35

22 0 0
                                    

GANEE's POV.

Nagising nalang ako sa isang maliwanag na lugar. Is this heaven?.

No, no, no. Hindi pa naman siguro ako patay?.

I checked myself, I am wearing a hospital gown, nakahinga ako ng maluwag doon.

I remembered what happened. Now, where are they?. luminga linga ako sa paligid ng kuwarto kung nasaan ako, I saw Frank sleeping in the sofa and Chan sleeping on the couch.

Bigla akong nakaramdam ng kaba, where is he?. is he dead?.

Shut up, Ganee!. tinraydor ka na niya't lahat, siya padin ang iniisip mo?

Umiling iling ako sa naisip, tssk. Now that I know na siya si Champ.

Buhay si Champ!. at siya si Naiad.

Naniniwala ako na hindi ako kayang lokohin ni Champ, naniniwala ako na tutuparin niya ang pangako niya sa akin na babalik siya.

Hindi ako makagalaw ng maayos, ni hindi ko maigalaw ng mabuti ang mga daliri ko, mistula akong naparalisa.

No. .

narinig ata ng bahagya ni Chan ang paggalaw ko kaya't napabalingkwas siya kaagad sa higaan.

"lady" wika niya at lumapit sa akin.

Kinusot kusot niya ng bahagya ang mata.

Shit. Ni hindi ko maibuka ang bibig ko, what the hell happened to me?.

Tinitigan ko lamang si Chan, nakita ko ang pag aalala sa mukha niya.

"wait lang lady" wika niya.

Lumabas siya at pagbalik niya ay kasama na niya ang mga doktor.

Tiningnan ko lamang sila mula sa higaan at tinitigan, as much as I want to ask, I cannot even open my mouth. Damn it!

"she will be fine, she needs a rest and a food" wika ng doktor.

Tumango tango si Chan at ngumiti.

May mga sinabi pa ang doktor kay Chan ngunit hindi ko na nasundan ito dahil lumabas na sila.

Napakalaki ng pagbabago ng itsura ni Chan, tumikas ito at nagkaroon ng balbas at bigote. Natuwa nalang ako, napakabilis naman atang tumubo ng mga iyon.

Narinig ko ang marahang paggalaw sa sofa, tumingin ako doon at nakita ang gulat na gulat na itsura ni Frank.

"gising kana! lady" masayang sigaw niya.

Pinilit kong ngumiti kahit mahirap.

"hindi kapa makakagalaw ng sobra lady kasi puro fluid lang ang nasa katawan mo, sa sobrang tagal mo ba namang natulog eh" wika niya sabay pamewang sa harap ko.

"buti nalang, gising kana" may lungkot sa boses ni Frank.

As much as I want to speak, I can't. naramdaman ko na lamang ang mainit na likidong nanggagaling sa gilid ng aking mga mata.

Gaano katagal ba akong natulog?.

Pinunas ni Frank ang mga luha ko gamit ang kanan niyang kamay, his eyes are watery too.

"madami ng nagbago, lady. Maayos na ang lahat, makakapamuhay na tayo ng mapayapa" wika niya.


Naguguluhan man ay natuwa ako sa narinig.

"kailangan na magpahinga ni Lady Precious" wika ng kapapasok na si Chan.

Gusto kong malaman kung nasaan si Naiad.

The next days are like hell, hinang hina ang katawan ko, pinakakain naman ako ng dalawa kong tapat na tauhan, walang bumabanggit ng kahit na ano.

Ano ba talaga ang nangyari?.

Limang araw pagkatapos kong magising ay bumalik na ang lakas ko.

"lady, hindi pa daw po kayo pwedeng lumabas sabi ng doktor" alalang wika ni Chan.

Nakatayo siya sa harapan ko habang ako naman ay nagsusuot ng sapatos.

"Chan, I'll be fine" wika ko.

"marami akong naiwang trabaho. Remember?" wika ko pa sabay tingin sa kanya.

"ahh. . .. a . . about that" uutal utal niyang wika sabay kamot sa batok.

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya, tiningnan ko siya at naghintay ng sasabihin pa.

"what about it? Chan" tanong ko.

Natapos ko ang pagsusuot ng sapatos at naupo ng maayos, itinuon ko ang buong atensiyon kay Chan.

"inasikaso na ni sir Naiad lahat" wika niya habang nakatingin sa paa.

Naiad?. hindi ko alam kung anong mararamdaman ko, kung matutuwa ba ako o ano?, pati ba ang kumpanya ko ay inangkin narin nila?.

Tumango na lamang ako sa sinabi ni Chan.

"umuwi na tayo sa bahay, sa Icheon" wika ko.

Nagliwanag ng bahagya ang mukha ni Chan.

Lumabas kami sa hospital, hindi na ako nagulat sa nakita, totoo nga, marami ng nagbago.

What do I expect?.

I slept for 2 years and a half.

Ganon kalakas ang poison na nailagay sa katawan ko dahil sa bala ng walang hiyang Gin na yun.

Sumakay kami sa sasakyan at dumeretso sa bahay namin, sa bahay kung saan ako lumaki.

Pagdating sa gate ay bumungad kaagad ang mga tuahan ni daddy.

Kitang kita ang tuwa sa mga mukha nila dahil sa pagdating namin, I can't help but smile too.

Binati ako ng lahat and this time, binati ko rin sila pabalik.

"anak" pamungad ni Nanay Huling sa akin.

I hugged her and tapped her back.

"namiss kita nay" wika ko.

"namiss din kita Precious" wika niya at iginaya ako sa kusina.

Habang naghahain ay gusto kong tanungin si nanay Huling kung ano ang mga nangyari habang tulog ako.

Tiningnan ko lamang siya at ngumiti, umiling ako sa iniisip, sa susunod nalang siguro.

I heartily ate the meal she served.

Pagkatapos kumain ay pumanhik na ako sa kwarto ko, ganun parin ang ayos nito, kung ano ang mga frames ay ganun parin.

i opened the PC and checked the internet.

I searched for Naiad's name.

Hmmmmmm, one of the most successful businessman, the second successor of TRITON.

I read the content of the article.

"while the Heiress is still unconscious, I will be leading TRITON"- Naiad

Nakahinga ako ng maluwag sa nabasa, ibig sabihin, hindi niya tuluyang inangkin ang TRITON.

But, where is he now?.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 17, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

SNAREDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon