My mom and dad always fights. I don’t know, lagi kong naririnig ang pangalan ng mama at papa ni Ganee kapag nag-aaway sila.“Champ” mahinang wika ni mama.
Pumasok siya sa kuwarto ko at naupo sa gilid ng kama ko.
“Champ” wika ni mama.
“hmmm?” napabangon ako at naupo, isinandal ko ang likod sa headboard ng kama.
Tiningnan ko si mama, mugto ang mga mata.
“ma, what happened?” tanong ko.
Niyakap ko siya at doon ay humagulgol siya.
“it’s your dad” umiiyak niyang wika.
Inalo ko si mama, kumalas siya sa yakap at humarap sa akin.
“your dad has another woman. Iiwan na niya tayo” umiiyak na wika ni mama.
“no, he would never do that!” sigaw ko.
“Champ. Listen to me” wika ni mama.
Hinawakan niya ako sa magkabila kong pisnge.
“stay away from the PARK’s, okay??, pinagtatakpan nila ang papa mo, they will get rid of us, anytime” mahinang wika ni mama.
Mahirap gawin ang ipinagagawa ni mama lalo na’t kay Ganee na halos umiikot ang mundo ko.
I diverted my attention on other things and on other girls.
Whenever Ganee comes close, lagi akong umiiwas. Alam kong nakikita o nararamdaman na niya ang paglayo ko. Please, Ganee, kailangan ko lamang sundin si mama ngayon dahil kailangan niya ng karamay, si mama nalang ang kasama ko sa buhay.
Valentine’s ball noon, kahit gustong gusto ko siyang isayaw ay hindi pwede dahil kasama ko si mama.
I even saw her fake a smile nang isayaw ko si Ashley.
Pagkatapos ng ball ay naiwan pa kami dahil kami ang nakatoka sa paglilinis, ewan ko ba, naturingang private school pero nagpapalinis parin. Tssss.
“ipapasundo kita kay Marco” wika ni mama sabay halik sa pisngi ko.
Tumango nalang ako sa sinabi niya.
I saw Ganee and Jhi, naka upo sila sa harap ng isang round table, limang metro ang layo sa akin.
Nang wala na si mama ay agad akong lumapit sa banda nila.
“Ganee” tawag ko sa kanya.
Lumingon siya sa akin ngunit hindi niya ako pinansin, ibinalik niya ang tingin kay Jhi at ipinagpatuloy ang kung anumang ikinukuwento niya.
“Ganee, please” wika ko.
Hinawakan ko siya sa braso pero tinabig niya iyon.
“Ganee, please?” pagsusumamo ko.
Tumayo at humarap siya sa akin, nakasalubong ang kanyang kilay, kahit na naiinis ako sa nangyayari ay hindi ko maiwasan ang matuwa.
“what is it?!” pasigaw pero mahina niyang tanong. Nakapamewang pa siya.
Hahahhahha.
“let’s talk” wika ko.
“talk about what?” tanong niya.
“about us, can we?” matapang kong sagot.
Lumabas ako at hinintay siya sa labas.
Paglabas niya ay humalukipkip siya kaagad sa harapan ko, halatang nag iiwas ng tingin.
“hey” wika ko sabay hawak sa siko niya.
Hindi niya naman ito iniiwas pero hindi naman siya nakatingin sa akin.
Lumapit ako sa kanya at bumulong“i love you”
Oo, I love you, 5 years old palang ako, mahal na kita.
“oh, really?” manghang tanong niya na tila ay hindi naniniwala.
“kaya pala hindi mo ako isinayaw kanina, kahit minsan? hahaha” sarkastiko niyang wika.
“about that. .” shit. Hindi ako makapag isip ng magandang palusot.
Tumitig siya sa akin at mistulang nag aabang ng sasabihin ko.
Inirapan niya ako sabay nagsalita.
“fine, I love you too!” sigaw niya at tsaka naglakad palayo.
“precious!” tawag ko sa kanya.
Mabilis din pala maglakad ang isang ito.
“what do you want?” walang lingon niyang tanong.
Shit, bakit ba sa gilid ng daan pa niya balak rumampa?.
“let me explain!” sigaw ko dahil hindi ko siya maabutan. Takbo na ata ang ginagawa nito.
Nagsimula ng umulan at wala manlang akong dalang payong. Para naman sana kahit paano ay maisilong ko siya doon. Hindi ko ininda ang buhos ng ulan at ipinagpatuloy parin ang paghabol sa kanya.
Nang iisang metro nalang ang layo niya sa akin ay tumakbo na ako. Agad kong hinablot ang braso niya at iniharap siya sa akin.
Romantic ang set up na ito dahil pareho na kaming basa. But damn, malamig.
“what do you want from me?” I can see it. Umiiyak siya.
Why?.
“i’m sorry” I said.
I hugged her tight. Sa sobrang higpit noon ay ayoko ng kumalas pa.
Pilit niya akong itinutulak pero hindi. Kahit ngayon lang.
“wait for me, okay?” wika ko.
Hindi siya sumagot ngunit naramdaman ko ang marahan niyang pagtango. Napangiti ako doon.
“promise me” wika ko.
“promise” wika niya at yumakap siya pabalik.
Bumalik kami sa loob ng hall, namataan naman kami kaagad ni Jhi kaya’t nagrequest siya ng tuwalya sa mga waiter na nandoon.
Hawak hawak ko ang kamay niya. Iginaya ko siya sa upuan nila kanina.
Well, tonight is the best night of my life. Pero alam ko na hanggang dito nalang ito.
I will come back, Ganee.
The next day, nag away na naman ang mama at papa ko.
As a 15 year old teenager, hindi ko masyadong pinagtuunan ng pansin ang mga pag-aaway nila.
Hindi ako kailanman nagtanim ng galit sa pamilya ni Ganee, simply because, what’s happening around my family is not their concern anymore.
Kung kasalanan ni papa, kasalanan ni papa.
Hindi na ako pumasok, after the Valentine’s ball, hindi na ako pinapasok ni mama.
Para akong na house arrest, but what can I do?, my mom is so devastated, kailangan niya ng karamay.
“Champ” tawag ni mama.
Nasa sala ako at nanonood ng TV.
“yes ma?” tanong ko. Hindi ako lumingon dahil busy ako sa pinanonood ko.
Tumayo siya sa gilid ko at nagsalita.
“you’ll leave tonight” wika niya dahilan para mapalingon ako.
“what ma?. why??” kunot noong tanong ko.
BINABASA MO ANG
SNARED
ActionGinawa ko ang lahat para makatakas ngunit ibinabalik ako ng pagkakataon sa lugar kung saan ako nararapat. . saan nga ba ako nararapat? -- Ganymede Lumayo ako dahil sa isang maling desisyon. . pero pagbalik ko, itatama ko ang lahat. -- Naiad