22

4 0 0
                                    

I cried, I cried hard.

Wala akong pakialam. Bakit ba kung sino pa ang pinakamahalaga, sila pa ang nawala?.

Sinuntok suntok ko ng bahagya ang dibdib ko, masakit. Sobrang sakit!.

Bakit hindi ko manlang nakita na mawawala sila?.

Si Champ?. yung taong sumabay sa lahat ng trip ko sa buhay, bakit kailangang pati siya ay mawala?.

Nilagyan ko ng tubig ang bathtub, tinanggal ko ang damit ko at lumublob doon, kung pupwede lang mawala narin ako, kaso hindi pa, pag nangyari iyon, hindi ko na mabibigyan ng hustisya ang pagkawala ng mga mahal ko.

Nakatulugan ko ang pag-iisip.

Pag gising ay sinapo ko kaagad ang ulo.

Shit, hangover.

Bumangon ako sa kama, kukunin ko na sana ang tsinelas ko sa sahig nang maalala ang nangyari kagabi.

Sinapo ko ulit ang ulo. Shit, anong nangyari?.
I checked my clothes, paanong nakapajama na ako?. paanong nandito ako sa higaan ko?.

Mabilis kong tinungo ang banyo, malinis na iyon.

Urghhhhh! Ginulo gulo ko ang buhok! Wala akong maalala. Nakakainis!.

“gising kana pala nak” wika ni nanay huling na may dalang tray.

“salamat nay” wika ko sabay panhik sa veranda.

“binihisan mo ba ako kagabi nay?” kuryosong tanong ko.

Inilagay niya ang tray sa mini table.

“hindi nak, bakit?” seryosong wika niya.

Wait, maliban sa amin ni nanay Huling, wala ng ibang babae pa rito.

Kinapa kapa ko ng bahagya ang katawan ko, wala namang masakit.

Napatingin ako kay nanay Huling na ngayon at titig na titig sa akin. Ngumiti ako sa kanya, isang awkward na ngiti.

“sinabi sa akin ni sir Naiad na dalhan ka nalang ng pagkain dito dahil masakit daw ang ulo mo” wika niya.

Sa sinabi niyang iyon ay pinamulahan ako ng mukha. Wait, don’t tell me.

.
.
.

WHAT THE HELL!

“NAIAD!!!YOU JERK!” sigaw ng utak ko.

Bago lumabas si nanay huling ay nilinis pa niya ang kwarto ko.

Pagkalabas ni nanay huling ay tsaka lang ako nakapag isip ng maayos.. Freaking what!

Siya ba ang nagbihis sa akin kagabi?. my undies are different from yesterday. What the hell.

Hindi ko mapigilan ang mag isip. Nakakainis!

Pagtingin ko sa orasan na nasa bedside table ko ay alas siyete na.

The meeting is 9 am. I need to get ready.

Nag ayos ako at nag handa. Fitted business attire, that’s my outfit. Kitang kita ang hubog ng katawan ko sa suot, tinitigan ko ang itsura sa salamin.

Nakikita niyo po ba ako mom?dad?. ito na po ang anak niyo, I will make it sure na maipaghihiganti ko ang pagkawala ninyo. I will put an end to TRITON.

Pagkatapos kong magbihis ay tinawag ko si Chan.

“yes, lady?” bungad niyang bati.

“is the car ready?” mahinahong tanong ko.

“yes, kayo nalang ang hinihintay lady Precious” wika niya.

Tumango naman ako.

Paglabas niya ay sumunod na ako kaagad.

Nakahilera ang mga tauhan nila daddy at nakahanda na rin.

Magmumukha akong presidente ng bansa sa ganitong set up.

Paglabas sa sala ay bumungad sa akin si Naiad na nasa gilid ng sasakyan.

Wait, hmmm, chill Ganee, kunwari wala kang naaalala, kunwari hindi ka nahihiya, kunwari, walang nangyari kagabi, okay?.

Ngumiti ako sa kanya, binuksan niya ang pinto ng kotse at pumasok ako sa loob non, siya naman ay dumeretso sa may front seat.

Huminga ako ng malalim, haaay, I can feel awkwardness in the air.

“Ganee, you don’t need to do this, handa kana ba?” tanong niya sa gitna ng byahe.

Tumingin ako sa labas at napa isip.

Bumuntong hininga ako at sumagot “oo, handa na ako” wika ko.

Narinig ko pa ang pagtunog ng buto sa leeg niya na mistulang nangawit.

“okay” wika niya.

Pagkatapos non ay hindi na siya nagsalita pa.

Tumingin ako sa kanya. Ano ba talagang role mo sa buhay ko?.

Sino kaba talaga Naiad?.

Pagdating sa building ng TRITON ay bigla akong kinabahan.

Naalala ko ang mensahe ni mommy.

“Everyone beside you can stab you in the back anytime. Trust yourself darling.”

Yes, mommy. I will.

SNAREDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon