May mga bata at matandang lumalangoy na dahil hindi pa naman masyadong mataas at malakas ang sikat ng araw.Nagkakasiyahan ang lahat ng nandito, I wonder where the two mokongs went?.
Nagulat nalang ako nang may biglang lumapit sa aking batang lalaking nasa sampung taong gulang.
“miss, perlas?” wika niya sabay pakita sa akin ng mga paninda niya.
Umiling ako at ngumiti.
“kahit masunog po ito, hindi po mangingitim” pagbibida niya ng paninda.
Isinisindi sindi na niya ang lighter at balak na atang magpakitang gilas sa akin.
“hindi na boy, wala kasi akong pera” wika ko.
Nakita ko ang kaunting pagkalungkot niya ngunit wala pang ano- ano ay nagliwanag ulit ang mukha niya.
“dahil maganda ka, sayo nalang itong keychain. Libre nalang yan miss ganda” wika ng bata.
Napangiti naman ako at tinanggap ito. Hindi naman siguro masama.
“sige miss ganda. Mag enjoy ka po dito!” wika niya at naglakad na palayo.
“salamat!” sigaw ko dahil nasa limang metro na ang layo niya sa akin.
“walang anuman miss ganda!” sigaw niya.
Napalingon ang ibang tao sa akin dahil sa sigaw niya. Yumuko ako at ngumiti.
Nakaramdam ako ng gutom kaya’t pinasya kong bumalik na sa hotel.
Papalapit palang sa pinto ay nakita ko na ang nakahalukipkip na si Naiad.
“where have you been?” kunot noong tanong niya.
Ngumiti ako at naglakad papalapit sa kanya.
“morning walk” wika ko.
Dumaan ako sa gilid niya at pinihit ang doorknob.
“wait” wika niya sabay hawak sa braso ko.
“bakit?” lingon kong tanong.
Itinaas niya ang kaliwang kamay ko na may hawak ng key chain.
“where did you get this?” kinuha niya ang key chain at ininspeksiyon ito.
Hinablot ko iyon sa kamay niya.
“bigay nung bata kanina. Libre yan” wika ko.
Tumango tango siya doon at inunahan pa akong pumasok. Aba!
Sumunod ako sa kanya sa kusina.
“oh bakla! Saan kaba galing?. sobra akong kinabahan” wika ni JHi.
Inilapag niya ang itlog at hotdog sa lamesa.
Naupo ako sa upuan na nasa tapat ni Naiad.
“kain na bakla” alalang wika ni Jhi.
Ngumiti ako sa kanya at nilantakan na ang luto niya.
“we are going back” wika ni Naiad sa gitna ng kainan.
“no” putol ko sabay nguya sa kanin.
“we need to go back, Ganee” wika ni Jhi.
Pati ba naman siya?.
“no, kung may babalik. Ako lang Jhi. Hindi ka sasama” wika ko sabay tingin sa kaibigan.
I remember Champ now, bestfriend namin siya ni Jhi, bata pa ako noon, ang pinaka huling ala-alang naaalala ko sakanya ay noong namatay ang daddy niya.
Pinatay ng grupo ni daddy, iyang parteng iyan ang hindi ko maalala.
Ngunit simula noon ay hindi ko na nakita si Champ.
Ang sabi ni daddy ay. . .
Ay. . . .
Namatay din siya kasama ng daddy niya.
“bakla!” sigaw ni Jhi.
Nagitla ako at napabalik sa ulirat.
Kailangan ng kalimutan ang nakaraan.
Ang hindi masabi sabi ng mga magulang ko ay kung paanong nawala ang mga ala-ala ko. I don’t have the power to search for the truth kaya’t tinakasan ko nalang ito.
Ang lagi lamang sinasabi ni daddy ay “permanente na ang amnesia mo”
BINABASA MO ANG
SNARED
ActionGinawa ko ang lahat para makatakas ngunit ibinabalik ako ng pagkakataon sa lugar kung saan ako nararapat. . saan nga ba ako nararapat? -- Ganymede Lumayo ako dahil sa isang maling desisyon. . pero pagbalik ko, itatama ko ang lahat. -- Naiad