi nila na busy lang sila sa trabaho kaya’t hindi kami nakakakain sa labas, sinasabi nila na pagod sila para sa loob lang kami lagi ng bahay, sinasabi nila na kailangan namin ng guwardiya para hindi kami manakawan.

Kung sana sinabi nalang nila na kaya hindi kami pwedeng kumain sa labas ay dahil anumang oras pwede kaming ma ambush, na kaya hindi kami nakakalabas ay dahil nasa paligid lang ang mga kalaban, kung sana sinabi nila na kaya maraming guwardya dahil maraming gustong pumatay sa amin. Sana, sana mas naintindihan ko pa

Sana mas naliwanagan ako.

SNAREDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon