“sasama ako, sa ayaw at sa gusto mo” wika ni Jhi sabay duro ng tinidor na may lamang hotdog sa tapat ng mukha ko.
Umismid lang ako sa sinabi niya at ipinagpatuloy na ang pagkain.
“who are you?” tanong ko ulit kay Naiad.
“ipinadala kaba ni Daddy hah?” tanong ko.
Tumigil siya sa pagkain at tumingin sa akin.
“i am nobody’s person, Ganee” wika niya.
“eh sino ka nga!” sigaw ko.
Ayaw mong umamin hah.
Ibinaba niya ang kubyertos at tumingin sa akin ng deretso sa mata.
I can feel the tension.
Kumabog ng bahagya ang dibdib ko. He looks so dangerous right now.
“stop, Precious” wika niya.
Bumuntong hininga nalang ako. Bakit ba lagi nilang binabanggit ang pangalan na pilit kong tinatanggal sa sistema ko.
“hindi ako si Precious” wika ko.
Itinuloy niya ang pagkain kaya’t ganun din ako.
Si Jhi naman ay papalit palit ang tingin sa aming dalawa.
Pagkatapos ng umagahan ay lumabas kaming tatlo.
Hindi ko alam kung mapagkakatiwalaan ba talaga si Naiad, I don’t trust him really. He’s suspicious.
“will you please stop looking at me like that?” iritadong litanya ni Naiad.
“Sorry” wika ko.
Itinuloy ko ang paglalakad.
“titingin tingin lang ako dito. Let’s partways here” wika ko.
Tumango si Jhi at dumeretso na sa isang tindahan ng mga souvenir. Teka?, may pera ba siya?.
Buti pa siya. Napaisip tuloy ako. Sana manlang pala kinuha ko muna ang ATM ko sa may drawer bago ako tumalon sa building. Tsk.
Paglingon ko ay nakatitig na mga mata ang nasilayan ko.
“wala kang balak umalis?” tanong ko.
Umiling siya at tila sinasabing, “Ganee, sa ayaw at sa gusto mo, hindi ako aalis”
Nagkibit balikat nalang ako at dumeretso sa isang souvenir shop.
Nakasunod lang siya sa akin. Ano ba siya? Body guard?
“do you like that?” nagulat ako dahil bigla siyang nagsalita.
“no” wika ko.
“besides, wala naman akong pera” wika ko.
Iniwan ko ang “ethnic inspired” hand bag at dumeretso sa mga hikaw.
Naalala ko tuloy iyong bata kanina. Totoo kayang hindi nangingitim ang mga perlas dito?
“how about that?” tanong niya ulit.
Talaga bang susundan niya ako kahit saan ako magpunta?
Umiling iling ako at binitawan ang hikaw.
Lumabas ako sa shop at naglakad lakad pa.
Sapat na ang key chain na ibinigay sa akin kanina. Kinapa ko ito sa bulsa ko at napangiti.
“i can lend you some money if you want” wika na naman niya dahilan para mapahawak ako sa dibdib ko dahil sa gulat.
Pasulpot sulpot. Nakakainis.
Parang kabute. Tsssk.
“hindi na. Hindi ko nga alam kung paano ako makakabayad sayo eh” wika ko.
Dumeretso ako sa dalampasigan. Medyo mainit na ang araw.
Nagulat nalang ako nang biglang dumilim ang tapat ko. Inangat ko ang tingin at nakita ang kulay pink na payong na nasa tapat ko.
Paglingon ko ay seryosong mukha niya ang nakita ko. Sino kaba talaga?.
Naglakad lakad nga kami.
“who’s Champ?” tanong niya sa kalagitnaan ng paglalakad.
“as far as I can remember. He’s my childhood crush, my first love, I think, haha” oo. Iyon ang naaalala ko.
Kapag naaalala ko siya ay sobrang saya o sobrang lungkot lamang ang nararamdaman ko. Pakiramdam ko ay napaka importante niyang tao para sa akin dahilan para makaramdam ako ng matitinding emosiyon.
“where is he now?” tanong niya.
Teka nga. Tumigil ako sa paglalakad.
“why do you asked?” kunot noong tanong ko.
Hindi siya tumingin sa akin ngunit sumagot siya .“nothing,you uttered his name last night”
Did I?.
“he’s dead” mahinang wika ko.
BINABASA MO ANG
SNARED
ActionGinawa ko ang lahat para makatakas ngunit ibinabalik ako ng pagkakataon sa lugar kung saan ako nararapat. . saan nga ba ako nararapat? -- Ganymede Lumayo ako dahil sa isang maling desisyon. . pero pagbalik ko, itatama ko ang lahat. -- Naiad