Haha, sino ba siya para sabihin sa akin ang gagawin ko?.eh bakit nga ba kasi ako nagtanong.
"did my father send you?" walang lingon kong tanong.
Naramdaman ko ang marahan niyang pag galaw, itinagilid niya ang ulo at narinig ko ang mahinang tunog ng leeg niya, mistulang nangawit.
"nobody sent me, I came here on my own" seryoso niyang wika.
Napaatras ako ng bahagya, tumingin ako sa kanya, nakatingin parin siya sa dagat at wala siyang balak lumingon.
"sino kaba talaga?" wika ko.
Please, sagutin mo na, hindi ako ang tipo ng taong nagtatanong.
Ibinaling niya ang tingin sa akin at humarap. Those brown eyes, tumingin siya ng deretso sa mata ko at may dumaan na namang isang ala- ala
"precious!" tawag niya sa batang ako.
"what do you want?" tanong ko.
Mabilis akong naglalakad sa gilid ng daan para makalayo sa lalaking humahabol sa akin.
"let me explain!" malakas niyang sigaw.
Nagsimula ng umulan at wala akong dalang payong. Hindi ko ininda ang buhos ng ulan at ipinagpatuloy parin ang paglalakad.
Wala akong paki alam kung nakadress at naka takong pa ako.
Binilisan ko pa ang lakad ngunit bigla niyang hinablot ang braso ko dahilan para mapatigil ako.
"what do you want from me?" umiiyak ako habang tinatanong ang nilalang na nasa harapan ko.
"i'm sorry" mahina niyang wika.
Malabo, malabo ang mukha niya. Siguro dahil narin sa luha at sa tubig na nasa mukha ko. Masakit sa pakiramdam, mistulang namamanhid ang katawan ko dahil sa sobrang sakit, saan ba ako nanggaling bago ako makarating sa lugar na ito?. wala akong maalala.
"hey" wika niya sabay tapik sa balikat ko.
Ibinalik niya ako sa reyalidad. Ang taong iyon, sino ba talaga siya?. maraming tanong sa isipan ko, wala akong naaalala na mas maaga pa mula nang mag labing apat na taong gulang ako, anong nangyari?. ano ba talagang nangyari, sino ang lalaking lagi kong naaalala kapag nakikita ko si Naiad?.
"let's go" pambawi ko. Iniwan ko siya doong nakatulala.
Umiling iling ako habang papasok sa loob ng sasakyan. What will happen to me if everyone around me can't be trusted.
Pagkapasok ay umupo ako sa upuan ko, tinanaw ko siya mula sa bintana. Hindi parin siya gumagalaw sa kinatatayuan niya. Base sa tindig at itsura niya ay tila napakalalim ng iniisip nito.
Lumingon siya sa banda ko kaya't kinabig ko ang ulo ko at tumingin sa daan. Nakita ko sa gilid ng aking mga mata na papalapit na siya sa sasakyan kaya't umayos na ako sa pagkakaupo.
"where are we heading?" tanong ko.
Lumingon ako ng bahagya sa likod at nakitang tulog parin si Jhi.
"we'll look for a hotel here" wika niya at pinaandar na ang sasakyan.
Tahimik lang kami sa biyahe, ipinasok niya ang kotse sa isang kulay puting gate. Sa kanan at kaliwa nito at may tig dalawang palapag na gusali, sa harap naman ay tatlong palapag. Bumaba si Naiad at dumeretso sa tatlong palapag na gusali.
Lumingon naman ako at inabot ang braso ni Jhi.
"Jhi, nandito na tayo" tapik ko sa kanya.
"hmmm" mahina niyang sambit sabay kusot sa mata.
Bumangon ito at naupo ng maayos. Ano na ang gagawin ko pagkatapos ng dalawang araw dito. Ayokong bumalik sa Korea. Ayoko.
Bubuksan ko pa sana ang pinto pero nagulat ako nang makitang nakabukas na pala ito.
"we're here" wika ni Naiad habang nakatayo sa likod ng pinto ng kotse.
"thank you" nahihiyang wika ko. Bumaba ako sa kotse at tumayo sa harapan niya, hindi man aako makatingin ng deretso sa kanya ay ramdam kong sinusuri niya ang buo kong katawan o ang buo kong pagkatao, ewan ko?
Itinuro niya ang nasa kaliwang building, malamang, doon kami.
Tumango ako at naglakad na ppatungo doon."i only rented 1 unit for us" wika niya.
Dahilan para mapatigil ako sa paglalakad at napatigil din siya.
BINABASA MO ANG
SNARED
ActionGinawa ko ang lahat para makatakas ngunit ibinabalik ako ng pagkakataon sa lugar kung saan ako nararapat. . saan nga ba ako nararapat? -- Ganymede Lumayo ako dahil sa isang maling desisyon. . pero pagbalik ko, itatama ko ang lahat. -- Naiad