Sabay turo sa akin. Nakita ko ang pag iling ng mga walang kwentang gwardya ni mom at dad.
Paano ito nakapasok dito?. at, nasaan ba si Naiad?
Iginaya ko ang paningin sa paligid at hindi ko mahanap si Naiad. Where the hell is he?.
Kung kailan kailangan siya tsss.
"spare nanay huling, take me instead" wika ko.
May limang metro ang layo ko sa kanila.
Sa itsura ng lalaki ay mistulang marami siyang pinagdaanan. I pity him. Mukhang napilitan lang siyang gawin ang bagay na ito..
"Frank, madali lang ba idetonate ang bombang nasa katawan niya?" bulong ko kay Frank.
"may part na kailangang sirain diyan para matanggal ang contact niya sa labas" wika ni Frank.
"how can we find it then?" tanong ko.
Dalawang minuto na ang nakalilipas at malamang, malapit na rin ang oras ng bomba na yan.
"call our bomb expert" wika ko.
"yes lady Precious" wika ni Chan at umalis na.
Tumingala ako ng bahagya at nakitang nakatitig lamang sa akin ang kanina ko pang hinahanap.
Kumunot ang noo ko dahil hindi ko manlang siya makitaan ng pag aalala o ano.
Prente lamang siyang nanonood sa eksena. Walang hiya.
"we need you dead, you bitch!" sigaw ng lalaki sabay sakal kay nanay huling.
Kinuyom ko ang mga palad ko at tumitig sa kanya ng masama. Isang maling galaw at maaring sumabog ang bombang nasa katawan niya.
Sinenyasan ko ang mga tauhan kong magpagilid at huwag gumawa ng kahit na ano.
"take me instead" wika ko sabay hakbang palapit sa lalaki.
Nakita ko ang gulat at taranta sa mukha niya.
My plan is to kill the person now.
Papalapit palang ako'y sa akin na niya itinutok ang hawak niyang baril.
Now, now.
Hindi ako nagitla, I'm not afraid of dying, ang kinatatakutan ko ay ang may mamatay ng dahil sa akin.
Binitawan niya si nanay huling at hinatak ako palapit sa kanya.
You underestimated me, hinatak ko ang kamay niyang may hawak ng baril, dali dali akong pumunta sa likod niya at itinutok ang baril sa leeg niya. Ang isang kamay ko'y hawak ang leeg niya.
"Try to move and you're dead" matigas kong wika.
"we are all going to die if that happens" tatawa tawa niyang wika.
"you wish!" wika ko sabay putok ng baril sa kaliwa niyang balikat. I'm guessing that the green light in his shoulder is the signal kaya ko ito binaril.
Dahilan para magulat ang lahat. Ngumisi ako dahil naramdaman ko ang butil butil na pawis ng nilalang na nasa harapan ko.
"now, who sent you here?" tanong ko.
Hindi siya nagsalita at pilit kumakawala sa akin.
"one wrong move and this time, you are sure dead" wika ko.
"who the hell sent you here!" sigaw ko dahilan para mapagitla siya.
"ayaw mo paring magsalita!" I shouted at mas lalo ko pang itinutok ang baril sa gilid ng leeg niya.
"try me" malamig kong wika dahilan para manginig siya.
Ngayon ay ramdam na ramdam ko na ang tagaktak ng pawis at panlalamig ng mga palad niya dahil hawak hawak niya ang braso kong nakasakal sa kanya.
Konti nalang talaga ang pasensiya ko.
"Gin!" nanginginig niyang wika.
Pagkatapos niyang sabihin iyon ay ako nalang ata ang hindi nagulat.
Rinig ko ang bulungan ng lahat. Tiningnan ko sila ng masama dahilan para matahimik sila.
"spare me, please, I beg you" wika niya.
"gusto ko sana, kaso" bago ko pa man tapusin ang salita, I pulled the trigger without hesitation.
"tinatamad ako" I said.
Ibinagsak ko ang nilalang sa sahig.
"tanggalin ang bomba sa katawan niya. Pasabugin ito sa likod" wika ko.
Ipinagpag ko ang kamay ko sa damit ko.
"ah, wait" wika ko.
Lumingon ako sa mga tauhan ko kaya't napatigil sila sa ginagawa.
"pakisunog ang bangkay" wika ko.
Nakita ko ang gulat sa mga mukha nila lalo na kay nanay Huling.
Hindi ako yumuko o nagpakita manlang ng panghihinayang o kahinaan.
I looked upstairs and found out that he is still staring at me. Watching my every steps.
Umakyat ako sa second floor kung nasaan siya. Sinalubong niya ako, wala akong mabasang kahit anong ekspresiyon sa mukha niya.
"what was that?" tanong niya.
Hinablot niya ang kamay ko at pinunas ang natitira pang dugo dito.
"wala kana don" wika ko.
Hinala ko pabalik ang kamay ko dahilan para mabitawan niya ito.
Tumingin siya sa akin nang nakakunot ang noo.
"hindi mo dapat dinudumihan ang kamay mo" wika niya.
Nakatayo lamang siya sa harapan ko at tila walang balak padaanin ako.
Hindi ko pinansin ang sinabi niya.
Kung kinakailangan ako mismo ang pumatay sa kanilang lahat ay gagawin ko.
"excuse me" wika ko.
Hindi siya nagpatinag kaya't tiningnan ko siya deretso sa mata.
"ano ba?" iritadong tanong ko.
"Precious, let me do this for you. Okay?" wika niya tsaka ako niyakap.
Hindi ko alam kung para saan o kung bakit niya ginagawa ito pero pakiramdam ko, pakiramdam ko ay totoo ang mga sinasabi niya.
Hindi ako yumakap pabalik kaya't kinalas niya rin ito.
Awkward..
Awkward. . talaga . .
"uhm, maglilinis muna ako ng katawan" paalam ko.
Tumango naman siya at bahagyang nagpagilid para makadaan ako ng mabuti.
BINABASA MO ANG
SNARED
ActionGinawa ko ang lahat para makatakas ngunit ibinabalik ako ng pagkakataon sa lugar kung saan ako nararapat. . saan nga ba ako nararapat? -- Ganymede Lumayo ako dahil sa isang maling desisyon. . pero pagbalik ko, itatama ko ang lahat. -- Naiad