23

1 0 0
                                    


“Everyone beside you can stab you in the back anytime. Trust yourself darling.”

Yes, mommy. I will.

Huminga ako ng malalim bago pumanhik sa tamang palapag. Kasama ko si Chan, Frank at si Naiad.

Pagbungad sa conference room ay natigil ang bulong bulungan ng lahat.

They looked at me like I’m a dirt they want to wash off.

Well, this dirt will bury you 6 feet under the ground people.

I saw Gin, nakita ko ang gulat sa mukha niya, he looked at me pagkatapos ay bumaling siya kay Naiad at nagtagal ang tingin niya doon. I wonder why?

I saw Nereid, pinaningkitan niya ako ng mata, wow, just wow. Siya pa talaga ang may ganang umasta ng ganyan?.

Dumeretso ako sa harap ng lahat, nakasunod parin ang tingin nila sa akin.

Tiningnan ko sila isa-isa, sino ba sa kanila.

“right, end, Mr. Chu” bulong ni Chan.

“left, end, Mrs. Han” wika niya.

Tiningnan ko ang dalawang nasa dulo, hmmmm, nasa mid 50’s sila pareho, dapat nagreretire na itong mga to sa ganitong trabaho ah.

“right, middle, Mr. Gin” wika ni Chan.

Ngumisi lamang ako. The fucking man who tried to kill me. Fuck you!

“left middle, Mr. Smith” -Chan

Tiningnan ko silang dalawa.

Nag ngising aso ako nang makitang titig na titig si Gin sa akin. Hahhaha, nababahag naba ang buntot mo?!.

“right, front. Mrs. Nereid” wika niya.

Ang nanay ni Champ, paano niya nagawa sa magulang ko iyon kung malapit silang magkakaibigan.

“Left, front, Mr. De Jesus” wika niya pa.

Huminga ako ng malalim bago nagsalita.

“good morning everyone” bati ko.

Ngumiti ako at nakita ko ang pag asim ng mga itsura nila.

Naupo ako sa upuang nakatalaga sa akin, sa harapan ng lahat. Nakatayo sa gilid ko si Chan at Frank, samantalang si Naiad ay nakaupo sa upuang nasa tabi ko.

“why are we here?” tanong ni Mr. Chu

Para malaman ko kung sino ba ang papatayin ko sa inyo.

“I just want to meet you all” nakangiti kong bati.

“by the way, I’m Precious Ganymede A. Park, the daughter of the late Sao and Larissa Park.”

“that’s it?” maarteng tanong ni Nereid.

“uh huh” nakangiting wika ko.

“you are wasting our time kid” - may asim sa tono ng matandang si Gin.

Ngumisi ako sa sinabi niya.

“why?. is TRITON not important to you?. when is the next shipment?” tanong ko dahilan para mapabuklat ang lahat sa kanilang mga folder.

“later at 10, in Incheon” mahinang wika ni mrs. Han.

Tumango ako sa sinabi niya. Pinagsiklop ko ang aking mga daliri tsaka ko nilingon ang lalaking kanina pa nakatitig sa akin. Ngumiti ako kaya’t napangiti rin siya.

“who will be our representative?” seryoso kong tanong.

Walang sumagot kaya’t tiningnan ko sila isa-isa.

Yumuyuko ang bawat kong tinitingnan, maliban sa dalawa.

“i want Gin and Nereid to lead the operation” wika ko.

Nakita ko pa ang pag angal nilang dalawa. Tsk. Wala kang magagawa. What the heiress wants, the heiress gets. At gusto kong kayo ang mag lead ng operation.

Marami pa kaming pinag usapan, gaya ng, kung sino na ang mamumuno, malamang, AKO.

Tinanong din nila kung nasaan ako nitong mga nakaraang taon, tssss, mga tsismoso.

Tinanong din ni Nereid kung bumalik naba ang ala-ala ko. Hindi ang sagot ko. Hindi niya pwedeng malaman na naaalala ko na ang lahat.

Na naaalala ko na kung paano ako naaksidente, kung paanong nasagasaan ako sa gitna ng pedestrian, hit and run pala hah?.

Nakita ko ang mukha ng bumangga sa akin. Kitang kita ko. Naaalala ko narin kung saan ako galing bago ako mabangga.

I remember it all. I remember all the faces. I remember everything that happened.

“that ends our meeting” wika ko at tumayo.

Tumayo rin ang lahat, ang iba’y nakipagkamay pa sa akin.

“thank you, mr. De Jesus” wika ko sabay abot ng nilahad niyang kamay

“napaka matured mo mag isip. Napakaganda ng pagpapalaki sayo ng mga magulang mo” wika niya.

SNAREDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon