6

6 1 0
                                    

Iginaya ko ang tingin sa harap at pinanood ang bawat posteng madadaanan.

Nagulat nalang ako nang may biglang sumakal sa akin mula sa likuran dahilan para magitla ako.

“Fuck” sigaw ko habang tinatanggal ang brasong sumasakal sa akin.

“kailan kapa natutong magmura, bakla?” tanong ng taong sumakal sa akin. Shit.

Ang kabang kanina pa bumabagabag sa akin ay biglang nawala. Kahit masikip ang daan ay ipinilit kong dumaan sa gitna ng upuan para makapunta sa likod.

Pagka upo ay kaagad kong niyakap si Jhianne.

“akala ko pati ikaw” umiiyak kong wika.

Yumakap siya pabalik at nagsalita.

“loka, nagulat nga ako at bigla akong kinatok ni Naiad eh” wika niya sabay tingin sa driver.

Naiad pala ang pangalan niya. Sino ba talaga siya at bakit niya ito ginagawa?.

“saan tayo pupunta?” I asked them. Kinalas ko ang yakap at bumalik sa harap.

“sa Norte” wika niya.

Marunong pala siyang magtagalog ano?

“bakit doon?” tanong ko.

“maraming mapagtataguan doon, Ganee” wika ni Jhi.

Wow. Napakaraming tanong sa utak ko, una, paanong magkakilala si Jhi at Naiad, pangalawa, paano nila nalamang nasa loob ako ng unit ko at may nangyayaring hindi maaganda doon. Now, I am more confused.

Matagal ang byahe at nakaka antok pero hindi ako kailanman natulog, hindi dahil sa ayoko kundi dahil sa baka kung ano ang mangyari sa akin habang nakapikit.

Nobody talked in the duration of the travel. Tumigil ang sasakyan sa isang gasoline station, nagpagas lang saglit, lumingon ako sa likod at nakitang tulog na tulog ang kaibigan ko.

“sino kaba talaga?” I asked pagkaandar ng kotse.

“the person you can trust” walang lingon niyang sagot.

Tumango nalang ako sa sinabi niya at itinuon ang atensiyon sa daan. Malayo paba kaya kami?

“sleep now, Ganee. I won’t let anyone harm you” malamig niyang wika.

Siguro nga, walang mangyayaring masama sa akin o sa amin ngayon pero mabuti na ang gising at mulat kaysa tulog pero hindi na makagigising.

Ipinark niya ang kotse sa gilid ng daan. Bumaba siya doon at tumayo sa gilid ng tulay. Ano naman kayang ginagawa niya?

Pinasya kong lumabas nalang din doon at sumunod sa kanya.

Lumapit ako at ginaya ang tayo niya.

“nandito naba tayo?” tanong ko.

Lumingon siya sa akin at tumango. His brown eyes looks so familiar, saan ko nanga ba nakita ang mga matang iyan.

Napatigil ako sa pagtitig nang tumikhim siya.

“we don’t have much time, Ganee, we will stay here for a couple of days” wika niya.

“anong gagawin ko?” tanong ko. Bakit ako nagtatanong sa kanya?.

I looked at him, he isn’t looking at me, pinagmasdan ko ang tindig niya, he looks so handsome in his black pants and v-neck shirt. Hindi halatang tumalon din siya sa building gaya ko, binawi ko ang tingin at ibinaling ko iyon sa suot ko, punit punit ang laylayan ng pantalon ko, sira narin ang blouse na suot ko, buti nalang at medyo makapal ang tela ng pang itaas ko kayat hindi ito tuluyang nasira dahil sa pagpupumiglas ko.

“you need to go back home” suhestiyon niya dahilan para mapatigil ako sa ginagawa kong pagkukumpara.

“no, no ” tatawa tawa kong wika. Kumunot ang noo niya sa inasta ko.

SNAREDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon