9

3 0 0
                                    


my dream is to be like you daddy, a famous businessman” wika ng batang ako.

Nakaupo sa tabi ko si daddy at nanonood ng TV.

“you’re still young love” wika niya.

Binuhat niya ako at inilagay sa kandungan niya.

“but dad, you’ll train me right? Hah?” pasweet kong wika kay daddy.

Niyakap ko siya sa leeg dahilan para kilitiin niya ako sa tagiliran.

“soon, my princess” wika ni daddy

Everything went fast at hindi ko na nasundan ang kung anumang memoryang dumadaan sa isipan ko. Napahawak ako ng matindi sa ulo ko, para itong mabibitak.

“daddy! Why did  you do that!?” umiiyak ako habang yakap yakap ni daddy.

“he will kill us If I didn’t, I’m sorry love” mahinang wika ng umiiyak kong ama.

“but dad, he’s Champ’s dad!” wika ko.

“i know love. I’m sorry” wika ni daddy.

Masakit, masakit malamang ganun ang trabaho ni mommy at daddy. Masakit malaman na anong oras ay pupwedeng sila o ako naman ang mawala.

The feeling hurts so much. I tried to push daddy pero malakas siya.

“hey!!” sigaw niya at tila niyuyugyog na ang braso ko.

Ngunit wala akong maramdaman sa ginagawa niya, ang tanging nararamdaman ko lamang ay ang sobrang sakit ng ulo ko.

“anong nangyayari?” rinig ko pang sigaw ni Jhi.

Halatang natataranta ang lahat.

“medicine!” I shouted.

Nahiga ako sa sofa at pilit iniipit ang ulo ko gamit ang magkabila kong braso.

It hurts like shit.

Naramdaman ko pa ang paglapit ni Jhi sa akin at pag hawak niya sa kamay ko.

“Ganee, kaya mo yan. Ito oh” alalang wika niya.

Kahit hindi ko maibuka ng maayos ang mga mata ko dahil sa sakit ay pilit kong inabot ang gamot na ibinibigay ni Jhi.

“Ganee, please naman” rinig ko pang wika niya.

Nakakabingi, namamanhid ang buo kong katawan. Pilit kong ininom ang gamot na ibinigay niya.

Everything went black after that.

Paputol putol na ala-ala nalang ang nakikita at naaalala ko.

Nagising ako at nakitang nasa tabi ko si Jhi, nakatayo naman sa gilid ko si Naiad.

Hindi ko ito pinansin at pumikit na akong muli.

Nagising ako sa sinag ng araw na sumasagi sa mukha ko, itinakip ko ang braso ko sa tapat ng mga mata ko ngunit hindi ito sapat kaya’t bumangon nalang ako, pag tingin ko sa paligid ay wala sila. Nasaan naba sila?.

Paupo akong bumaba sa kama, tinatamad akong tumayo, naalala ko ang trabaho ko, ang unit ko, sirang sira na lahat.

Paano na ako nito?. do I really need to go back?.

Pinasya kong lumabas ng kwarto, nakakita ako ng blazer sa rack na nasa tabi ng pinto kaya’t kinuha ko iyon.

Alas sais na pala ng umaga. Tinanghali na ako ng gising, epekto ito ng gamot na ininom ko kagabi.

“ano ba talagang nangyari?” tanong ko sa sarili sabay hawak sa ulo.

Sinuklay ko ang buhok gamit ang mga daliri ko. Pumanhik ako sa mini kitchen ng unit at naghilamos sa sink, nagmumog narin.

Ipinunas ko ang dalawang palad sa mukha para matanggal ang mga mumunting butil ng tubig na dulot ng paghihilamos ko.

Nakakita ako ng maliit na towel sa tabi ng mini ref, kinuha ko iyon at nakitang malinis naman, kaya’t ipinunas ko ito sa mukha at braso ko.

Now, nasaan naba ang dalawa?.

Pinasya kong lumabas, paglabas sa pinto ay malamig na hangin kaagad ang bumungad sa akin kaya’t napayakap ako ng bahagya sa aking katawan.

Kakaibang pakiramdam, nakagagaan ng dinadala.

“Ganymede,kailan ba babalik ang mga ala-alang nawala?” tanong ko sa sarili.

Lungkot ang bumalot sa buo kong pagkatao,

“may importanteng pangyayari ba ang nawala kasama ng mga ala-ala mong hindi na naaalala?” tanong ko ulit sa sarili.

Niyakap ko ang sarili at pinasyang maglakad lakad sa dalampasigan, low tide ngayon kaya’t malawak ang buhanginan.


SNAREDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon