33

7 1 0
                                    

Siguro ay tinatanong ninyo kung bakit hindi ko nalang sabihin sa kanya na ako si Champ.

No, hindi ko pwedeng gawin iyon.

Ang gusto ko ay makita niya ako bilang ako, ang bagong ako, ang Naiad na may panninindigan, ang Naiad na hindi na siya iiwan.

Pero hindi ako nagtagumpay, hindi siya pumayag.

Tumayo ako at tinalikuran siya.

"fine, if that's what you really want" I said at lumabas na ng office.

Kung hindi ko siya makumbinsi, gagawa nalang ako ng ibang paraan para hindi siya mapahamak. My mom has plans for tonight, she will end it tonight at alam kong ganun din ang plano ni Ganee.

No one will die tonight, hindi si mom, hindi si Ganee.


Paglabas sa office ni Ganee ay dumeretso ako sa office ni mom.

Nagulat siya ng makita ako.

"son, what are you doing here?" wika niya sabay lapit at yakap sa akin.

Pagkakakalas ay tsaka ako nagsalita.

"ma, please stop the operation" wika ko.

Bumalik si mama sa upuan niya at nagkibit balikat.

"what do you want me to do?" tanong niya.

Naglakad ako papalapit sa desk niya at naupo sa upuang nandoon.

"ma, please, itigil mo na to, stop this revenge thing, lumayo na tayo" I pleaded.

"and then what?"tumaas ang kanang kilay ni mama.


"let's just go, ako na ang tatapos ng lahat ng ito, wait for me at the airport" wika ko.

"your uncle Gin won't permit that" yumuko si mama at mistulang nag-iisip.

"why do you care so much about him?." mapagdudang tanong ko.

Tinitigan ako ni mama na parang tinatantiya kung ano ba talaga ang sasabihin. Ano bang meron sa matandang iyon at mas importante pa ata ang sasabihin niya kaysa sa sasabihin ko?.

"he helped me, while you're gone, siya ang tumulong sa akin para makabangon, importante siya sa akin" wika ni mama.

Napabuntong hininga ako sa sinabi niya, napakaraming nangyari, maski ang katauhan ko ay pinatay ng sarili kong ina.

"ma" mahinang wika ko.

"son, this will end tonight, magpapadala ako ng tauhan sa headquarters ng Park. Pagkatapos ng lahat, aalis na tayo" wika ni mama dahilan para mapatingin ako sa kanya.

Nagsalubong ang kilay ko sa sinabi niya.

"you will kill her?" mahinang tanong ko.

Tumango lamang si mama.

"hindi mo nagawa, I trusted you, kaya't ako nalang ang gagawa" deretso sa matang wika ni mama.

Kinabahan ako sa sinabi niya, the operation will start at 9, malamang, beforehand ay may mga tauhan na si mama sa headquarters ng Park.

"hinayaan kitang pumasok doon dahil akala ko ay maipaghihiganti mo ang papa mo, but, what did you do?. wala" wika ni mama.

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya, oo, napag usapan namin iyan dati pero wala kong balak totohanin iyon dahil ang sadya ko lang naman talaga ay ang hanapin si Ganee.

"do you really love that girl son?" tanong ni mama.

"hindi na yan importante ma" wika ko. Tatayo na sana ako ng magsalita siya ulit.

"hindi kayo pwede, itigil mo yan." wika ni mama.

Tuluyan na akong tumayo at humarap kay mama.

"anong dapat kong gawin para hindi mo siya patayin?" ako

Gulat man ay nagawa parin niyang magsalita.

"join me tonight, ipapakilala kita sa leader ng Hyperion, ikaw ang gagawin kong head ng TRITON" wika ni mama.

"that's impossible" wika ko.

Nakita kong ngumisi si mama, I knew it, wala ng makakapigil pa sa plano niya. Even me.

"fine" wika ko.

Lumabas ako sa opisina ni mama.

I called for my persons at kinausap sila.

I instructed them to follow Ganee discreetly.

She needs to be safe. Alam kong hindi niya kayang patayin ang mama ko lalo na kapag nalaman niyang ako si Champ.

Kung ang gusto ni Ganee ay ang pabagsakin ang TRITON, fine. Pero walang mamamatay sa mga babaeng mahal ko.
I received a call from one of my persons

"sir, lumabas na po sila sa headquarters" wika niya.

"okay, update me everytime" wika ko sabay patay sa tawag.

Ini ready ko narin ang sarili ko para mamaya. I know, magagalit si Ganee sa akin para mamaya but I need to do this, for the both of us.

We arrived 5 minutes late, naunang lumabas si mama, at si tito Gin.

I know, they are here. She is here.

Kinabahan ako sa iniisip, I'm sorry, Ganee.

I messaged all my guards to stay put, hindi sila pupwedeng makita ng kahit na sinong tauhan ni mama at ni Ganee.

Bumaba ako sa sasakyan at nakipag usap sa mga taong nandoon.

Mom introduced me as the new head of TRITON, wala lang sa akin iyon.

Pagkatapos ng operation ay umalis narin kaagad ang Hyperion, aalais narin sana kami nang biglang nagsitumbahan ang mga tauhan ni mama at uncle Gin.

I knew it, they are just around. Inilabas ko ang baril ko at hinawakan si mama.

Luminga ako sa paligid, nasa kabilang building sila, ang tauhan ng mga Park ay magagaling humawak ng baril, no doubt, malamang pati si Ganee ay nandito.

Pinakiramdaman ko ang paligid.

Nasa paligid silang lahat, we are surrounded by them.

May mga nilalang na bumaba galing sa hagdan, medyo malayo sa amin, naaninag ko si Chan at Frank.

They looked puzzled, tumingin ako sa kanila at sumenyas, tumango sila ng bahagya at lumingon sa gilid ng pader.

So, nandoon pala siya.

Huminga ako ng malalim at binitiwan si mama.

"no, Naiad! Gusto nila tayong patayin! That bitch!, I told you, kill her!" kumapit si mama sa akin.

"stop it ma" I said.

Nilakasan ko iyon, siniguro kong maririnig ng lahat. Yes, Ganee, the woman who killed your parents is my mother, sad truth right?. matatanggap mo pa kaya ako?.

"surprised?" wika ng nagsalita.

No, no,. dapat ay wala ka dito Ganee.

When she started talking, kinabahan ako. Pakiramdam ko'y ang mga sasabihin niya ay ang nawawalang parte ng pagkatao ko.

My mom started shouting, pinipigilan niya si Ganee sa lahat ng kung ano mang sasabihin niya.

SNAREDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon